Chapter VII

132 4 0
                                    

Lyka

"Look. I'm sorry for what I did when  we first met. Hindi ko gusto ang ganitong treatment. Hindi ako ang taong madaling magalit. But with your attitude, hindi ko maiwasan. Kung kasalanan ko man ang lahat, I'm sorry okay? Hindi sinasadyang nakita kita dito. And nung napansin kong umiiyak ka, naisip ko lang na baka--"

"salamat nalang pero hindi ako tumatanggap ng awa." pagpuputol ko sa kanya.

Umalis na ko at iniwan syang mag-isa. Pumasok ako sa loob ng kotse ko. Sa totoo lang, kailangan ko sya. Kailangan ko yung awa nya. Dahil sa loob ng maraming taon, ngayon lang ako kinaawaan ng isang tao. Wala akong nagiging kaibigan dahil sa ugali ko. Walang pumapansin sakin, kumakausap at nagtsatsaga. Hindi ko na rin talaga kaya. Kailangan ko ng makakausap. Sa palagay ko'y sya lang ang makakaintindi sakin. Kahit isang beses lang. Kahit saglit lang. Susubukan ko. Magbabakasakali ako.

Tiningnan ko sa side mirror kung nandun pa sya. Nakaupo parin sya sa swing. Mukhang wala syang balak umalis. Tinitigan ko lang sya mula sa salamin. Nakatingin lang sya sa wishing fountain. Mukhang ang lalim rin ng iniisip nya. Kahit may pagkaepal sya, sa tingin ko ay maayos ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang nya. Ngumiti ako ng pilit. Sabay ang pagtulong muli ng aking luha. Buti pa sya. Naiinggit ako sa kanya. Lumabas ako ng sasakyan ko. Umaasa akong makakapag-usap kami ng maayos. Kahit ilang segundo lang. Nakayuko akong nagtungo palapit sa kanya. Nang makarating ako, tumingala ako pero wala na sya.

The OtherworldWhere stories live. Discover now