Chapter 1- Who Are They?

18 0 0
                                    


THUNDER'S POV

Mabilis kong sinagot ang phone ko nang makita ang pangalan ng tumawag.

"Oh pre, oo papasok na din ako, hinanhanda lang ni Manong Albert yung sasakyan. Excited ka na sigurong makita ako noh?" ako habang kausap sa phone ang bespren ko. Kakauwi ko lang galing States so transferee ako sa school na pinapasukan nya.

"Baby, are you sure na ayaw mong magpahatid sa school sa daddy mo?" That's my mom, and yeah, baby pa din ang tawag nya sakin hanggang ngayon. Tsss

"Yes mom, I'll be fine. Don't worry. Binata na ang anak nyo. Hehe"

Tss. Si mommy talaga! Hindi ba nya ba matanggap na binata na ang anak nya? Haha well, ganun talaga pag nagiisa ang gwapong gwapo nyang anak. Forever baby na ata ako.

Well, ako nga pala si Thunder Dozon, gwapo, mayaman, friendly, masayahin, at isang ngiti ko pa lang napapaamo ko na ang kahit na sinong babae. Hahaha 16 years old ako at kakauwi ko lang galing States. First day of school ngayon, transferee ako but I'm so thankful na kasama ko sa klase ang tatlo kong matatalik na kaibigan.

"Oy pre dito! Hanep mukhang tumangkad ka ah!" bati ko sa bespren kong si Tin sabay gulo ng buhok nya.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Stop it! Anu ba ? Ginugulo mo naman yung buhok ko e!" angal niya.

"Tsk! Wala kang pinagbago ang arte mo pa din!"

Oo, babae ang bespren ko. Bakit ba? Salagay sya lang ang kaclose ko mula nung bata ako. Well, besides kina Tom at Stephen.

"So ano? Ready ka na ba ha?" tanong nya sa akin.

"Sus! I always am! Ako pa ba? Haha teka, nasan na ba yung dalawang ugok?" Malapit na kami sa classroom pero hindi ko pa din nakikita yung dalawang yun.

"Hay nako! Mamaya mo na hanapin dahil malamang naghahanap na naman ng chics yung dalawang yun!" mataray nyang sagot. Mataray ang kaibigan kong ito pero mabait sya promise!

"Ang tatanda na chics pa din? Haha walang pinagbago!" Natatawa kong sabi habang umiiling. Bata pa lang kami ay mahilig na talagang mambabae ang dalawang yun. Buti na lang ako hindi dahil dito sa babaeng to. Hehe

"Oy tol! Naks! Gumwapo ka lalo ah!" Ani Tom habang papasok ng classroom kasama si Stephen.

"I'm not one of your chics kaya wag mo akong bolahin!" pakunwaring mataray na sagot ko.

"Di ka pa nasanay dyan! If I know, Gusto lang nyan ng libreng lunch mamaya!" Ani Tin habang nagaayos ng buhok.

"Namiss ka namin tol! Madami ka nang utang samin ni Tom!" sabay akbay ni Stephen sa akin.

"Hanep Stephen! Nagsasalita ka na pala ngayon tol! Hahaha" Si Stephen kasi ang pinakatahimik at pinakaseryoso sa lahat ng mga kaibigan ko.

Ganyan lang namang kanormal ang buhay ko. Ngunit nagbago ang lahat mula nang makilala ko sya......


Maaga kaming dumating sa classroom kaya naman nakapili kami ng upuan. Syempre yung magkakalapit kaming apat. Halos walang nagbago sa mga kaibigan ko, kung ano sila nung umalis ako, ganun pa din ngayong nakabalik na ako.

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon