CALCULUS MANIA

417 8 2
                                    

DINNER.

♥.♥

I saw him again. I saw him again.....LALALALALALALALALALALALA!!

Mali sya. Maling-mali sya. Alvin’s brother is none other done.....

ANDRES BLAKE CONSTANTINO.☻

Haizt, kahit hindi na ako mag-ulam. Kanin na lang. Tititigan ko na lang si Andres.

“Anak, may sakit ka ba?”nanay ko naman...agaw-trip.

“W-wala po.”

“Ba’t parang hindi ka kumakain?”

Ngumiti sa kanya si Andres. WEEEEH!!

“OK lang ako, nay.”

“Ganyan rin yung sinabi mo sa akin nung matalsikan kita ng putik. Sorry ulit dun,ha?”

“A hindi, ok lang yun,” napabaling kay Alvin yung tingin nya. Nakakunot-noo ito.

“Hindi bagay,” he whispered pero dinig naman nya.

“Pakialamero,” bulong rin nya. “ Sige lang, Andres. Damihan mo yung kain mo,ha? Gusto mo pa ba ng kanin? O, eto pa ang kaldereta. Sabi ni Tita,fave mo to.”

“Pumitik si ate,” Charlie talaga...bumanat na naman.

“Gusto mo rin ba, Karleng? Damihan mo lang yung kain mo,ha?” nilagyan nya ito ng isang bandehadong kanin. “At wag mo akong pakialamanan.”

Natapos yung dinner nila na hindi sya masyadong nakakain dahil busy sya sa pagsiyasat kay Andres.

After nun, nagsiakyatan na yung mga oldies at pagod raw ang mga ito. Si Alvin din...may gagawin pa daw. Sya, si Charlie at si Andres na lang yung nasa baba. Nanunuod sila ng TRANSPORTER 2.

“Charlie, hindi ba’t may pasok ka pa?” pinandilatan nya to ng mata. “Di ba?!”

“Wala kaming pasok bukas dahil may faculty meeting. Ikaw ang may pasok di ba,ate?!” Bwisit! Naa-adapt na yata ni Charlie ang pagiging mang-iinis nitong si Alvin.

Walang pakisama. Gusto pa naman nyang masolo si fafa Andres.

“OK ka ba, Andres? Nabusog ka ba sa kinain mo o may kailangan ka pa?” ♦.♦

“Ayos lang. Ikaw ba?” ngumiti sya habang tumatangu-tango.

Pinapungay pa nga nya yung mga mata nya.

“Ate, nagtatanong ka pa kung busog si Kuya Andres. Tsk. Common sense. Sandukan mo ba naman ng sangkaterbang kanin at putahe ewan ko lang kundi pa sya mabusog,” Tinignan nya ng masama si Charlie.

Kontrabida sa pagmamahalan nila ni Andres. Kitamz na unti-unti ng nahuhulog sa charm nya ang lalaki...nangingialam pa.

“Hindi ka pa ba talaga inaantok?”

“Ikaw ate, hindi ka pa ba inaantok? Pipikit-pikit ka dyan,eh.”

Babatukan na lang siguro nya si Charlie bukas.

Dahil yata sa inisan nila ni Charlie, tumayo na si Andres at nagpaalam. Babalik na lang daw ito some other time. Ayos yun, at least hindi na nya ito kailangan pang hagilapin at ito na mismo ang kusang lalapit sa kanya.

“OUCH! Ate naman...what’s your problem?”

“Kainis ka,eh! Sinisira mo ang diskarte ko. Malapit na ngang ma-in love sa akin yung tao,” tinaasan sya ng kilay ni Charlie.

“Joke yun? Itulog mo na lang kaya yan o di kaya gayahin mo si Kuya Alvin na nag-aaral. Prelims nyo daw bukas,eh.”

“WAAAH!!! Nakalimutan ko, preoccupied kasi ako ni Andres,” tumakbo na sya sa taas.

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon