SIKRETONG MALUPET!!!

369 6 0
                                    

Ipinanalangin nya na wala silang makasabay na taga-DCA sa jeep. Thank goodness wala. May mga taga-ibang school na walang ibang ginawa kundi kiligin kay Alvin.

Hanggang dito ba naman...

Pinigilan ko pa nga ang loko. Magbabayad ba naman ng 500 peso-bill sa jeep. Ako na lang tuloy yung nanlibre sa kanya. Halatang hindi marunong mag-commute.

After hindi na naman nya mabilang na minuto, nakarating rin sila sa DCA. Sinabihan nya itong wag sumunod sa kanya. Nagpauna sya pumasok at hindi nya na nilingon ito.

Natapos na yung dalawang pinaka-fave subject nya. History at Calculus.

Tingin nya naman, papasa sya gamit yung natutuhan kay Alvin + yung nakopya nya kay Ursula.

Recess. He-he. Libre sya sa recess dahil treat ng lola ni Alvin yung pagkain nya. Halfday lang naman sila ngayon kaya may time pa syang matulog mamaya. Ang kaso, kailangan muna daw nyang hanapin si Alvin para sabay-sabay sila kumain.

Pasimple syang pumunta sa room ng mga ito. Wala.

Hanggang napunta sya sa School library, cafeteria, rest rooms, field, school garden and last but not the least..auditorium. Lalapitan na sana nya si kingkong ng magsalita ito.

“Bakit kasi sya pa?” ang seryoso naman ng boses nito.Nagmo-monologue ba ito? Hindi malabo dahil auditorium to. “Nasasaktan ka lang sa kanya,” kung umaarte ito, he was really good.

“Alvin...”

“I know. Pero hindi mo ba pwedeng subukan,AJ?” O_O

Si  AJ? So, totoo pala yung mga tsismis about sa kanya at kay Alvin.

“Hindi ba pwedeng mahalin mo ako higit sa kaibigan? Hindi mo ba pwedeng ibaling sa akin ang attention mo? Do I look like I’m not the loving type?”

Nawiwindang yata sya.

Anong magiging reaction ng mga taga-DCA kay Alvin. Sikat na sikat. Madami ang humahanga sa kanya pero sa kabila pala non....heart broken sya!At hindi lang yon...

Nagmamakaawa pa syang mahalin ng taong gusto nya.

“Alvin, I’m so sorry. Alam kong gasgas na to pero totoo, hindi basta-basta na lang ganon yun. Hindi basta natuturuan yung puso para ituon yung pag-ibig sa iba. Nasasaktan ako dahil sa kanya. Pero, nasasaktan din ako dahil alam kong nasasaktan kita.Mahal kita,alam mo yan.”

“Pero hindi tulad ng pagmamahal na gusto kong maramdaman mo para sa akin,AJ.”

AWW!!

Parang nawala yung gutom ko sa mga natuklasan ko.

Tumalikod na lang sya para siguro umalis na at malapit na rin naman yung resume ng class. Nagulat naman sya kay Angelo na nakasandal sa may pader.

“Kung may record, video o anumang evidence ka sa mga nalaman mo ngayon..magkano?”

“Hindi ako nagpapa-presyo.”

“A, talaga?”

“Talagang-talaga. Wala akong video o anumang recording. Aksidente lang yung nakita at narinig ko.”

Nagmartsa sya palayo kay Mister Prim and Proper. Parang Alvin pala to, nakakabwisit rin yung mga salita.

“So, if ever na mag-leak ang info na to...alam ko na kung sino ang dapat kastiguhin.”

“If ever na may masamang mangyari sa akin, alam ko na kung sino ang uusigin ng konsensya. Masama ang magbintang at maging tamang hinala lalo na sa isang Shane Bermudez na sa simula’t simula ay walang pakialam sa mga tao sa paligid nya. What would I gain if I leaked the info..money? Fame? Lame.”

Hindi nya alam kung naka-concentrate pa sya sa dalawang tests. Naiinis sya kay Angelo. O sa sarili nya rin siguro.

May phobia kasi sya sa negatibong ebalwasyon sa kanya ng mga tao. Kahit naman rude at brute sya magsalita, hindi pa rin nya nasasabi ng harapan yun sa ibang mga tao.Ang sakit kasi magsalita ni Angelo, tinutulad sya sa ibang mananamantala ng kapwa.

Sugalera, basagulera, at mukhang pera sya pero sa labas yun ng school at sa tingin naman nya wala syang taong natatapakan. Kung ibubunyag nya yung mga nalaman kay Alvin, hindi tama yon. Sisiraan mo ang isa para lang maka-gain ka ng pera o ng kapangyarihan. THAT’S BULL...I think.

Siguro rin, time out muna sya sa pakikipag-away kay Alvin ngayong Linggong to. Mamaya nyan,sakalin na lang nya akong bigla pag may nasabi akong di maganda. Ganon yata ang mga bigo,eh.

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon