Chapter IV

178 4 0
                                    

Keith

Wala sya sa upuang inilaan ko para sa kanya. Yung lugar kung saan ako talagang nakapwesto. Tumingin ako sa orasan. Malapit ng magsimula ang klase pero wala pa sya. Muli kong inikot ang paningin ko sa buong paligid. Tsaka ko lang napansin na doon sya nakaupo sa likod. Sa upuang kinuka ko kahapon. Lumapit ako sa kanya.

"Nilaanan na kita ng upuan, ano pang ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya.

Tumingala sya, tiningnan ako sa mata at ngumiti. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga narinig ko kahapon.

"Okay na ko dito. Alam ko namang nasanay kana doon. Dito nalang ako. Salamat nalang." mahinahon nyang sagot.

Pagkatapos ay kinuha nya ang phone nya at nagpasak ng earphone kasunod ng pagtungo. Nakakabigla ang pagiging mahinahon nya ngayon. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng galak. Nagsimula na ko maglakad patungo sa dati kong upuan. Natuwa naman si Kris na ako na ulit ang makakatabi nya para narin mabantayan nya raw ang kalagayan ko at hindi dahil sa galit sya kay Lyka. Kahit kailan ay hindi ko pa sya nakitang magalit. Nagtiwala na rin sya sa akin ng sobra kaya naman natatakot akong sabihin sa kanya ang katotohanan.

***********
Lyka

"sorry"
Isang malamig na tinig. At alam kong kay Keith yon. Hindi ko inaasahang maririnig ko ang malamig at malambing nyang tinig mula sa pangarap. Sa sobrang pag-iyak ko noong unang araw ko sa eskwelahang nilipatan ko, narinig ko sya. Alam kong likha lang ng imahinasyon ang lahat ng iyon dahil malabong mangyareng bigyan nya ng pansin ang tulad ko. Dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng mangyari yun. Nawala ang dating mainitin kong ulo, mayabang at ang matapobreng ako. Nakakapanibago ako. Tuwing umuuwi ako galing eskwelahan, didiretso ako sa kwarto at nakakatulog ng di namamalayan. Halos tuwing tanghali nalang ako kimakain. Dalawang linggo ng ganito ang sitwasyon ko. Hindi rin ako kumikibo sa klase, ayoko ng maalala pa ulit ang nakaraan ng dahil sa trauma ko.

Si mama. Wala na si mama. At ako ang dahilan kung bakit. Oo mayaman ako. Ang pamilya ko. Walang ibang ginawa si Papa kundi magtrabaho. At ako, bilang nag-iisa nyang anak, sa akin nya ibinubuhos lahat ng galit at pagod nya. Pati si lolo na ama ni mama. galit na galit sya sa tuwing nakikita ako. Si mama lang ang nagsilbing tagapagtanggol ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ganon ang trato nila sa akin. Namatay si mama sa araw ng birthday ko. Saktong dumating noon si Papa at si Lolo. At tulad ng dati, ako nanaman ang nakita nila. Sinalo ko lang ulit ang galit nila. Hinayaan ko sila. Nang hindi na makapagpigil si mama, ipinagtanggol nya na ko. Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod pang nangyare.

flashback
"Huwag kang mangialam dito! Kung hindi mo sana pinairal yang pagkamakasarili mo, hindi mangyayare 'to!!" sigaw ni Lolo kay mama.

Tandang-tanda ko ang mga nangyayare noon bawat segundo. Hindi ko na sila maintindihan. Hindi narin ako nakapagpigil. Pinatulan ko na sila na mukhang hindi nila nagustuhan. Naglabas si Papa ng baril at itinutok sa akin.

"Lyka!!" sigaw ni mama.

Tumakbo sya palapit sa akin at sinalo ang bala ng baril na pinaputok ni Papa.

"Lyka. anak. mag-iingat ka ha. doon muna ako sa taas. iiwan. iiwan na muna kita."  putol-putol na wika ni mama.

At sa huling pagkakataon. Niyakap ko sya ng mahigpit.

flashback ends

Miss na miss ko na sya.

************
Lyka

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nililibang ang sarili. Gumagawa ng bagay na nakakapagpasaya sakin. Ang pagguhit. Kinahiligan ko na 'to. Dito ko nailalabas ang nararamdaman ko. Gumuguhut ako ngayon ng may biglang kumatok.

"LYKA!! LUMABAS KA NGA DYAN!! AYAN KA NANAMAN!! NAGKUKULONG KA NANAMAN!! WALA KA TALAGANG SILBI!!" dinig kong sigaw mula sa labas ng kwarti ko.

Pinilit kong ngumiti. Pero tumulo parin ang luha ko. Nandito nanaman sina Papa at Lolo. Huminga ako ng malalim at tsaka binuksan ang pinto. *slap*. Isang malutong na sampal ang naging bati sa akin ni Papa. Nginitian ko nalang. Nasanay narin siguro ko.

"Ayan ka nanaman Lyka! Wala ka nanamang ibang ginawa kundi magpasarap buhay!" galit nyang sabi.

"Alam ko na yan Pa. Nakailang ulit kana nyan." mapang-asar kong wika.

Tumingin ako sa mata nya at kitang-kita ko ang galit nya.

"Hindi kana nagbago. Wala ka pa ring respeto!" wika nya.

Bumaba nalang ako ng hagdan. May pasok pa ko. Sa pagbaba ko nakasalubong ko si Lolo. Tiningnan ko lang sya at titig lang din ang naging sagot nya. Naglakad nalang akong muli. Kinuha ko ung susi ng sasakyan ko pagkatapos ay umalis na ko para pumasok. I stopped my car at the park. Malapit lang naman aa school kaya walang kaso kahit magtagal ako. Dito ako umiyak ng umiyak. Buti nalang weekdays ngayon, walang masyadong tao. Umiyak lang ako ng umiyak.

The OtherworldWhere stories live. Discover now