Chapter XXVII

108 2 0
                                    

Aero

"Malapit na tayo!" sigaw ko sa kanila.

Tanging pagaspas lang ang maririnig sa paligid. Nababalot kami sa katahimikan at konsentrasyon ng may biglang lumitaw na nilalang mula sa ilalim ng dagat.

"Isang Kelpie." wika ni Nephele.

"Kelpie? Ang cute ng tawag. Pero ampangit ng itsura." wika naman ni Lyka.

Sinenyasan ko si Kirke na ilayo muna si Lyka bago nanaman ito makagawa ng maling hakbang.

"whoah."

Agad lumipad palayo si Kirke.

"NANAMAN?!!" sigaw ni Lyka.

Lumusong ang Kelpie pailalim ng dagat at buong lakas na umahon para sakmalin si Iphios. Mabuti nalang at agad silang nakaiwas ng sinasakyan nyang Hippogriff. Lumusong muli ito at sa kanyang pag-ahon ay hindi na kami nagsayang ng pagkakataon. Isa-isa kaming umatake. Tumawag ng hangin si Nephele at gumawa ng buhawi. Pinaikot nya rito ang Kelpie na syang kinuhang pagkakataon ni Master Ismene para sa isang spell. Delikadong makasalamuha ang mga Kelpie dahil tao ang hinahapunan nila. Isang maling galaw ay kaya ka nyang sakmalain at lapain. Nang matapos ang pakikipaglaban ay nagpatuloy na kami sa paglipad. Sa di-kalayuan ay nadaanan rin namin sina Lyka na halatang naiinis. Dumiretso na kami sa Nereus at ilang sandali lang ay nakarating na kami. Gumamit ng spell si Master Ismene upang lumitaw ang kaharian ng Nereus.

"NARITO ANG MAHAL NA PRINSIPE!!" sigaw ng isang lalaki.

Nang makita kami ng lahat ay lumikha sila ng dalawang linya. Gamit ang tubig, gumawa sila ng parang bubong sa aming dinaraanan.

"wow." wika ni Lyka.

Kahit sinong makakita rito ay mamamangha talaga. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa pintuan ng kaharian at doon ay sinalubong kami ni Ardo. Sya ang namumuno rito sa Nereus. Yumuko sya sa harap ko at ganun din ang ginawa ko.

"Tuloy po kayo Mahal na Prinsipe." wika nya.

Sinundan namin sya papasok at dumiretso kami sa isang silid.

"Maligayang pagdating Mahal na Prinsipe, hindi ko inaasahan ang pagpunta nyo rito. Ano ang aking maipaglilingkod?" tanong ni Ardo.

Sinimulan ni Master Ismene ang pagpapaliwanag. Agad naman itong naunawaan ni Ardo. Nang matapos ang aming pag-uusap, inanyayahan nya na kaming magsalu-salo para sa hapunan.

**************
Aero

Tahimik na kumakain ang lahat sa hapag ng makarinig kami ng pagsabog. Sabay-sabay kaming napatayo at napatakbo palabas.

"Hindi maaari" bulong ni Master Ismene.

Unti-unti ngayong nilalamon ng apoy ang tuktok ng kastilyo pati narin ang mga nasa paligid.

"Magsisimula na ko sa pakikipaglaro Mahal na Prinsipe!! Hahaha" rinig kong tinig mula sa itaas. Tiningnan ko ito at naroon si King Orpheus. Alam kong ako lang ang nakakita sa kanya dahil abala ang lahat sa pagtutulong-tulong para patayin ang apoy. Napailing na lang ako. Nagsisimula ng lumaki ang apoy kaya nagsimula na rin akong tumulong. Huli na ang lahat. Masyado ng malaki ang nilalamon ng apoy kaya nahihirapan na kami. Kasalanan ko 'to. Nakalimutan kong ibalik ang pagkakatago ng kaharian na 'to. Ilang oras pa ang nagtagal bago namim tuluyang napatay ang apoy.

"Ipagpaumanhin mo ang nangyari. Hindi ko ito inaasahan." wika ko kay Ardo.

Kitang-kita ang lungkot sa mata nya.

"Wala kang kasalanan Mahal na Prinsipe." wika nya kasunod ng isang malungkot na ngiti.

"Pangako, ibabalik natin sa dating ayos ang iyong kaharian." wika ko.

Isang tango at ngiti ang tanging sagot na aking natanggap.

The OtherworldWhere stories live. Discover now