Chapter XXVIII

100 2 0
                                    

Lyka

Inabot ng tatlong araw bago muling maibalik sa dati ang kaharian ng Nereus. Mamaya-maya lang ay magsisimula na ulit kami sa paglalakbay. Kasalukuyan ako ngayong naghihintay rito sa labas at nakikipaglaro sa mga bata.

"Ate Lyka, isa kang mortal diba? Pano ka nakapasok dito?" tanong ng isang bata.

"Masyadong mahaba ang kwento, pwede bang iba nalang ang itanong nyo?" wika ko.

"Masaya ba dito sa aming mundo? Tsaka maganda ba dun sa mundo nyo?" tanong ng isa pa.

"Di hamak na mas maganda at mas masaya dito. Lalo na't may mga tao sa paligid ko na nagpapasaya sakin ng sobra." sagot ko.

"parang kamee??!" sigaw nung isa sa likuran ko.

Nang lingunin ko sya ay ibinato nya sakin ang isang kumpol ng yelo. Snowballs kung tawagin sa mundo ng mortal. Nagtawanan sila ng tumama ito sa noo ko. Hindi naman ito ganon kasakit dahil maliit lang naman.

"Gusto nyong maglaro ha!" sigaw ko sa kanila.

Nagbatuhan lang kami ng snowballs. At mukha namang nag-eenjoy sila.

"Lyka!" sigaw ni Master Ismene.

"Wait lang Master! KJ ka! Naglalaro pa kami!" sigaw ko pabalik.

Napatigil sa paglalaro ang mga bata at tinitigan ako. Hindi nga pala nila naintindihan ang sinabi ko. Nginitian ko lang sila. Pero hindi pa rin sila kumikibo. Hinalukay ko nalang ung tinatapakan naming yelo at gumawa ng snowman. Nang matapos ko ito tumayo na ko.

"ang sabi ko kanina, paalam na. Kailangan na naming umalis. Sa susunod nalang ulit nating pagkikita. Maglalaro ulit tayo." wika ko sa kanila.

Dali-dali silang tumakbo palapit sakin at sabay-sabay akong niyakap. Napangiti nalang ako. Halos tatlong araw ko rin kase kalaro ang mga ito.

"Mag-iingat ka Ate Lyka. Hihintayin ka namin." wika ng isa.

Kinindatan ko sila at nginitian.

"Babalik ako." sagot ko.

Isa-isa ko silang hinalikan sa noo at tuluyan na kaming umalis.

*************
Lyka

Narito na ulit kami ngayon sa lupa at kasalukuyang naglalakad.

"Master Ardo, kelan ulit tayo babalik sa inyo?" tanong ko kay Master Ardo.

"Hindi ko alam." sagot nya na may kasamang ngiti.

Nginitian ko lang din sya ng pilit at tsaka lumapit kay Master Ismene.

"Naaalala mo agad ang mga bata?" tanong nya.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Ayan! Upang malibang ka." wika ni Master Ismene.

Muli nanamang nag-abot ng libro si Master Ismene. Napabuntong-hininga nalang ako at nagsimula ng magbasa.

The OtherworldWhere stories live. Discover now