Chapter XXIX

100 2 0
                                    

Aero

"Icarus, amin na si Lyka. Ako ng papasan sa kanya." wika ko kay Icarus.

"Pero Mahal na Prinsipe..."

Ngumiti na lamang ako kay Icarus at kinuha na si Lyka. Nakatulog na kase sa pagod si Lyka. Magtatatlong-araw na rin kami halos naglalakad. Nararamdaman kong malapit na rin naman na kami.

"Keith..." dinig kong wika ni Lyka.

Nagsasalita sya ng tulog?

"May parating... Mag-iingat ka Mahal... ko" dugtong ni Lyka.

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi dahil sa may paparating kundi dahil sa huling sinabi nya. Napatigil rin ang iba. Tsaka ko lang naalala ang unang sinabi ni Lyka na may paparating. Pinakiramdaman ko ung paligid. Hanggang sa makarinig kami ng kaluskos sa paligid. Hinanap iyon ng aming paningin hanggang sa makita namin ang isang salamander.

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong salamander lang iyon. Marunong silang mangilala hindi tulad ng ibang mababangis na nilalang. Nang tinitigan ko sa mata ang salamander ay kusa itong umalis at hinayaan kaming magpatuloy.

"ang init..." muli nanamang nagsalita si Lyka.

Isa-isa na rin kaming nakaramdam ng init. Tanda ito na malapit na kami sa aming pupuntahan. Maya-maya lang ay nagising na si Lyka.

"Prince Aero..." gulat nyang wika.

Pinandilatan nya ko ng mata ng mapansin nyang nakapasan sya sa likod ko. Dali-dali syang bumaba, yumuko at lumayo. Pero lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Hindi ka pala ganon kabigat. Ang payat mo kase. Walang kalaman-laman." pang-aasar ko sa kanya.

"Duh!! Ngayon lang kaya ako nakaranas ng buwis-buhay na paglalakbay. Nakakapagod kaya." sagot nya.

Tinitigan ko sya saglit. At napangiti. Bakit ba ngayon ko lang nakita ang maganda at maamo nyang mukha. Mapungay na mata. Mahabang pilik-mata. May katangusang ilong. Maliit na labi at mapulang pisngi.

'mahal...ko'

Naalala ko bigla ang sinabi nya kanina. Lubha nga siguro syang napagod dahil kung ano-ano na ang nasasabi nya. Maya-maya lang ay nakaramdam kami ng mas matindi pang init. Narito na kami. Sa Helios.

The OtherworldWhere stories live. Discover now