HEART BROKEN SILANG DALAWA?! WAAAAHH!!!

400 6 1
                                    

Nung paglabas nya sa gate, nagulat pa sya ng makitang nakatayo si Alvin sa may pader. May suot itong bull cap. Disguise.

“Tara na. Witch.”

Ba’t nga ba nya nalimutang sabay nga pala silang pumasok syempre pati pag-uwi dahil hindi marunong tong si Kingkong.

“Sige,” hindi mo naman halatang heart broken ito. Yung natural pa rin na sya.

“Himala yata..hindi ka nakabulyaw sa akin ngayon. Still lack of sleep?” tumango lang sya at naglakad na papuntang sakayan ng jeep.

Sumusunod lang naman ito sa kanya.

Dahil uwian, madami talagang commuters. Siksikan sa jeep. Itong si Alvin, namumula na yung mukha. Siguro dahil hindi sanay na masikip at mainit. May nakasakay silang ilang taga-DCA. Nakayuko lang tuloy si Alvin buong biyahe.

Nakababa naman sila ng jeep ng ligtas.

Hindi pa rin nya balak dagdagan ang sama ng loob nito kaya hindi muna nya ito pagkakakausapin. Nakahalata yata ito kaya pinigilan sya sa braso. Naglalakad lang kasi sila paluob ng subdivision.

“May sakit ka ba, Witch? Ang tamlay mo,eh. Hindi ako sanay.”

“Wala. Itutulog ko lang to. Puyat nga, di ba? Tsaka, ang gulo mo na. Pag inaaway kita, galit ka. Ngayon naman, hindi kita inaaway, parang ang laki pa rin ng problema mo,” he chuckled.

“Wala lang. Nakakapanibago kasi.”

“Malay mo pala...may problema rin ako. Hindi mo lang alam, baka heart broken ako,” natahimik naman itong bigla sa sinabi nya.

“Heart broken ka?” Ba’t kaya hindi nya yan itanong sa sarili nya? Kung magtanong ito, parang hindi naman gaanong apektado sa pasaring nya. Ang galing nito magtago ng nararamdaman.

“Mukha ba akong heart broken?”

“Ewan. Nakikita ba sa mukha yun. Kung ang basis ko...ugali mo, hindi ka mukhang heart broken dahil ang taray-taray mo. Kung mukha mo, ewan lang,” sinipat-sipat pa nito yung mukha nya.

“Stop that! Bilisan na nating maglakad at ng makatulog na ako.”

Natulog nga sya ng tanghali. Paggising nya, nagreview na sya. Puro minor subjects lang bukas exam nila kaya minani nya lang.

Nakita nya si Alvin at si Charlie sa may green house.

“Kuya, sabi ni nanay, bawat bulaklak may meaning. Hindi pa nya natuturo sa akin. Tsaka na daw, pag nanliligaw na ako,” tumawa si Alvin.

“Baka pwede akong magpaturo kay Tita sa bagay na yan,” ngek! Hindi ba’t basted ka na nga. Tsk.

“Pwede!”

“Ang ganda dito sa inyo, Charlie. Nakakarelaks. Ang tahimik, nakakawala ng problema.”

“Talaga. Si ate lang yung maingay dito,eh.”

Grabe! Ansarap pitikin sa ilong nitong si Charlie.

“He-he. Wag kang nagsasalita ng ganyan dahil nasa paligid lang yung maingay,” napatingin sila parehas sa akin.

Napahiya pa tuloy ako dahil kanina pa pala alam ni Alvin na nasa greenhouse ako.

“Uy, ate! Kanina ka pa ba dyan? Sumisilay ka kay Kuya, noh?” naningkit yung mga mata nya.

“Hindi. Nakikinig talaga akong sadya para pag isa sa inyo ang nagsabi ng hindi maganda tungkol sa akin, magilitan sa leeg,” tumawa ang mga ito.

“So, gigilitan mo si Charlie sa leeg?” umiling sya.

“Hindi ulit. Totoo naman kasing maingay ako.”

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon