STUART OF SOMETHING NEW? psh. hihi

393 7 1
                                    

dedicated toh sa taong naging dahilan ng paga-update koh. Lels. Wala talaga kong time for the past few months? pero dahil, 1k na reads nito.GOGOGO! Pati sana, yung votes at fans ko dumami pa. Thanks.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Dalawa na utang ko sayo, Kingkong. Don’t worry, mababayaran din kita after ng ating munting truce,” napatingin ito sa kanya.

“Truce? Tayo? Imposible yata yan!”

“Ganyan din yung naisip ko, pero dahil may iisa tayong goal....magwo-work naman siguro yun.”

“What goal?” nagtataka talaga ito.

“You’re right. Women are more imaginative than boys.”

“EENNNNGGGK!! I said girls are more imaginative than men,” nag-make face lang sya.

“Well, I’m not a girl anymore.”

“Me too. I’m not a boy. Kitams! Mga simpleng bagay nga di pa tayo magkasundo. Truce-truce pa kaya.”

“Pakinggan mo nga muna kasi ako. Hindi ba’t ang goal natin, mapaibig natin si AJ at Andres.”

“Si AJ lang, ang sagwa kung paiibigin ko si Kuya,” pinalo nya ito sa balikat.

“Umayos ka nga!”

“Maayos na to. Tsaka, tingnan mo nga, pati pangalan bagay yung dalawa. Arianne Jolene---- Andres.”

“Pwede na rin naman yung Alvin at Arianne Jolene,ah! Lalo naman yung, Shane at Andres...ang lapit, di ba?” O_o

“Mga plano mo, kahina-hinala. Tipong hindi magwo-work. Kung mag-work man, palpak.”

“Napakapessimistic mo kasi! Naisip ko lang naman, ilalakad mo at pababangunhin mo ang pangalan ko kay Andres. Tapos, ako naman kay AJ.”

“IKAW?!” tumawa ito.  “Yung sayo, magagawa ko ng tama yon. Kahit magsinungaling ako ng mga 99.9% na bagay tungkol sayo....O di ba, parang isopropyl alcohol! Alangan naman kasing sabihin ko kay kuyang di ka mabait....syempre isa na yun sa kasinungalingang isisiwalat ko,” she snorted.

“At anong pinalalabas mo...na hindi ko magagawang ilakad ka kay AJ? Madali lang yon sa abilities ko, nakita mo na nga kami nung nakaraang magkasama nung irog mo.”

“Oo nga pala, ba’t magkasama kayo non? Siniraan mo ba ako sa kanya?”

“Masamang magbintang! Wala akong sinabi tungkol sayo. Ganon lang talaga pag magaganda..click agad!”

“Sige lang. Magsinungaling ka lang sa sarili mo.”

“Hindi ba ako maganda? Sabihin mo nga sa akin.”

“Hmm...maabilidad ka naman. MINSAN.”

“Hindi ba ako mukhang magugustuhan ng Kuya mo?”

“Maalaga ka naman kay Kuya. Mukhang magiging ano---- pano ko ba sasabihin to!”

“Ayaw mo bang makipagtulungan sa akin? C’mon! Akala ko pa naman, ikaw yung tipong hindi agad susuko. Tsaka, wala namang masama kung subukan natin, pag di nag-work, at least we put up a fight.”

“Sa lahat ng sinabi mo, Witch...dyan lang talaga ako natuwa. As in, may sense din naman pala ang isang Witchelle Shanelle Bermudez,” sinimangutan nya lang ito.

“So...”

“Deal. Yeah. I think hostilities were gone,” he smiled.

Syempre anong gagawin ko? Smile na rin. Kamayan.

Pirmahan ng kontrata tapos finger prints chorva. And then, isip ng  plano para ma-implement na agad nila sa Monday.

“One great facts about women...they love flowers! Kaya, bumili ka na lang sa green house namin. Di pwedeng libre. One hundred pesos kada tangkay yun.”

“Ahem...ahem. Sabihin mo sa akin kung anong flower ang dapat ibigay kay AJ. Charlie told me that every flower has its meaning. Gusto ko yung may meaning na babagay kay AJ.”

“Rose na pink!” yun nga lang ang alam nya dahil narinig nyang may bumili sa nanay nyang batang babaeng umiiyak.

Nag-away raw sila ng BFF nya kaya sabi ng nanay ko ibigay daw yun sa BFF nya dahil it symbolizes friendship. Maimbentuhan na lang nga ng meaning.

“Pag ibinigay mo kay AJ yan, ibig sabihin.....maganda sya at wala ka ng ibang hahanapin pa kundi sya lang. 4 na tangkay ang bilhin mo...” para tumataginting na 400 pesos ang kita ko!

“Bakit?”

“Di na uso yung I LOVE YOU. Tatlo lang. Mas maganda. I LOVE YOU VERY.....oh! Lima na pala para I LOVE YOU VERY MUCH.”

$_$--Five hundred Pesos!

“Niloloko mo ba ako?”

“Hindi. Mas maganda talaga lima. Bayad mo, ha?”

“Whatever. O yung sayo? Hmm, mahilig si Kuya sa mga babaing mahinhin at di-makabasag pinggan. In that case, bagsak ka na kaya wag na nating ituloy to,” pinanlisikan nya ito ng mata. “Just kidding. Well, kaya mo bang magbago para sa kanya?”

“Uh....k-kakayanin ko yun! Fine! Kailan ba?”

“Sa Monday pa. Next week, may battle of the bands sa DCA. I’ll invite him para magka-chance kang magpapansin sa kanya.”

“Akala ko ba tulungan tayo? Ba’t parang ako lang ang kikilos dito?”

“Tulungan nga. Well, ibibida kita sa kanya don’t worry. Tsaka, nandun rin si AJ kaya gawan natin ng paraan na hindi sila magkita at kung magkita man sila....let’s make it a point na ka-date mo si Kuya that night. Ako syempre, si AJ kasama ko.”

“Great idea. Ibigay mo yung flowers sa Monday. Ako gagawa ng paraan para makapag-solo kayo.”

“I can’t believe this.”

“WHAT?”

“Hindi ko mapaniwalaang darating tayo sa point na magtutulungan. Ikaw na rin ang may sabi, yung Witch at Alvin na magkasundo..wrong grammar yun.”

“Shane at Kingkong ang sinabi ko,” ngumiti lang ito.

“Isa sa area of responsibility ng ating kontrata ay wag ma-in love sa isa’t isa. Sa part na yun, ikaw ang may pinakamalaking chance na lumabag.”

“Kapal nito. Pinalagay ko lang yan sayo dahil ganyan yung mga nangyayari sa drama. Paranoid lang akong mag-agawan pa kayo sa akin ni Andres,” he feigned a laugh.

“Really? Kasama rin dito sa written paper na magtuturingan na tayong----aww! FRIENDS?!”

“Kahit labag sa kalooban natin, kailangan. Because, how would a plan will be a successful one if there are no great connections between us?”

“Great connections talaga! Ha-ha. I can’t believe na dadating ka sa puntong sasabihin mo sa akin yan.”

“He-he. I’m not kidding at all. For our success...friends na ba tayo?” inilahad nya dito ang palad.

“Yeah, for the sake of this contract and for our success,” abot nito sa kamay nya.

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon