Chapter 8

0 0 0
                                    

Warning!!
- walang kwentang chapter po ito. Ito talaga, pwedeng wag nyo nang basahin. Sorry naman! Hahaha bawi na lang next chapter :)

_____________________________

THUNDER'S POV

"Bayaran mo ang sisiw ko!" napapailing na lang ako habang naaalala ang paniningil nyang iyon kagabi.

Seryosong-seryoso sya at talagang balak nya akong singilin! Tsk!

"Oy pre malala na yan ah!" tatawa-tawang pangaasar ni Tom. Nagsisimula na namang manginis ang isang ito. Nakatambay kasi kami sa classroom habang hinihintay ang teacher.

"Anong malala?" takang tanong ko.

"Pano ba naman kasi ay ngingiti-ngiti kang mag-isa dyan!" dagdag ni Stephen na nakakaloko ang ngiti.

Ano daw? Ako? Ngumingiti? Asa!

"Mukhang alam ko na kung bakit! Hehehe" naging mas mukhang nakakaloko ang ngiti niya at nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin ni Tin.

Mukhang alam na nya ang nangyari sa amin dahil kung ako nga na nahihirapang maglihim sa mga ito ay si Tin pa kaya na kakambal niya mismo.

"Oy ano yun ha?" tanong ni Stephen na nakahalata sa pangaasar ni Tom. Kung ganon ay hindi pa pala alam ni Stephen ang tungkol sa paghalik ni Tin sa akin.

"Pwede ba? tigilan nyo na yang pinaguusapan nyo!" mataray na saway sa amin ni Tin. Mukhang hindi na naman maganda ang gising nya. O baka naman dahil galit pa din siya sa akin? Ang mga babae nga naman! Ang hirap intindihin.

Humarap sa aming tatlo si Stephen at isa-isa kaming tinignan na mata lamang ang pinagagalaw. Para syang isang inspector ng kung ano sa ikinikilos nya. "Umamin nga kayo sa akin." he crossed his arms at saka muling nagpatuloy sa pagsasalita "are you hiding something from me?" at saka ngumisi.

"Wala noh!" tumayo si Tin at tumingin ng masama sa akin? Bat sakin? Ano na namang ginawa ko? "Tabi!" galit na pinaalis niya si Stephen sa daraanan at saka sya nagwalk out.

"Anong nangyari dun?" natatawang tanong ni Tom. Hindi ko din maintindihan ang kambal na ito. Alam naman ni Tom na mainitin ang ulo ng kapatid pero hilig pa din niya ang asarin ito.

"Sundan mo." mahinang sabi ni Stephen habang inginunguso ang dinaan ng kaibigan namin. Ang akala ko pa naman ay okay na kaming dalawa. Ano pa nga baang magagawa ko kundi ang sundan na lang sya. Baka kasi lumala pa ang tampuhan naming dalawa.

"Woooh! Feeling beauty queen na naman ang kambal ko! Hehehe" Pasigaw na hirit ni Tom upang lalo pang asarin ang kapatid nya. Puro talaga kalokohan ang isang yun.

"Tin, wait!" pigil ko kay Tin at saka inakbayan ito. "Masama na naman ba ang gising ng pare ko?" tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing bumalik kami sa normal. Yung dating kami. Walang ilangan. Hindi tulad ngayon. Tsk tsk

"Dun ka na nga sa dalawang mokong na yun! Mamaya na tayo magusap!" hindi sya galit nang sabihin nya yon pero may kakaiba sa kanya. Basta ang hirap iexplain. Matapos nun ay hindi na nya ako pinansin pa at panay ang pakikipagtawanan sa mga bago nyang kaibigan na hindi ko matandaan ang mga pangalan.

Hinayaan ko na lamang sya. Tutal naman e pwede naman kaming makapagusap na dalawa mamaya after ng klase. Kakamot-kamot akong bumalik sa pwesto naming tatlo. Panay pa din ang mapangasar na hirit ni Tom na hindi ko naman pinapansin habang si Stephen ay panay ang pangungulit na alamin kung ano ang tinutukoy ni Tom.

"Bahala kayong magkulitan dyan!" at saka ipinatong ko ang siko ko sa armchair at nangalumbaba. Saktong dating naman ng dalawa pang transferees na sila Sam at ano nga ulit pangalan nun.

Napatitig ako sa kanila. Mali, hindi lang ako. Kundi ang buong klase marahil siguro sa suot nila. Hindi pa din sila nakauniform, si Sam ay nakasuot ng fitted black jeans, white turtle neck shirt na pinapatungan ng denim jacket at yung isa, hindi kayo maniniwala, nakashorts na mahaba at malaking white shirt ito at naka cap pa. Hindi panget tignan pero hindi normal para sa isang babae ang makitang ganun.

Tomboy ba to?

Kung sabagay ay payag naman ang school lalo na at kasisimula pa lamang ng klase. Panay ang salita nung Sam sa kasama nya habang ito naman ay walang ganang nakikinig sa kanya. Napayuko ako nang tapunan ako ng tingin ni Sam.

"Look who just came Tin." maarteng sabi nung isang bagong kausap ni Tin na akala mo kumaen ng sampung sili dahil sa pula ng labi nito.

"Look at her get up! It's so..." dugtong nito habang nakatingin sa kasama ni Sam at saka sinabayan ng dalawa pa nilang kausap at sabay-sabay binigkas ang salitang "eeew" while rolling their eyes. Seriously? Mabuti na lamang at mukhang hindi pa nahahawa si Tin sa kanila.

Ang mga babae talaga! Tsk tsk tsk

Nakita kong sinamaan sila ng tingin ni Sam.

Kailan ba matatapos ang away ng mga to? Dinagdagan pa ng maarteng babaeng to! Tsk!

Mabilis lumipas ang oras na hindi ko namalayang malapit nang maguwian.

"Okay class, regular classes will start next week. All students are required to wear your proper uniform. Alphabetically arranged seats will be assigned too kaya this is your last day na makakalapit nyo ang preferred seatmates nyo." naging maingay ang paligid nang sabay-sabay nag angalan ang mga kaklase ko. Syempre kasama na kami dun nila Tom, Tin, at Stephen.

Halos lahat ay maingay maliban sa dalawa, sina Sam at sa kaibigan nya na hindi ko matandaan ang pangalan. Ewan ko ba, I find it hard to memorize names kahit ilang beses na silang nagpakilala. Isa pa, lagi akong distracted sa kaingayan ni Tom sa tuwing sya na ang magpapakilala. Nakabisado ko lang siguro ang pangalan ni Sam dahil sa nakaaway sya ni Tin.

"Ayos lang sakin basta maganda ang makakatabi ko." hirit ni Tom. Mukha talagang babae ang isang ito pero nagtataka pa din ako kung bakit hindi pa sya nagkaka girlfriend. Sa dami ng nakakablind date nya ay wala pa ata syang sineryoso ni isa.

"Next week din ay magbubukas na ang different clubs na pwede nyong pasukan sa school na ito. The list of clubs has been posted by the walls at the corridors. Pwede nyong tignan bago kayo umuwi to prepare for the auditions." dugtong ni Sir Ruiz na syang lalong nagpaingay sa buong klase. Maging ako ay napaisip kung sasali ba ako sa isa sa mga clubs.

"Each students are required to join at least one club." at sa sinabing iyon ni Sir Ruiz ay wala na akong choice.

I guess I really have to.

"Dre, san kaya may pinakamadaming magagandang members? Dun tayo! Hehehe" Sinabi iyon ni Tom habang nakadungaw sa amin ni Stephen. Hindi kasi tumabi samin si Tin ngayon. Siguradong batok na naman ang abot ni Tom sa kambal kung nagkataon.

Ngumisi ako at saka bumulong "sa cheering squad ka tol! Hahaha" pangaasar ko kay Tom. Hindi nyo kaso naitatanong e sobrang tigas ng katawan ng isang 'to. Hahaha

"If you have no further questions let's call it a day. Have a great weekend. See you all next week." matapos nun ay nagkanya-kanya na ng ligpit ng gamit ang lahat. Napasulyap akong muli sa magkaibigang transferees na mukhang seryoso ang pinaguusapan.

Naalala ko tuloy yung kagabi. Talagang mabilis tumakbo ang dalawang iyon. Kung alam lang nila ang pupuntahan ay baka ako pa ang naiwan nila.

Bakit kaya sila hinahabol ng mga lalaking iyon? Hindi kaya may atraso sila?

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon