KABANATA XIII
_________
KASABAY nang muling pag-alingawngaw ng magkakasunod na kidlat at kulog ang nakapangingilabot na halakhak ng demonyo. Hindi umuwang ang bibig nito ngunit ang boses nito'y dinig na dinig ni Lara.
Hindi pa rin iniaalis ni Lara ang paningin sa nilalang na humahaplos sa kanyang mukha. Sa tagal ng pagtitig niya rito'y pabago-bago ang ipinapakita nitong anyo. Mula sa nakakatakot nitong mukhang inaasahan na isang demonyo'y bigla iyong nababago at napapalitan ng mukha ni Jake, ang binatang nakilala niya sa bus.
Paulit-ulit iyon. Pabago-bago. Kung pangkaraniwan araw lamang at siya'y nasa kanyang wisyo ay paniguradong kumaripas na siya nang takbo. Ngunit hindi, wala siyang lakas. At isa pa'y wala siyang nararamdamang iba kung hindi kagalakan. Hindi niya maipaliwanag ngunit kakaibang saya ang dulot ng simpleng paghaplos nito sa kanyang mukha. Na para bang doon na nakadepende ang kanyang buong pagkatao, ang buhay niya.
Ilang saglit pa'y iniangat niya ang isang kamay. Hindi siya nag-alinlangang haplusin din ang mukha nito.
"Ikaw..." nakangiti niyang sabi kahit pa tumutulo ang kanyang mga luha sa pisngi. "Tulungan mo ko."
Tila mga panauhing nakikipagsaya ang mga paniking malayang nagliliparan sa paligid ng punong iyon.
Unti-unting inihiga ni Lara ang sarili sa damuhan. Ipinikit niya ang mga mata at ibinuka ang mga braso.
"T-Tulungan mo ako," halos pabulong niyang ulit.
Napadaing si Lara nang bigla na lamang pumatong sa kanya ang demonyo. Nanatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Gayunman, hindi lingid sa kanya ang muling pagbabago ng anyo nito. Mula sa magalas nitong balat na nababalutan ng mga balahibo'y napalitan iyon ng makinis na balat ng lalaki. Nasisiguro niyang si Jake na iyon, ang lalaking dumadagan na sa kanyang katawan.
"Sa akin ka lamang, Lara," bulong ni Jake sa tainga ni Lara.
Napasinghap si Lara nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa kanyang leeg. Hindi siya kumibo.
Wala na siya sa katinuan pa upang makapag-isip ng maaaring isagot sa lalaki.
"Lara..."
Narinig pa niya ang tunog ng napunit niyang damit. Marahas ang naging pag-alis no'n sa kanyang katawan na nagdulot ng pulang marka sa kanyang tagiliran.
Hindi niya iyon ininda. Wala siyang pakialam.
"Napakaganda mo, Lara."
Pagkasabi no'n ay nagsimula nang angkinin ng demonyo sa anyo ni Jake si Lara. Masisidhing halik sa leeg, sa dibdib, pababa ang inihandog niya. Sa paraan ng paghalik nito'y tila isang diyosa ang dalaga na sinasamba. Ang ipinagkaiba nga lang ay nag-iiwan iyon ng mas mapupulang mga marka. Mga markang dumudungis sa mala-porselanang balat nito.
Bawat paglapat naman ng mga labi ng binata'y kasiyahan ang hatid kay Lara. Ang nakarehistrong reaksyon sa mukha niya ang ebidensiya. Sarap na sarap siya sa ginagawang pagromansa sa kanya ni Jake.
"Lara..."
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Lara. Tila isa nang magandang musika ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Ang pamilyar na malamig na tinig na tumatawag sa kanyang pangalan.
"Ahhh!" daing niya nang maramdaman niya ang pagpasok ng isang matigas na bagay sa kanyang ibaba.
Halos bumaon sa balat nito ang kanyang mga kuko nang magsimula itong gumalaw sa kanyang ibabaw. Buong-buo nitong ipinasok sa kanya ang parteng iyon.
BINABASA MO ANG
A Demon's Touch [Completed]
HorrorAng makapanindig-balahibong karanasan ni Lara, nanaisin mo ba?
![A Demon's Touch [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/9601043-64-k540076.jpg)