MEET THE PRETTIEST GIRL IN DCA

429 8 0
                                    

TUESDAY.

Gaya ng ipinangako nya, she motivate herself  na makapasok ng maaga. Sya pa lang yata yung estudyante sa school. AND THE MOST PUNCTUAL STUDENT GOES TO.....IRRESISTIBLY BEAUTIFUL.....

.......................................................................................................................................................................

Please vote for THE OTHER WAY AROUND of Jeanmonique!!

............................................................................................................................................................

ARIANNE JOLENE CORTEZ!

WEIRD GIRL. Nakaupo sya duon sa isa sa mga benches sa may school field. May sinusulat sya na ewan. Baka nag-aaral? Kailan na nga ba yung prelims nila? WAAAHHHH!!!

Bukas na yun! Wednesday-Thursday-Friday. Ohmy-MOMAY!

Di bale, mamaya na lang. Sanay na rin naman sya ng cramming. Hay, ba’t ang mga magaganda...masipag mag-aral. Gaya na lang nito ni Jolene. Hindi ba’t maganda rin sya. Pero yung masipag at Witchelle Shanelle parang hindi kailanman nagtutugma.

I therefore conclude, hindi lahat ng magaganda ay masipag mag-aral...TULAD NYA.

“HI!”

*(^_^)(“’)

Bati nito sa kanya na ikinagulat nya.

“Haloo,” what the—anong sagot yun!

“AJ here,what’s your name?” AJ? Ah, Arianne Jolene.

“Shane. Shane Bermudez.Ang aga natin,ah,”

“YEAH. Pansin ko nga. Nahihiya kasi akong maglakad sa hallway ng marami ng tao.”

HA?! Nahihiya sya? Ba’t naman sya mahihiya kung sikat na sikat nga yung grupo nila.

“Are you serious? Nahihiya ka?” Tumango ito. “Pero bakit? Sikat ka nga sa school na to.”

“Hihi. AKO?! Baka si Alvin, Angelo, Kenny at Tatiana yung sinasabi mo,” OMI! Sobrang humble nitong babaeng to.

“Tsk. Mas maganda ka pa nga kay Tatiana. Parang alam ko na kung ano yang nararamdaman mo, hindi yan hiya kundi ilang. Naiilang ka siguro sa atensyong ibinibigay nila sayo.”

“You sure?”

She nodded. “I am. Baka kasi pag nadaan ka sa hallway, lahat ng boys..they’re asking for your attention. Na kesyo Jolene, pwede ka bang maka-date or Jolene pwede ka bang ligawan or Jolene pwede bang ikulong na lang kita sa puso ko...mga ganon!”

She chuckled. “You’re so funny,” clown! “But you’re also beautiful.”

“I know I am,” ngumiti ito. “Hindi ka naniniwala?”

“Naniniwala. Do you experience those things also when you’re passing the hallway?” napakamot sya sa ulo.

“Hindi ehh..”

“Well, they’re blind.”

“That’s what I thought.”

Tumawa ulit ito. YUNG TOTOO, NAGPAPATAWA BA SYA? NANINIWALA NGA KAYA TALAGA ITONG MAGANDA SYA?

Mga after hindi nya alam na minuto, nagsimulang ng dumami yung tao sa DCA. Nagtilian na naman yung mga babae sa hallway as usual ng dumaan si Alvin. Magkasama nga sila ni AJ sa pagdaan sa hallway at tama nga, lahat na lang ng mata..nakatutok sa kagandahan nito. Nakita pa nga sila ni Alvin na magkasama. Tinignan sya nito ng kunot-noo.

Masamantala nga yung pagkakataon. Inakbayan nya si AJ at may binulong sya. Tumawa ito.

☻☻☻☻

Lalong kumunot yung noo nito. Iniisip sigurong siniraan nya ito kay AJ. WOW! Kanina paJolene-Jolene lang sya..ngayon, close na sila. AJ!

Nagklase sila ng mga nakakatamad na topics. Nakinig sya ng konti lalo na sa Calculus. Mga derivatives of ewan chorva yung na-discuss. Bukas kasi yung exam dun.

Nung lunch, nakiusyoso sya sa mga estudyante ng DCA sa pagtingin sa bulletin. Akala nya kasi kung ano yung pinagkakaguluhan dun.

“SINO YANG BABAENG YAN?!”

“ANLAKAS NG LUOB NYANG AKITIN SI ALVIN NATIN!”

Hinawi nya yung mga nakaharang at-----

“WAAAAHHH!!!”  napatingin sa kanya yung mga andun.

“OA na yang reaction mo, girl. Let’s help us na lang ibunyag kung sino itech na malanjutay na girl na kumekerengkeng kay Alvin.”

O_O

Nanlaki yung mga mata nya. Yung sinasabi ng mga itong kerengkeng na babae...SYA YUN. Napicture-an nga sila dun sa may CR. Buti nakasubsob yung mukha nya dun sa dibdib ni Alvin. Si Alvin lang yung kita duon.

Maya-maya, nahawi ulit yung mga tao....nandun yung Alvin and the Chipmunks.

“Woah! Dre, bat naglilihim ka sa amin? Sino yang apple of the eye mo dito?” napalunok sya sa tanong ni Kenny.

Parang gusto na nyang magtatakbo kaya lang baka sabihin super OA na sya.Napansin nyang bumaling yung tingin ni Alvin sa kanya.

CHUG-CHUG-CHUG-CHUG..............................................................

Ganyan yung tunog ng dibdib nya sa sobrang kaba.

Naghihintay ang lahat sa sagot nito. Ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko. ARRRGGGH!!Ansarap ihampas nitong backpack ko sa mukha nya. Wag lang talaga syang magkakamali, maghahalo ang balat sa tinalupan. NGEK! Anluma nung threat nya.

“He-he yan ba? Ahmmm.....” Amoeba ka! Wag kang magsasalita. “Hindi ko muna sasabihin. Hindi pa nya ako sinasagot,eh. Medyo nagpapakipot pa sya,baka mamayang uwian sagutin na nya ako,” nag-angalan yung mga estudyante.

BWISIT! KAINIS! Parang gusto kong ibalik si Alvin sa sinapupunan ng mommy nya. Inaasar na naman sya nito. Pinakaba sya nito.

“Alvin, bakit sya pa? Pwede namang ako...hindi mo na kailangang manligaw.”

“Oo nga, magpapagod ka lang sa babaeng yan!”

“He-he. Iba sya,eh. Sya si Mahal..ako yung Jimboy nya,”ALLLLLLVVVVVVIIIIIIIINNNNNNN!

“Pwede bang clue? Kahit initials lang.”

“He-he. Ka-batch ko sya.”

THIRD YEAR?!” chorus ng lahat.

She close her fists to reduce herself from bursting. Ano bang problema nito at sinabing 3rd year yung kasama nya sa picture.

Gusto ba nitong mabunyag yung secret nila. Hindi nga ba’t ito pa mismo yung nagsabing wala dapat makaalam ng tungkol sa bagay na yun.

“Sino yung 3rd year na yun?”

“Baka classmate din ni Alvin.Hay, she must be pretty enough to take his attention.”

Pasimpleng umalis sya sa ulupong. Bad trip talaga sya dyan kay Alvin. [Kailan ba sya natuwa?]

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon