Chapter XXIII

99 3 0
                                    

Aero

"Master, hindi ba pwedeng mauna nalang ulit kami ni Kirke? Sakay nalang ulit ako sa kanya. San ba yung pupuntahan natin?" muli nanamang nangungulit si Lyka kay Master Ismene.

"hindi maaari Lyka." sagot ni Master Ismene.

Muling naglabas ng libro si Master Ismene at inabot kay Lyka.

"nanaman?" dismayadong tanong ni Lyka.

"Aides." wika ni Lyka.

Sinimulan na nj Lyka ang pagbabasa dito ng magsalita si Master Ismene.

"Sa ulap naninirahan ang tribo ng Aides." wika ni Master Ismene.

"Sa ulap? Ibig sabihin madali lang po pumunta dun? Pwedeng lumipad nalang?" tanong ni Lyka.

"Hindi iyon ganon kadali ija. Pagtumingin ka sa langit, hindi ba't nagiiba ng hugis at lokasyon ang mga ulap? Kaya hindi ganun kadali matunton ang Aides. Kung lilipad ka, tatangayin ka lang ng hangin at dadalhin palayo sa Aides. Kung sa pagtungo nyo sa amin ay may nakalaban kayong mga Basilisk bilang proteksyon sa aming lugar, ganoon din ang Aides. Ang hangin ang nagsisilbing pagsubok sa sinomang magtutungo sa kanila." pagpapaliwanag ni Master Iphios.

"Aaaah." wika ni Lyka.

Ipinagpatuloy nya na ngayon ang pagbabasa sa libro. At nagpatuloy na kami sa paglalakbay.

***************
Aero

Makalipas ang dalawang araw ay nakarating rin kami sa silangang bahagi ng kagubatan. Ngunit wala rito ang ulap ng Aides. Tinitigan ko ang kalangitan, hindi ko maramdaman ang Aides. Pumikit ako at pinakiramdamang maigi. Nakatingin lang silang lahat sa ginagawa ko. Ang mahal na Hari ang nagturo sa akin nito. Ang pakikiramdam sa kinaroroonan ng bawat tribo at ang angkan lang namin ang may ganitong kakayahan. Huminga ako ng malalim.

"Kinakailangan pa nating maghintay." wika ko sa kanila.

Kasalukuyan kami ngayong nasa harap ng isang lawa na napapalibutan ng puno sa paligid. At mula dito sa kintatayuan ko, tanaw na tanaw ang kalangitan. Ito ang lugar na nagsisilbing tulay patungo sa Aides. Nagkanya-kanya na sila ng upo at nagpahinga. Si Lyka ay tumabi kay Master Ismene. Sa aming paglalakbay ay madalas kong mahuling nakatingin sa akin si Lyka pero pakiramdam ko'y iniiwasan nya ko. Umupo na lamang ako sa isang tabi at nagsimula sa pag-aaral at pagkontrol ng mga elemento.

"Master Ismene, ano yung ginagawa ni Prince Aero kanina? Nagmemeditate?" tanong ni Lyka.

"Sinusubukan nyang pakiramdaman ang kinaroroonan ng Aides. Isa iyon sa mga kakayanan nya." sagot ni Master Ismene.

"May ganon pala syang kakayanan bakit hindi nalang po tayo lumipad tapos gamitin nya yung kakayahan na yun para makarating tayo. Tulad nung pumunta tayo sa Aia, bakit hindi nalang po tayo lumipad?" tanong ulit ni Lyka.

"Hindi pa rin maaari. Bukod sa may mga patakarang dapat sundin, mayroon ding pananggalang na nagpoprotekta sa bawat tribo. May mga pagsubok talagang kailngang malampasan bago mo tuluyang marating ang kinaroroonan ng isang tribo." paliwanag ni Master Ismene.

Lumapit ako sa kanila pero tumayo agad si Lyka at lumayo. Lumapit sya kay Master Iphios. Napakunot-noo ako sa ginawa nya. Susundan ko sana sya ng hawakan ni Master Ismene yung braso ko.

"Hayaan mo muna sya. Marahil ay hindi nya pa alam kung paano ipaliliwanag ang nararamdaman nya kaya sya lumalayo sayo." wika ni Master Ismene.

"Prince Aero. Alam mo po bang may gusto sayo si Lyka?" pagsingit ni Philander.

Natigilan ako sa sinabi nya. Imposible yun. Hindi pa naman ganoon katagal ang panahong nakakasama nya ko.

"Wala syang gusto sakin Philander. Masyado mo lang pinapalalim ang ikinikilos nya." wika ko kasunod ng ngiti.

Pumikit na lamang ako hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ko.

The OtherworldWhere stories live. Discover now