Chapter 7 - Running Away

1 0 0
                                    

SAMANTHA'S POV

Pauwi na sana kami nang may makasalubong kaming pamilyar na lalaki. Alagad pala ni Tin to! Nakatingin sya sa amin hanggang sa dumaan kami sa gilid nya habang si Hera ay busy pa din sa pagkain ng balut nya. Nakatingin pa din sya nang magkatapat kami sa paglalakad. Asa naman syang babatiin ko sya!

Nang makalampas ay saka ko sya nilingon. "San kaya pupunta ang isang yon?" tanong ko sa kasama ko na busy pa din sa pagsipsip sa kinakain nyang balut.

Palabas na kami sa kalapit na subdivision nang matanawan namin ang mga lalaking nagaabang. Alam ko na ang pakay nila, syempre ito na namang kasama ko.

I rolled my eyes nang makita kong ngumisi ang ilan sa kanila. "Uy Hera, yung mga manliligaw mo nandito na naman." biro ko dito nang masiguro kong sila nga ulit ang mga lalaking yon.

Nang makalapit kami ay agad kong tinanaw ang mga bantay sa guardhouse pero patay na ang ilaw dito at nakahilata na sa sahig ang mga ito. Nauna nang matulog. Pshh

"Kanina pa namin kayo hinihintay." sabi nung nasa gitnang leader nila.

Tinigilan ni Hera ang pagkain at saka tumingin sa mga ito. "Akalain mong kahit gabi ay nakashades pa din kayo?" banat nito sa mga lalaki.

"Seriously, Hera?" bulong ko dito patukoy sa sinabi nyang hindi ko alam kung biro o ano.

Nakakaloka talaga tong kaibigan ko. Hinarangan na nga kami ng labindalawang lalaki pero nakukuha nya pang magjoke ng corny. Oo! Madami sila ngayon. Wala pa naman si Manong Jerick.

Kinabahan ako nang magsimulang humakbang papalapit ang ilan sa kanila. Ang leader naman ng mga ito ay hindi gumagalaw sa kanyang pwesto.

"Huy Hera! Anong gagawin natin?" Halos pabulong kong itinanong iyon kay Hera at talaga namang nagulat ako nang makita ang ginagawa nya.

Guess what! Hindi man lang nya ako pinansin. At hindi man lang din sya natinag sa unti-unting paglapit ng mga lalaking nakaitim. Patuloy pa din siya sa pagsimot at pagnamnam ng kinakain nyang balut na sinadyang itira ang favorite part nya dito. Ang sisiw! O diba? Kadirs!

Muling humakbang ang ilan sa mga ito. Natataranta na ako at hindi ako makapagisip ng dapat gawin. Isama pa itong kaibigan kong sa kinakain nya lang may pakialam. I rolled my eyes again. Pshh!

"Pst! Hera! Ayan na sila ano ka ba?" halos hindi ko ipinapakita ang buka ng bibig ko habang kinakausap sya.

"Get them!" maya-mayang sigaw ng leader ng grupo. At saka halos sabay-sabay na tumakbo ang mga kasama nito pasugod sa amin.

"Oh Em Gee! Hera ayan na sila anu ba?" natataranta ko muling paalala sa kanya habang nagtatago ako sa likuran nya. At laking pasasalamat ko nang sa wakas ay kumilos siya.

Grabe! Kelangan talaga mas makalapit sila bago sya kumilos e no? Pssh

Naghanda kami sa pagsugod pero bago pa namin magawa iyon ay may bigla na lamang humatak sa amin papalayo. "Takbo!" sabi nito habang hila-hila kami ni Hera sa braso.

At syempre dahil ayaw naming makaladkad ay kusang sumunod ang mga paa namin sa pagtakbo. "Oy teka!" sigaw ni Hera sa lalaking humila sa amin papalayo sa mga lalaking ngayon ay hinahabol pa din kami.

"May alam akong pwedeng pagtaguan! Bilisan nyo!" muling sabi nito nang hindi man lang kami nililingon.

Wow ha! Kung makautos ka kuya! Pshh

Hindi ko maintindihan kung bakit sumusunod pa din kami sa kanya. Pero sa tingin ko ay mas mabuti na ding tumakas kesa naman mahuli nila. Napalingon ako kay Hera at talaga namang masama na ang kanyang mukha. Patay!

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon