HOME SWEET HOME

523 13 0
                                    

“Witchelle Shanelle, ano bang nangyari dyan sa uniporme mo at ganyan? Alam mong ang hirap-hirap maglaba kung san ka nagsususuot. Para kang elementary,mas malinis pang magdamit sayo si Charlie,” sermon ng nanay nya.

Single nanay ang meron sya.SINGLE in a sense na wala na ang Tatay nya at patay na. Meron rin syang bunsong kapatid. May green house sila at yun ang pinagkakakitaan nila. Mahilig mag-alaga ng bulaklak ang nanay nya pero sya hindi.Dakilang tagaputpot lang sya ng mga bulaklak kaya lagi syang may bulaklak sa tenga bago pumasok. Rose, mums at hibiscus lang yata ang alam nya sa tinitinda nila. Anong alam ko sa pesticides, fertilizer chorva na yan. Si Charlie, mahilig din sa mga halaman at bulaklak kaya lagi syang sinasabihan ng mga ito na mana sya sa papa nya. Mahilig sa nature pero walang hilig sa kanila ang nature.

YEAH. Parang probinsya tong bahay namin...tahimik talaga at walang mga bwisit. Mahilig naman talaga sya sa nature pero wala talaga syang talent sa pagtatanim. Gusto nya nga tong ganitong tahimik at uupo lang sya sa swing nilang gawa sa sako tapos sasamyo ng sariwang hangin.

“Nay, pasensya na po. Natalsikan ako ng putik nung kotse...”

“ANO?! Bat hindi ka umalma, hindi sya nag-iingat. Tsk. Dapat pinatunayan mong isa kang Bermudez. Itinayo mo dapat ang bandera ng angkan natin,” sabi ko nga, napakunsintidor nitong nanay ko. Itulak ba naman syang makipag-away.

“Nay, itinayo nya..” sabad ni Charlie. “Ang kaso, nung nakita nyang artistahin yung driver...nabakla si ate,” pinanlakihan nya ng mata si Charlie.

“Hoy Karleng, wala kang pruweba dyan sa sinasabi mo,” dinuro-duro pa nya to. Sabi ko nga sa inyo, tahimik sa bahay namin at walang nag-iingay. Sya lang nag-iingay dito. “Liar!”

“Ate, nakita kita.  Magkatapat lang po ang school natin kaya wag ka ng magkaila. Nay, pumitik si ate!” hahabulin sana nya ng kurot si Charlie pero sinaway na sila ng nanay nila at may importante raw itong sasabihin.

“Nay,ano ba yang announcement mo? Kinakabahan kami ni Charlie sa iyo,” pinaupo sila nito sa may salas.

HUWAG LANG TALAGA ITONG MAG-AASAWA...MAMAMATAY SYA. HINDI PA NYA MAAATIM NA SAKTAN SILA NG MAGIGING STEPFATHER NILA AS WELL AS STEPSISTERS/STEPSONS KUNG MERON MAN. [mahilig sya sa telenovela kaya paranoid sya].

“Pasensya na kayo at nagdesisyon ako ng hindi ko kayo sinasali,”ang lakas ng kabog ng dibdib ko pagkasabi nya non. “Sa tingin ko naman tama ang desisyon ko na-------

“NAY! MALI YUNG DESISYON MO! Sinasabi ko sa yo masasaktan ka lang! Masasaktan rin kami ni Charlie,” tinaasan naman sya ng kilay nito.

“Shane,  hindi ba pwedeng patapu------

“Nay, please wag! HUWAG NA HUWAG MONG GAGAWING MAG-ASAWA KA ULI!”

TOIIIIIIIINNNNNNNK! OUCH!

 Grabe lang tong nanay ko batukan ba naman ako. Masakit kaya...try nyo.

“Shane, patapusin mo nga muna ako. Ang OA mo! Sa tingin mo ba, mag-aasawa pa ako? Nangako ako sa Tatay nyo. Yan! Yan ang napapala mo sa kapapanood mo ng mga drama...realidad to, anak,” sabi ko nga mali ako. Eh, kasi naman pabitin-bitin pa.

Kinurot naman nya si Charlie na tinatawanan sya.

“As I was saying...”WOW! English yon,ah. “Magkakaroon tayo ng visitors dito sa bahay natin. Bali ganito yung mangyayari, titira lang naman sila dito ng 4 months...”Ah, ok lang naman pala yon magpapatira lang naman pala sila sa bahay ng 4----

“HA?! 4 MONTHS? A-anong? B-bakit? P-paanong?” si Charlie rin halatang nagulat sa desisyon ng nanay nya.

“Si Andrew,matalik na kaibigan sya ng Tatay nyo. Tapos si Belen,yung asawa nya, regular customer na natin sila rito sa green house. Wala kasi silang matitirhan for 4 months . Tatlo lang naman sila na titira sa atin. May anak kasi silang binata. Dalawa sana yun kaya lang sa boarding house naman na nagi-stay yung isa.”

“Nay, bakit? Pwede naman silang umupa na lang muna. Madali naman na yon, eh.”

“ I offered them. Bakit? Hindi sila sanay sa mga ganun. Mayamang angkan ang pinanggalingan nila,” mayaman? Tapos, makikitira lang. Nagpapatawa yata tong nanay nya,eh. “May overall renovation na gagawin sa mansion nila. Ancient na kasi yon pero gusto nila ma-retain yung ancient style kaya tatagal ng ganun yung paggawa..”

“Hotel. Nay, they could stay in the hotel. At tsaka, hindi sila sanay sa ganung pamumuhay...simple lang rin naman tong pamumuhay natin,ah.”

“Anak, ako ang nag-offer na dito na lang sila dahil gusto ko namang masuklian yung kabutihan na ipinakita nila sa amin ng Tatay nyo. Kahit naman may pera yung mga yon, down to earth pa rin. Sinisigurado ko sa inyo, wala kayong magiging problema sa kanila. They were all good people.”

“Kailan po sila lilipat?” tanong ni Charlie na halata mong excited dahil binanggit ng nanay nyang may isang binatang anak. Siguro nga mga kaedad ni Charlie yun.

OMG! Kailangang magpakabait muna sya for four months. Panu pa sya makakagala sa bahay nila ng naka-bra at panty lang? Yung gatas, hindi nya mapapapak yung powdered milk nila. Hindi rin nya magagawang makipag-wrestling kay Charlie sa paglipat sa channel. Syempre bilang ate, kailangan sya yung mapagparaya.  DANG! Dapat yata mag-aral ulit sya ng GMRC sa pagdating ng mga UNWANTED visitors.

“Sa katapusan ng buwan,lilipat na sila,” napatakbo sya sa kalendaryo.

“WWWWWAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH! 13 DAYS na lang yun,nay. Preparation para maging mabait ako was only 13 days. I can’t believe this!” tumawa lang ang nanay nya. Siguro naisip na advantage pa nga yung ginawa nitong desisyon sa pagpapatira sa bahay nila para hindi muna sya maging pasaway.

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon