Chapter XII

128 3 0
                                    

Keith

"Prince Aero!!!!" sigaw ni Philander.

"Philander, sobrang aga pa." wika ko.

"Gising na mahal na Prinsipe. May pasok ka pa.  At tsaka si Chelsea Raymundo po." pagpupumilit nya.

Wala na kong nagawa. Bumangon na lamang ako dahil hindi naman ako tatantanan nito.

"Prince Aero, si Chelsea Raymundo po." pangungulit ni Philander.

"Sino ba yun?" tanong ko.

"Sya po yung papalit sa inyo." saad nya.

Oo nga pala.

"Salamat sa pagtulong Philander." sabi ko na may kasamang ngiti.

Nag-ayos na ko at naghanda para sa pagpasok. Nang matapos ako ay nagpaalam na ko kay Philander. Palabas palang ako ng pinto ng bigla kong maalala si Lyka. Unti-unti ko ng nakukuha ang loob nya. Kahit papaano'y may tinatago parin syang bait. Ginagawa ko lahat ng ito dahil ayokong matulad sya sa akin na nangungulila.

Nagsimula na kong maglakad papasok. Nang makarating ako sa may park, napansin ko ang sasakyan ni Lyka sa tapat ng wishing fountain. Lalapit ba ko? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang nadaanan ko ang sasakyan nya ay nakita ko syang nakasandal dito.

"Ms. Ri- I mean Lyka. Ba't nandito ka pa?" tanong ko.

"wala lang nagpapahangin. maaga pa naman eh. Maya-maya na siguro ako papasok." sagot nya na may ngiti.

Gumaan ang loob ko dahil sa nakita kong ngiti mula sa kanya kaya naman di ko na rin naiwasang mapangiti. Kahit papaano'y nakikita ko ang pagbabago.

"Ah ganun ba. Sige uhm. Una na ko. May aasikasuhin pa ko eh." pagpapaalam ko.

"okay. Ingat." sabi nya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din ako. Pinuntahan ko agad ang office ni Ms. Morales para sabihin ang kinalabasan ng election ng new president. Marahan akong pumasok at nagbungad ng ngiti kay Ms. Morales.

"Good morning Ms. Morales. I am here to report about the election of the new President." pagbati ko.

Ngumiti lang sya at sinenyasan akong magpatuloy.

"I'd like to introduce to you Ms. Chelsea Raymundo as the new council president." saad ko.

"Chelsea Raymundo..." pag-uulit nya.

"Do you want me to call her now?" tanong ko sa kanya.

"Go on Mr. Legaspi. Thank you." sagot nya.

Bumalik na sya sa kanyang ginagawa at lumabas na ko para tawagin ung Chelsea. Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Lyka. Kitang-kita sa mukha nya ang pagiging mataray at palaban. Ngunit ng makita nya ko ay bigla syang ngumiti sabay tungo. Napangiti rin ako ng hindi inaasahan.

"Hoy!I Iba na yan ha!" mapang-asar na sambit ni Kris.

Napakunot-noo ako sa bigla nyang pagsulpot.

"Kanina ka pa nandyan?" tanong ko.

"hindi naman. Nakita kase kitang maglalakad mag-isa. Kaya sinundan na kita. Tapos nung nasa likod mo na ko, timing naman na nagpapalitan na kayo ng matatamis na ngiti ni Lyka Rivera. Hoy!! Ikaw ha?! Ano meron? Kayo na?" pang-aasar nya.

"Hindi. Kilala mo ko Kris. Wala akong panahon sa ganyang bagay." diretso kong sagot sa kanya.

"Tss. Ayaw mo lang umamin." mahina nyang sabi.

"Kris. Kaibigan ko lang sya. by the way. Una na ko, may pupuntahan pa ko. Dumiretso kana sa room. Susunod nalang ako." wika ko.

"Okay!" sagot nya.

Nagsimula na kong tumakbo patungo kay Chelsea Raymundo dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na rin ang klase.

The OtherworldWhere stories live. Discover now