Chapter XXI

114 3 0
                                    

Aero

Nalalakad kami ngayon sa gitna ng kagubatan. At kanina pa kinukulit ni Lyka si Master Ismene. Mabui na lamang at hindi naririndi si Master sa mga tanong ni Lyka.

"Ilang taon na kayo Master?" tanong ni Lyka.

"124" sagot ni Master.

"124?!!" gulat na tanong ni Lyka.

"Tingnan mo 'tong batang 'to. Magtatanong tapos hindi maniniwala pag sinagot." sarkatiskong sagot ni Master.

"Sabi ko nga po. Eh san nalang po ba tayo pupunta?" tanong muli ni Lyka.

"Sa dulo ng gubat na 'to." sagot ni Master.

"Malapit na po ba tayo?" tanong ni Lyka.

"Wala pa tayo sa ikaapat na hati ng gubat na 'to" sagot ni Master.

"1/4? Wala pa tayo sa 1/4 , eh kalahating araw na po tayong naglalakad aah?!" reklamo ni Lyka.

Gamit ang wand ay naglabas si Master ng libro at iniabot kay Lyka.

"Simulan mo ng basahin yan. Pagkarating natin doon, marahil ay tapos mo na yan." wika ni Master.

Halos mapanganga si Lyka ng makitang halos kalahating dangkal ang kapal ng libro.

"Yan ang libro na naglalaman ng impormasyon tungkol sa lugar na pupuntahan natin." dugtong ni Master.

"AIA?" tanong ni Lyka habang nakatingin sa libro.

Keith

"Elemento ng lupa. Sa Aia nakatira ang tribo ng elemento ng lupa. At pinamununuan sila ni Iphios." wika ni Master kay Lyka.

"Aah" sagot ni Lyka.

Mukhang nalibang na rin si Lyka sa pagbabasa dahil hindi nya na halos binitawan ang libro sa paglalakbay.

************

Keith

Pangatlong gabi namin ngayon sa paglalakbay. At bukas na bukas rin ay mararating na namin ang dapat naming puntahan. Kasalukuyang nakapasan sa likod ni Icarus si Lyka na halatang pagod sa paglalakbay at pagbabasa. Mahimbing syang natutulog at nagpapahinga. Samantalang si Philander naman ay nagpapacute kay Kirke. At si Master Ismene na pinaglalaruan ang buhay na batong napulot nya kanina. Nagpapatuloy kami sa paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Napansin kong narinig rin iyon ni Master Ismene dahil nilabas nya agad ang wand nya.

"Ssssssss."

Nang marinig namin iyon ay naalarma na rin si Icarus at Kirke. Agad ibinaba ni Icarus si Lyka at ibinigay kay Kirke na sya namang ikinagising naman ni Lyka.

"Ayy! Bakit mo ko bina-", Lyka

"shh!" pagpapatahimik ni Master Ismene kay Lyka.

"Ssssssss"

Nagtipon kaming lima sa gitna. Maya-maya lang ay lumabas ang isang Basilisk.

"Hey you fuckin' big snakeee!! Binulahaw mo ang tulog ko!!" Sigaw ni Lyka.

Naagaw ni Lyka ang atensyon ng Basilisk dahil sa ginawa nyang pagsigaw.

"Lyka! Wag kang titingin sa mata nya!!" sigaw ni Master Ismene.

Napalitan ng taranta ang mukha ni Lyka ng maramdaman nyang sa kanya nakatingin ang Basilisk.

"sorrrry" mahinang wika ni Lyka.

Kung kanina'y nag-iisa lang ang Basilisk, ngayon ay napalibutan na kami ng tatlo pang basilisk. Nagpapakiramdaman kami hanggang sa una ng nagbitaw ng spell si Master Ismene. Hindi tulad namin, walang kakayahan si Master Ismene na kumontrol ng kahit na anong elemento dahil isa syang mortal. Kaya nama'y pinahintulutan sya ni Ama na gamitin ang mga libro at pag-aralan ang iba't ibang spells. Sunod-sunod na ang pag-atake namin pero sinasalo lang ng mga Basilisk ito. Sandali kaming tumigil at nagtipon muli sa gitna. Napansin kong nahihirapan na si Lyka kaya kinausap ko si Kirke na mauna na sila sa Aia.

"Lyka! Sumakay kana kay Kirke. Mauna na kayo sa Aia. Isama nyo si Philander! Kami ng bahala dito." sigaw ko kay Lyka.

"Ayoko! Dito lang ako! Tutulong ako!" sigaw nya.

"Baguhan ka palang Lyka! Wag ka ng magpumilit! Sumunod ka nalang!" pagsingit ni Master Ismene.

Bakas ang lungkot ni Lyka.

"Kirke! Mag-ingat kayo!" sigaw ko kay Kirke.

"Masusunod Mahal na Prinsipe" sagot nya na may kasamang pagyuko.

Ilang sandali lang ay naging ibon na si Kirke at sumakay na dito si Lyka kasama si Philander. Muntik na silang masaktan ng sunggaban sila ng isang Basilisk, mabuti nalang ay nakalipad agad si Kirke. Hindi madali ang kalabanin sila lalo na't hindi sila maaaring patayin. At hindi rin sila maaaring tingnan sa mata. Dahil namamatay ang sinimang tititig sa mata nila. Sandaling natahimik ang paligid. Gamit ang wand ni Master Ismene ay sabay kaming naglaho sa paligid. Si Icarus naman ay nagpalit ng anyo bilang lobo para makuha ang atensyon ng mga Basilisk. Nag-ipon ang mga Basilisk sa paligid ni Icarus. Kinuha namin itong pagkakataon ni Master Ismene. Inikot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa matanaw ko ang isang sapa sa di kalayuan. Itinapat ko rito ang palad ko at pumikit. Ilang sandali ay lumutang ang mga tubig sa hangin at pumalibot sa akin. Ibinalot ko sa tubig ang apat na Basilisk. At gamit ang isang spell ay naging yelo ang tubig. Sa madaling salita ay nabalot sa yelo ang mga Basilisk. Nakahinga kami ng maluwag ng madali naming natapos ang pakikipaglaban. Sa pagsikat ng araw ay matutunaw rin ang yelong nakabalot sa kanila at muling makalalaya. Nagsimula na ulit kami sa paglalakad at nagpatuloy sa paglalakbay.

The OtherworldWhere stories live. Discover now