THEY'RE ALWAYS LIKE THAT

423 9 2
                                    

Tatawa-tawang lumabas sya sa kwarto ni----nya. Tinignan nga sya ni Charlie ng nababaliw-ka-na-ba-ate look.

Mga after 45 mins. lumabas na rin si Kingkong. Napangiti sya ng nakakaloko dito. Salubong naman ngayon ang kilay nito. Dumiretso ito sa may kusina. Tsk. Buti ipinagluto sila ng nanay nya dahil wala syang alam sa pagluluto. Puro prito at gisa lang ang kaya nya. Saing nga, nahihirapan pa sya, eh.

“Hay, makapaligo na nga,” pagpaparinig nya dito. Talagang nilakasan nya yung boses nya para umabot sa kusina nila. “Alam mo Charlie, mas maaatim ko pang gugu na lang ang gamitin kaysa naman feminine wash. Hihihi. Ang lamig siguro sa ulo non,noh. Refreshing,” tinaasan naman sya ng kilay ni Charlie.

“Ate, ano ba! Ang gulu-gulo mo. Hindi ko naman maintindihan yang sinasabi mo. Pati, alis ka nga dyan at di ko makita yung pinapanood ko,” binatukan ko nga. Hindi man lang sya damayan sa victory nya.

Di bale, ok lang. Masaya pa rin sya. Does it matter kung manalo sya sa asaran dito? Yeah. It does matter. Kailangan nya na ngayong patunayan na maling pumasok ito sa buhay ng isang Witchelle Shanelle Bermudez. Akala nito, sa DCA sikat sya pero hindi sa bahay na to. AKO ANG BATAS DITO[HEHE,SECOND LANG PALA. NANAY KO FIRST]  

After 5 mins. lumabas ito galing kusina.

“Masaya ka na nyan, Witch? Sige lang..magpakasaya ka. May picture na naman ako nung PANTYOLOGY at BRAYOLOGY sa kwarto mo dati,eh...na kwarto ko na ngayon,” pinanlisikan nya ito ng mga mata.

Si Charlie naman..ayun tumawa pa ng malakas. Padabog na umakyat sya ng kwarto nya. Inalis nya dun  sa dingding ng kwarto nya yung sinasabi nito. Yung panty nya ng elementary na pinagtripan nya at nilagyan nya ng caption na...PANTYOLOGY IS A BRANCH OF SCIENCE THAT DEALS WITH THE STUDY OF  GIRLS’ UNDERWEAR.  Pati yung baby bra nya na nilagyan naman nya ng caption na...BRAYOLOGY IS A BRANCH OF SCIENCE THAT DEALS WITH THE STUDY OF CUP SIZES OF GIRLS’ BRASSIERE.

“OK lang. Nasa blackberry ko na naman yung picture nyang obra mo,eh,” nandun na pala ito ulit at mukhang enjoy na enjoy pa na nakikitang asar na asar na sya.

“He-he. Funny. Kahit ilagay mo pa yan sa bulletin sa DCA wala namang proof na akin yan,eh.”

“OW! Hindi ko sana balak gawin yun, eh. But you gave me an idea. Walang proof? Nakalimutan mo yatang alisin dyan yung picture mo sa taas,” pagtingala nya. Bumagsak yung mga balikat nya. Nandun sa ibabaw ng what-so-called-obra  yung picture nya na pinaka-recent at naka-peace sign pa.

“Subukan mo lang gawin yon..”

“Ano namang gagawin mo sa akin?”

“Magkakaroon ng audio drama sa auditorium.”

“For what?”

“Iparirinig ko lang naman yung pagiging bitter mo dun sa school garden,” nagsalubong ang mga kilay nito. Halatang hindi nagustuhan yung mga sinabi nya. Joke lang naman nya yun. Wala naman talaga syang naka-record na ganon.

“Give me that record or else---

“Or else what?” tanong nya.

“Gagamitan kita ng pwersa para makuha ko yong record.”

Hah! Sinong tinakot nito. “Akala mo ba takot ako sayo? TUMATAGINTING NA HINDI KAYA TSUPI---Lalabas na ako,” hinawakan sya nito ng mahigpit sa braso.

“Akin na sabi,eh.”

“Alisin mo nga yang kamay mo sa braso ko. Masakit...”

“Ibigay mo muna yung record.”

“Pag binigay ko yon, ipo-post mo sa school yung—yung—

“Wala. Ok,wala...”

“Anong wala?”

“Wala sa cp ko yon. Tsk. Pag ipinaskil ko yon sa bulletin, baka malaman nilang magkasama tayo sa iisang bubong ,”ang yabang nito! Ikinahihiya pa nito ngayon na nakikitira lang ito sa kanila. “Now, give me the record.”

“Wala. Ok,wala...”panggagaya nya dito.

“I don’t believe you.”

“Tsk.Pinipilit ba kitang maniwala? Kung may record ako non e di inamin ko na rin sa sarili ko na stalker mo ako in which—eww! You’renot my type,” binitiwan na nga sya nito sa braso.

“Sige na.Tsupi, Miss Pantyology and Brayology!”

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon