DEPRESS OR JEALOUS?!....MAYBE THE START OF CALVARY!

471 11 0
                                    

Yung Sunday nya ganon pa din. Nakakabanas lang talaga sa bahay. Buti naman bukas may pasok na sya at hindi na nya ma-take ito. Yung nanay nya, tuwang-tuwa nung malamang section 1 si Alvin sa DCA. Sus, kaya rin naman nya yun. Eto namang si Charlie, walang ibang lumalabas sa bibig kundi ang gwapo ni kuya Alvin, ang bait ni kuya Alvin, ang cool ni Kuya Alvin..astig sya at idol ko sya.

Hindi nga nag-asawa yung nanay nya, feeling pa rin nya nahahati yung atensyon nito sa kanya at sa kanilang mga bisita specifically, Alvin.

Nagseselos ba sya? Hindi naman. Kaya lang kasi, bat tingin na lang ng lahat ng tao kay Alvin ang taas. Tapos, sa kanya, toinkz! Popular rin naman sya,eh. Hindi nga lang sa DCA kundi dun sa Billiard Max at dun sa kainan ng isaw. Dun rin sa mga batang naglalaro ng teks at holen. Proud naman sya dun pero yung mga bagay kung san sya nage-excel...hindi yon napapansin nung mga taong iniikutan ng mundo nya.

Pagod lang yata sya kasi ang cheesy nya ngayon,eh. Cheesy o madrama?

MONDAY.

Yung mga kapitbahay nilang mga chizmakers pinagpipiyestahan yung kotse nila Alvin na naka-park sa kanilang mini-garahe. At ito ngayon ang malaki niyang dilemma, sabi ni Tita Belen dun na raw sya sumabay sa kotse. Hindi pwede. Baka malaman ng mga taga-DCA na sa kanila nakikitira sila Alvin.

Lalo pa yung mga girls na you know, dead to the max sa kanya. Baka sabihan pa akong inaagaw ko yung King nila—SI KING KONG. Hanggang ngayon nga hindi pa nya tuluyang naa-absorb na 4 months silang magsasama sa bahay ni Alvin.

Halos isuka nya kaya ito tapos ngayon kailangan nya ng pakisamahan ito.

“A, Tita, ok na po ako. Sanay naman na po akong mag-commute pag napasok.”

“Hassle yun. Sumabay ka na sa amin. Pasensyahan mo na rin tong bebe ko, misunderstood lang talaga minsan,”BEBE?! BWAHAHAHAHAHA....SI ALVIN BEBE. “Let’s go.”

Tinignan sya ng masama ni Alvin. Parang sinasabing, magpapauna akong bumaba sayo. Don’t let anyone know about our little secret. ECHOSERO!

Hindi rin naman nya gustong malaman ng mga taga-DCA na nakatira sila sa iisang bubong at yun ang isang bagay na pinagkakasunduan nila.

Nagpatiuna nga ito sa pagbaba ng kotse. Narinig na naman nya yung walang kamatayang  tilian ng mga babae at becky pagdaan nito. Bumaba na rin naman sya kasunod nito pero dumiretso sya sa rest room para hindi sila mapaghinalaan.

CLASSROOM. 3-2

“Xhyrille, may bagong kwento. Lumipat na daw ng bahay si Alvin natin,” >_<

Hindi rin naman masyadong updated sa mga kwento tong mga classmates nya. Ang aga-aga Alvin na agad ang pinapaalmusal sa kanya. Well, hindi na sya naka-breakfast dahil sa sobrang bilis nyang kumilos.

“O? Where naman yun?”

“Second class subdivision daw, eh.”

O_O

Baka naman ma-trace pa ng mga ito kung san mismo yung tinutuluyan ngayon ni Kingkong.

“Huwat?! Pero, di ba they’re rich? Naghihirap na ba?” Psssshhhh.

“NOPE. Temporarily dun sila sa second class subdivision dahil ire-renovate yung mansyon nila.May naspot-an pa nga daw na kasama si Alvin na babaeng bumaba sa kotse.Dito nga rin daw nag-aaral,” she bit her lower lip.

Ito na nga ba ang sinasabi nya. Sa mga naririnig nya, there’s a very big possibility that DCA students will know their little secret. Sa part ni Alvin,wala lang pero sa kanya....urrggghhh!

 “Girlfriend?”

“Well, that’s still under investigation,” INVESTIGATION? Ano sya kriminal at kinakailangang imbestigahan pa sya. Kailangang mag-ingat talaga sya.

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon