Chapter XIII

123 3 0
                                    

Kris

Pagpasok ko kanina ng klase, ilang minuto lang ay sumunod din si Keith. Hindi ko naiwasang mapalingon kay Lyka ng dumating si Keith. Nang makaupo na si Keith sa tabi ko nginitian nya ko at nagsimulang dumaldal. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa masabi ko sa kanyang kami na ni Allen. Tapos sya naman yung inasar ko kay Lyka. Sa twing babanggitin ko ang pangalan ni Lyka ay napapangiti sya at napapailing.

************
Kris

Last morning period namim ngayon. Ilang minuto nalang ay lunch break na. Kanina pa ko kinukulit ni Keith na sabay kaming maglunch kahit na  ilang ulit ko ng sinabi sa kanyang hindi pwede dahil nakapangako na ko kay Allen. Nung tumunog na yung bell, nilapitan nya ko at bumulong ng "ingat ka". Tsaka sya dali-daling lumabas ng klase. Saan naman kaya pupunta yun? Hmm. Hinayaan ko nalang sya. Naglalakad na ko ngayon palabas ng campus habang binabasa ung yung librong hawak ko.

"ang gandang tingnan noh? Naglalaglagan ung mga dahon. Sobrang romantic ng dating." rinig kong sabi ng babae sa di kalayuan.

"dahon? alam mo ba kung ano ung dahon?" wika ng isang lalaki.

Teka. boses ni Keith yun ah.

"dahon?" boses ni Lyka yun.

Napalingon ako sa punong nadaanan ko.

"ano yun. kapag mabagal lang. dahon-dahon." wika ni Keith.

Napangiti ako sa kakornihan ni Keith. Mula sa di kalayuan kita ko kung gaano sila kasaya. At mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa.

The OtherworldWhere stories live. Discover now