Chapter 2 - World War 101

13 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE

Nalagpasan mo na nga ang prologue at chapter 1 tatamarin ka pa! Haha sorry sa mga typos at minsang magulong scene. Masakit pala sa ulong gumawa nito. Hahaha pero dahil may mga bumabasa na tulad nyo. Keri langs! Itutuloy ko. Hahahaha

Samantha's POV

"Hera Miracle De Vega! Bumangon ka na dyan at tanghali na!" Kanina ko pa ginigising ang babaeng to ayaw pang bumangon!

"Ano ba Sam? Inaantok pa ako e. Pwede kung gusto ko pang matulog, patulugin mo pa ako? Masakit ang ulo ko." angal nya sa akin na kahit kailan ay hindi naman uubra! Hahahaha!

"Hin-di pwe-de! Papasok pa tayo sa school anu ba! Malelate na tayo kaya buma..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman kong mainit ang kamay nya matapos ko syang hilahin paalis ng kama.

"Hera? Nilalagnat ka? Ay kaloka ka! Hera naman e! Bat di mo sinabing masama pakiramdam mo? Teka papakuha akong gamot kay manang." tuluy-tuloy na sabi ko at sinigawan ng manang mula sa kwarto.

Ako nga pala si Samantha Lyra Malvar, hindi po ako ang bida, pero bestfriend ako ng bida. Charot! Hahaha at oo, magkasama kami sa bahay ng babaeng to. Magkaibigan ang mga magulang namin, kaya sabay din kaming lumaki at tumanda ng babaeng ito. Nasa mansion nila kami ngayon, kung bakit? Tinatamad akong magkwento. Haha Don't worry, malalaman nyo din kung bakit. Syempre uunahin ko muna yung kaibigan kong may sakit bago ko kayo chikahin diba?

"Pinatawag na namin si TitoMartin. Maya-maya lang darating na yun. Hindi na lang din ako papasok. Alangan namang ako lang ang magpakilala sa loob ng classroom diba?"

"Sus! Pumasok ka na nga! Magpapahinga lang ako tapos hahabol ako sa last subject."

"Ay teh? Pumasok ka pa kung ganun e noh? Hihi. Bukas na lang tayo pumasok tutal first day pa lang naman. Sigurado madami pa ding hindi pumapasok."

(Knock knock)

"Long time no see Hera! Minsan pinagdadasal ko din talaga na sana sumama ang pakiramdam mo para naman tawagan mo ako."

"Christian?" Oo, isang Christian ang dumating at hindi Dr. Martin.

"Sam? Wow! Look at you. Maganda ka pa din gaya ng dati. Long time no see ah!" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nagsalita na ang mahal na reyna. Hahaha

"Doktor ang pinatawag namin hindi ikaw! Ano bang ginagawa mo dito?"

Oh no! This is it! Magkaka World War 2016 ata ngayon. Hahaha yan si Christian Madrid, anak ni Tito Martin, kababata namin sya ni Hera. Super close ang dalawang yan, yun nga lang nagkaron sila ng maliit na conflict, kaya ayan todo sungit ang bida nating si Hera. Hahaha kung ano yung conflict, malalaman nyo din yun sa tamang panahon. XD

"Mukhang may mainit ang ulo dito ah!"

"Tito? Ay nako buti naman po at dumating na kayo! Opo may mainit po ang ulo.." Hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil masama na na naman ang tingin sakin nung isa.

"Ah e! Ang ibig ko pong sabihin mainit po talaga sya kasi nilalagnat. Hehe. Lalabas na muna po kami ni Christian." Sabay hila ko kay Christian palabas ng kwarto.

Nagusap kami ni Christian habang hinihintay na lumabas si Tito Martin sa kwarto. Kung ano ang napagusapan namin? Teka? Bakit ba kayo tanong ng tanong? Samin na lang yun. Haha nakakatamad kayang magkwento ano?

"Nabigyan ko na sya ng gamot. Painumin mo na lang sya ng paracetamol every 4hours para hindi na tumaas pa ang lagnat nya. Simpleng lagnat lang naman ito kaya wala kayong dapat ipagalala. Uuna na ako at kailangan din ako sa ospital." ani Tito Martin. Sya na din kasi ang tumatayong guardian namin dito.

"Okay po tito. Thank you po. Ingat po kayo sa paguwi."

"Sasabay na ako kay dad Sam. Ikamusta mo na lang ako kay taray. Alagaan mo sya ha?" Bilin sa akin ni Christian. Nako kung hindi ka lang malakas sa akin e!

"Oo na! Oo na! Osige magingat kayo. Bye!" (^_^)_|

Pagkatapos mananghalian ay pinainom ko na ulit ng gamot si Hera. Pagkatapos ay tumuloy muna ako sa kwarto para magpahinga. Hapon na nang magising ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako. At laking gulat ko nang....

"Aba aba! At bakit wala ka na sa kama at nakabihis ka pa? Tatakasan mo pa ata ako ha! San ka pupunta?" paano kasi ay bumangon na ang reyna.

"Ang OA naman nito! Tss. Okay na ako. Gusto kong pumunta sa coffee shop, namiss kong mag tea e! sasama ka ba?" biglang yaya niya sa akin.

"Coffee shop pero mag ti-tea ka? Ayos ah! Magaling ka na ba talaga?" Pinakiramdaman ko kung mainit pa sya pero parang himala dahil magaling na nga sya.

Pumunta kami sa malapit na coffee shop sa school. Hindi ko alam sa trip ng babaeng to. Mahiligsyang pumunta sa coffee shop pero hindi naman sya nagkakape. Karaniwan green tea frappe ang inoorder nya.

Matapos umorder, paupo na sana kami nang biglang....

"Oh my goodness! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Natabig na nga nya yung kape ko sya pa ang galit! Wow ha!

"Oy teh, kung makasigaw ka naman akala mo hindi ikaw ang may kasalanan?" Syempre hindi papatalo ang lola nyo!

"Excuse me?" Aba at talagang! Tatarayan pa ko nito akala naman nya magpapatalo ako sa kanya!

"Ahm, Tin, it's okay, punasan na lang natin. Hindi naman madami e." Sabi nung isang gwapong lalaki na katabi nya.

"Ikaw na nga tong naglalakad ng hindi nakatingin tapos ikaw pa tong galit? Hindi ka ba marunong magso.." Napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko kung paano tumingin sakin si Herapot. As in nakakatakot. Kahit kaibigan ko ang babaeng to natatakot pa din ako pag nagagalit sya.

"Bakit ikaw ang nagsosorry Stephen? Hello? Sila din naman ang may kasa.." Aba at talagang ayaw pang tumigil ng babaeng nasa harapan namin. Isang-isa na lang talaga at masasapak ko na sya.

Pinaupo nung dalawang lalaki yung kasama nilang babae at yung isa pang lalaki na nakatingin lang samin ni Herapot. Hindi na sya nakapagsalita. Malamang natakot sya dito sa babaeng kasama ko. Humingi ulit ng sorry yung dalawang lalaki at wala naman akong nagawa para tumanggi. Isa pa nagoffer sila na palitan ang frappe ko. Ang ending, wala akong nagawa kundi ang umupo na lang. Okay na sana ang lahat e. Ang kaso kung mamalasin ka nga naman talagang sa malapit na table pa sila uupo. Grrr!

"Umuwi na tayo!" nagulat ako nang magsalita ang reyna. Pero mabuti na rin yon at nagyaya na syang umuwi. Baka masabunutan ko pa tong babae sa harap namin!

"Mabuti pa nga Hera at baka maupakan ko pa yang babaeng yan! Ang sama pa ding makatingin oh!" paano kasi ay palingon-lingon pa din siya para lang irapan ako!

Talagang sinusubukan ako ng babaeng to!

"Hayaan mo na. Tara! Sumama ulit pakiramdam ko e." seryosong sabi nya.

Ganto ang ugali ni Hera. Minsan okay sya tapos biglang mawawala sa mood. Minsan nga naiisip ko bipolar kaya tong kaibigan ko? Hahahaha ano sa tingin nyo?





AUTHOR'S NOTE

Uy! Thank you dahil binabasa mo pa din hanggang dito. Pagpasensyahan nyo na yung mga patay na scenes. Ang hirap mag-isip. Peksman! Sumakit ulo ko. Hahaha sana basahin mo pa yung mga next chapters. (^_^)/ oh diba paulit-ulit lang ako! Hahaha

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon