Chapter 3 - World War 102

8 0 0
                                    

Hera's POV

Mag-isa kong tinungo ang daan papunta sa school. Pano kasi ay iniwan ko si Sam. Ang kupad kasing kumilos. Andami nya pang seremonyas at cheche bureche tuwing umaga bago, habang at pagkatapos maligo.

Medyo masama pa ang aking pakiramdam pero mas pinili ko nang pumasok. Ayokong manatili sa mansion. Nakakabagot!

Pagpasok ko pa lang sa entrance ng school e andami na agad nakatingin sa akin.

"Anong meron? Sobrang ganda ko ba para titigan nila ako? O baka naman may mali sa suot ko?" Paano naman kasi ay nakacivilian pa din ako. Yung magaling kasi naming kaibigan, hindi pala kinuha yung uniform na sana ay gagamitin namin pampasok.

Tss -.-

Nagtuluy-tuloy lamang ako sa pagpasok. Kumunot ang noo ko nang makita kung gaano pala kalaki ito.

Pano ko naman hahanapin ang Dean's office dito?

Parang lalo tuloy sumakit ang aking ulo. Nakaramdam ako ng inis! Eto na naman ang pasensya ko, iniwan na naman ako! Kinapa ko ang cellphone at idinial ang number ni Sam..

"Nasan ka na ba?" asik ko dito nang sagutin nya ang phone matapos ang ikatlong pagtawag ko. "Tsk! Sabihin mo kay Manong Jerick bilisan nya ang pagpapatakbo kung hindi ay ikaw mismo ang patatakbuhin ko!" at ibinababa ko ang linya. Paano ba naman hindi mauubos ang pasensya ko e umalis ako na nagsusuklay sya at ngayong nasa school na ako ay nagsusuklay pa din?

Naglakad-lakad ako. Mas makabubuti sana para sa akin ang magtanong na lamang kung saan ang dean's office ngunit dahil wala sa pagkatao ko ang kumausap ng taong hindi ko kilala ay di bale na lamang.

"Look oh! New student?" dinig kong sabi sa aking gilid nang mapadaan ako sa isang grupo ng mga babae.

"Student ba yan? Why is she wearing like that? Naligaw lang ata yan e." maarteng sabi ng isa pa na hindi ko na pinagkaabalahang tignan pa.

Ang galing mo ate! Tama ka naliligaw nga ako.

Inisa-isang tanawin at basahin ng aking mga mata ang bawat halls na nakikita ko at doon ko napatunayan kung gaano ito kalaki. Parang nagsisi tuloy ako sa ginawa kong pagiwan kay Sam.

Patuloy ang pagdami ng mga naglalakad na estudyante. Lakad dito, lakad dun. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahilo at hindi ko namalayan na na out of balance na pala ako.

"Careful!" biglang inalalayan ako ng isang lalaking estudyante. Iniharap ako nito sa kanya "Are you okay?" nagaalala nyang tanong.

Inayos ko ang aking sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa akong alalayan ng lalaking ito. Uso pa pala ang gentleman sa panahong ito.

Tss. Masama talaga ang pakiramdam ko.

Sinubukan kong humakbang ngunit muli ay para akong matutumba.

"Hey! Do you need help?" muli nyang tanong habang inaalalayan ako. Sino ba tong lalaking to? Kelan pa ako nagkaron ng alalay?

Tinignan ko siya. Eye to eye "You don't have to." at saka ako lumakad papalayo.

"Hey! I'm Stephen!" narinig kong sinabi nya habang ako ay deretso lang sa paglalakad. "Thank you ha!" he said sarcastically. Ngunit hindi ko na sya pinagkaabalahan pang lingunin.

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon