DINNER MAD COW

398 7 2
                                    

Sa bahay, wala silang pansinan ni Alvin. Ano kayang mangyayari sa kanya? Aagahan na talaga nya yung pagpasok. Mas gusto pa nyang maging loner kaysa makuyog ng mga babae sa DCA. Plus,the beckies. BECKIES?! What the heck was that plural?

DURING DINNER

“Ate, ba’t ang tahimik mo yata? Hindi kami sanay,” ani Charlie habang nakain sila. Gusto tuloy nyang tusukin na lang ito ng tinidor sa mata.

Napaka-atribido. Mana pa sa kanya.

^_^v

“Nasinghot nya kasi yung dibdib ng crush nya kaya nalasing ang ate mo,”(*_*’)

Dibdib ng crush ko? Eh, kanino ba yung dibdib na nasinghot ko..hindi ba’t kay...ugh!

“He-he. At nayakap naman ni Alvin yung mahal nya ng SOBRANG HIGPIT...kaya bumabanat sya ng ganyan.”

Akala mo,ikaw lang!Tinignan sya nito ng masama.

“WOW! Mukhang close na kayong dalawa ng anak ko,ah”

UGH!! Parang nabingi yata sya sa sinabi ni Tito Andrew.

“Yeah,” sagot  ni Kingkong. “Sa totoo lang, umamin na syang may crush sya sa akin,” tumawa silang lahat.

Ngumiti ako...ngiting-aso nga lang. Gusto ko ng magwala sa sinasabi ni Alvin.

O_o

“Yeah. And he’s started courting me.....JUST TODAY,” nagtawanan ulit sila. Si Alvin naman yung ngiting-aso.

“O Sheela, mukhang magiging magbalae na tayo,” nagkatinginan sila ng masama ni Alvin. “Type pala nitong Alvin ko ang Shane mo at mukhang mutual ang nararamdaman nila.

YEAH. Mutual talaga sila...sa pagkainis sa isa’t isa.

“So, pwede na siguro natin silang i-engage.”

“TITO/DAD!!!”   tawanan ulit.

Ba’t parang sila lang yung masaya?

Natapos yung dinner nila. Nagsabi si Tita Belen nya na makakasabay nila bukas sa dinner yung isa pang anak nito.

“WOW! May kuya ka pala kuya Alvin? Siguro kasing gwapo mo rin yun,” ngumiti lang ito.

Kung parang Alvin,hindi kagwapuhan yun. Walang dating sa girls.

“Mas malakas ang dating ko sa kanya,” sabi na nga ba, pangbida sa bakekang yun.

“He-he. Anlakas nga ng dating mo sa akin....CRASHED!”

“Ikaw naman, anlakas mo maka-JIMBOY....MAHAL!”

“LQ?” tumiklop si Charlie ng tingnan nila ng masama. Sumenyas pa ito na sini-zipper yung bibig. “Geh, akyat na me. Mukhang hindi pa kayo tapos sa loving-loving.”

Nang makaalis si Charlie ay nagsukatan na sila ng tingin ni Alvin.

“Anong sinasabi mong crush kita. EWW! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo.”

“At least ako, maraming tetestimonya na gwapo sayo wala! KILABUTAN? At sayo pa talaga nanggaling yan,Witch. Sinabi mo ngang mahal kita...Oo talaga, mahal na ang presyo ng gasolina ngayon.”

“Sila lang naniniwalang gwapo ka..ako hindi.”

“Hindi ko kailangan ng opinyon mo para mapatunayang gwapo ako.”

“Talaga lang,hah. Humarap ka sa full-length mirror at ng makita mo si Kingkong.”

“Same to you ng makita mo si Quasimodo,” talo na yata ako...di ko kilala si Kasidodo.

0_0

Tama ba yun?

Tumakbo na lang sya papunta sa kwarto nya. Siguro itutulog na lang nya yun.

Ma-search nga sa google kung sino si Kasidodo.

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon