KABANATA XII
_________
NAPAWI ang kasabikang naramdaman ni Lara nang unti-unting lumingon sa kanya ang lalaking nakatayo sa kanilang bakuran. Nawala ang kapiraso niyang pag-asang maaaring buhay si Jake. Na hindi totoong nagpakamatay ito't wala na sa mundo. Na baka isang panaginip lamang ang mga nangyari noong umagang iyon.
"Lara, nagkita tayong muli," nakangising bati ni Jake.
Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa mga bulsa ng kanyang suot na pantalon. Kalahati lamang ng kanyang mukha ang natatamaan ng liwanag ng ilaw na nanggagaling sa maliit na bumbilya. Gayunman, mababanaag pa rin sa mga niya ang kasiyahan. Kumikislap ang mga matang bumabati sa dalaga. Para bang nagbubunyi ang mga iyon sa isang pangarap na nakamit na.
"Lara?" muli niyang banggit sa pangalan ng dalaga.
Napaatras si Lara nang humakbang papunta sa kanya si Jake.
Oo, nariyan sa kanyang harapan si Jake. Tama si Lola Caridad, naririto si Jake. Ngunit hindi ang Jake na ito ang kanyang inaasahan at kinasasabikang makita. Hindi ang Jake na ito ang nais niyang dumalaw sa kanya.
"Lara, may ginawa ba kong masama? Bakit mo ko nilalayuan?" tanong ni Jake.
Si Jake.
Si Jake na nakilala niya sa bus.
Si Jake na naghanap sa kanya.
Si Jake na nagsauli ng hindi niya sinasyang maiwalang kwintas ng kanyang ina.
Si Jake na naging kaibigan niya at napalapit sa kanilang mag-Lola nito lamang nakakaraang linggo.
Si Jake na minsan niyang hiniling na sana'y siyang namatay imbes na si Jake na kanyang nobyo.
Muling inihakbang ni Lara ang mga paa patalikod. Matama lamang niyang tinitigan ang mukha ng binata. Hindi niya pinansin ang tanong nito.
"B-Bakit? B-Bakit ikaw? Bakit ikaw pa ang nandito?" wala sa sarili niyang tanong.
Napawi ang ngising nakabandra sa mukha ni Jake. Nag-igting ang kanyang panga at mabagsik na ang mga mata niyang nakatitig sa dalaga.
"Sino ba ang nais mong makita, Lara?" madiin ang boses na tanong niya.
Muli siyang humakbang palapit sa dalaga ngunit tulad kanina'y panay pa rin ang pag-atras nito.
"Lara, bakit hindi mo papasukin si Jake? Pumasok kayo sa loob at malamok d'yan," biglang sabi ng palabas na si Lola Caridad.
Niluwagan pa niya ang pagkakabukas ng pintuan upang anyayahan ang binata.
Nawala ang kanina lamang na madilim na mukha ni Jake. Bigla iyong nagliwanag nang sumulpot sa likod ng dalaga ang Lola nito.
BINABASA MO ANG
A Demon's Touch [Completed]
HorrorAng makapanindig-balahibong karanasan ni Lara, nanaisin mo ba?
![A Demon's Touch [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/9601043-64-k540076.jpg)