Chapter VI

140 4 0
                                    

Keith

Hindi ako ordinaryong tao. Aero ang tunay kong pangalan at hindi Keith. Hindi rin ito ang totoo kong mundo. Tatlong taon na ang nakararaan ng mamatay ang aking mga magulang. Binuhay ko ang aking sarili kasama ng iba pang nilalang sa aming mundo. Nang mamatay sina Ama, sa akin na ipinagkaloob ng kataas-taasan ang pamamahala sa aming mundo. Si Philander ang kasama ko sa loob ng tatlong taon. Isa syang Gnome. Maliliit na nilalang, may apat na daliri at malalaking ilong. Tanging mga pinuno at anak ng pinuno lang ang pinagsisilbihan nila. Mababait sila, kayang manggamot at mahilog sa matatamis. Sa tulong naman ni Icarus, muli kong naibalik ang mga nasira sa aming mundo. Isa syang animagus. Tao rin sila, ang kaibahan lang ay kaya nilang magpalit ng anyong hayop. Sya ang pinakatapat kong kaibigan at tagapagsilbi. Tinuruan nya ko ng maraming bagay ngunit hindi sapat ang kanyang kaalaman upang ituro sa akin ang lahat. Gamit ang mga libro, pinagaralan ko ang lahat. At natutunan ko rin naman ito ng paunti-unti. Kay Icarus ko iniwan ang aming mundo ng magdesisyon akong manirahan sa mundo ng mga mortal ng pansamantala. Namuhay ako sa mundo ng mortal kasama si Philander hanggang sa natuto akong makisalamuha sa mga mortal. Isang beses sa isang taon kung bumisita ako sa aming mundo. Kelan lang ay galing ako dito at laking tuwa ko ng unti-unti ng bumalik ang dating ganda nito. Isang malaking kaharian ang tinitirahan ko sa aming mundo. Makikita ito sa gitna ng kagubatan. Sa timog na bahagi ng kagubatan makikita ang isang bulkan. Naninirahan doon ang tribo na kumukontrol sa elemento ng apoy. Sa silangang bahagi naman matatagpuan ang tribong kumukontrol sa hangin. Nakakalat ang mga ulap sa paligid nito. Ang tribong kumukontrol sa tubig ay matatagpuan sa kanluran. At ang tribo na kumukontrol sa lupa ay nasa hilagang bahagi ng kagubatan. Sa bawat elemento ay may nakatalagang pinuno at tagapamahala. Ito ang mundo ko. Ang totoong mundo ni Prince Aero.

The OtherworldWhere stories live. Discover now