APOLOGY OR INSULT? lol

339 6 0
                                    

“We missed you all. Ang sarap pala sa Hongkong, anak. Sa susunod, punta tayo dun lahat...pag nakaipon na ko ng sapat,” grabe! Buti pa nanay ko naggala, di man lang ako isinama.

Makiki-Hongkong pala sa parents ni Alvin hindi man lang nag-abiso.

Binilhan sila ng T-shirt na may nakalagay na: I ♥ HK

 

 

 

 

 

 

Si Alvin lang yung naka-relate sa kwento. Nakarating na din pala ito. 3X na nga daw. Si Charlie, nakikiusyoso at masaya pa. Ako lang yung inggitera.

Nagsabi syang aakyat na pero sa green house sya nagtuloy.

Umupo ulit sya dun sa swing na sako tapos sumamyo ng hangin. Siguro kung buhay pa yung Tatay nya, hindi sya ignorante sa mga ganung bagay. Kahit hindi na sa Hongkong, kahit sa Bohol o Sagada na lang...basta masaya sya.SILA.

“May problema? Pwede mong sabihin sa newly discovered friend mo?”

She smiled. Newly discovered friend? Cute.

“Nothing. Naalala ko lang Tatay ko.”

He sighed. “For sure, mas masaya kayo kung nandito sya. Pero sa tingin ko naman, sapat yung nanay mo sa inyo ni Charlie. Ang saya nyo nga dito.”

“Hindi ka ba masaya sa mansion nyo?”

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon