II

25.5K 445 6
                                    

KABANATA II

__________

IPINIKIT ni Lara ang mga mata ngunit agad n'ya rin iyong idinilat. Pakiramdam niya kasi'y may mga matang nakamasid sa kanya. Sinipat n'ya ang orasang nakapatong sa lamesitang nasa gilid ng kanyang kama, ala-una na ang oras. Isang oras na rin pala siyang nakahiga sa kanyang kama. Ilang sandali pa ay unti-unting bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. At tuluyan na nga siyang hinila ng antok hanggang sa makatulog.

"Lara," isang malamig na tinig ang bumasag sa katahimikan ng madilim na silid ni Lara. Walang tugon mula sa dalaga. Payapa ang mukha nito habang mahimhing ang pagkakatulog.

Umihip ang malamig ngunit mahina lamang na hangin. Kusang bumukas ang bintanang tinitingala kanina ni Lara mula sa labas ng bahay. Nakisabay na rin ang manipis na puting kurtina sa pag-ihip nito. Sumilip ang liwanag ng kabilugan ng buwan.

"Lara."

Isang pigura na kaparis ng sa isang tao ang tumambad sa gilid ng kama ni Lara. Malaki ang pangangatawan nitong kulay pula. Matingkad na pula iyon na katulad ng likidong bumubuhay sa isang tao, kulay dugong nababalutan ng balahibo. Nagtataglay din ito ng isang pares ng itim na sungay sa ulo na kasing haba ng may kalakihan nitong mga kamay. Ang mga mata nitong nagliliwanag sa gitna ng dilim ay kawangis sa isang mabangis na hayop na handang kumitil ng buhay.

Isang demonyo. Isang demonyo ang ngayo'y humahaplos sa maamong mukha ni Lara.

"Lara."

Kumislot ang dalaga ngunit nanatili pa ring nakasarado ang mga mata. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya na para bang nasisiyahan sa haplos ng demonyo.

"Lara," isang boses ng lalaki ang narinig ni Lara. Kilalang-kilala n'ya ang boses na iyon. Binuksan n'ya ang mga mata. Kinusot-kusot iyon upang luminaw ang nanlalabong paningin.

Tumambad sa kanyang harapan ang makisig na mukha ni Jake, ang dati niyang nobyo. Mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong, at makinis nitong balat ay masasabi niyang lalo itong gumuwapo. Bumagay ang ngayo'y may kahabaan nitong buhok kumpara sa dati nitong ayos. Nandoon pa rin ang angas nito na talaga namang kinasabikan n'yang masilayang muli.

 

"Jake?" bungad n'ya sa lalaki nang haplusin nito ang kanyang pisngi.

 

"Anong ginagawa mo rito?" dagdag n'ya nang mapansin na silang dalawa lamang ang nasa loob ng kanyang silid, ang dati niyang silid sa Maynila.

 

Isang nakapangingilabot na halakhak ng demonyo ang pumailanlang. Nakisabay pa ang muling pag-ihip ng hangin. Hindi iyon ganoon kalakasan ngunit naging dahilan pa rin upang bumalik sa pagkakasara ang bintana. Muling nabalot ng kadiliman ang kabuuan ng silid ni Lara.

"Lara."

Sa pagbikas nito'y nahawi ang manipis na kumot na bumabalot sa katawan ni Lara. Tumambad ang magandang kurba ng katawan ng huli na litaw na litaw sa manipis nitong bestida.

A Demon's Touch [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon