Chapter 10

2 0 0
                                    

STEPHEN'S POV

"You don't remember me?" I asked. Syempre nagpacute na din ako. Baka sakaling umubra sa kanya. Hehe

I know this girl. Sya yung parating kasama nung nakaaway ni Tin. Kaya naman nung makita ko sya sa loob ng resto na papunta dito ay agad ko syang sinundan. I wonder what she's doing here alone. Nasan yung sidekick nyang amasona?

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Nakatitig lang sya na para bang may malalim na iniisip. Kukunot ang noo nya at bahagyang iiling. Nakatatlong ulit nang gawin nya iyon. "Ah! Naalala ko na!" ani nito sa excited na tono. Nagulat ako sa reaction nya.

"Ikaw yung isang alalay ni Tinting!" proud na proud nyang sinabi iyon.

Tinting? Saglit akong nagisip bago ko pa magets na si Tin ang tinutukoy nya. Hindi ko alam kung saan nya napulot ang bansag na iyon. Inaamin kong natawa ako nang bahagya ngunit nakaramdam din ako ng kaunting inis dahil alam kong may halong pangiinsulto ang pagkakasabi nya nito.

"Tinting?" nagkunwari akong hindi ko nagets ang sinasabi nya. "Oh! You mean Kristine." tatango-tango kong sabi. Nakatingin lang sya sa akin. Walang reaksyon. "By the way, my name is Stephen." nagpakilala pa din ako sa kanya kahit na alam kong may idea sya sa pangalan ko dahil magkaklase kami. Inalok ko sa kanya ang kamay ko ngunit tinitigan nya lang ito.

Hmmm. Mukhang mailap talaga ang isang to ah!

"Nandito ka lang pala kanina pa kita tinatawagan!" bigla ay may nagsalita sa aking likuran.

Agad ko itong nilingon at hindi ako nagkamali, yung sidekick nya ngang amosana yon! "Hi!" bati ko dito.

"Pssh!" pagtataray nya sabay hila sa braso ng kasama. "Kelan ka pa nakipagusap sa alagad ng Tinting na yon?" tanong nya dito.

So talaga palang Tinting ang tawag nila kay Tin.

"Nice meeting you!" pahabol ko sa mga ito nang lagpasan lang nila ako. Akalain nyong isang Alvarez na tulad ko ang dinedma ng dalawang ito? Hehehe

Tinapunan ako ng tingin ni Sam samantalang ang kasama nya na sa pagkakatanda ko ay Hera ang pangalan ay dumeretso lang sa paglabas. Bihira akong makatanda ng pangalan lalo na ng mga hindi importanteng tao. But these two? There is something about them that made me curious.

Hindi ko na sila kinulit pa at sinundan na lang sila ng tingin hanggang sa makalabas ang mga ito sa resto.

Those two are really something. Hehehe

THUNDER'S POV

"Oy pre hintayin mo naman ako!" habol ko kay Tin na mas binilisan pa ang paglalakad.

Papunta kami sa restaurant na pagaari nila Stephen. Namiss ko kasi ang pagkain nila kaya naisipan kong yayain silang maglunch dito.

"Tol!" bati ni Stephen habang nakalingon kay Tin na dumeretso lang sa loob. "Anong nangyari don?" baling na tanong nya sa akin.

Itinaas ko ang mga balikat ko bilang sagot na ewan sa tanong nya.

"Baka PDS!" sagot ko dito.

"Anong PDS?" takang tanong ni Stephen habang nakakunot ang mga kilay.

"Hello! PDS lang di pa alam? Iyon yung pag tinotopak ang mga babae kapag malapit na silang reglahin." mayabang na sagot ko sa kanya.

Akala ko pa naman ay expert sa mga chics ang mga to. PDS lang hindi pa nila alam. Tsk tsk!

Baka PMS ang ibig mong sabihin tol?" natatawang sabi ni Tom.

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon