Chapter 5- First Kiss

7 0 0
                                    

THUNDER'S POV

"Are you still upset?" nagaalalang tanong ko kay Tin. Paano kasi ay kaninang umaga pa sya wala sa mood. "Nireregla ka ba?" pabiro kong tanong.

"Huh? Joke ba yan o ano?" inirapan nya ako. Tsk! Pinaandar na naman ang katarayan.

Ginulo ko ang buhok niya, "Thunder stop it!" inis na pigil niya sa akin. Alam kong maiinis sya kapag ginawa ko iyon pero that's the only way para madivert ko ang kanyang atensyon. Sa buong buhay kasi nya ay ngayon lang may naglakas loob na sagutin sya.

"May ice cream sa bahay! Gusto mo munang dumaan don?" alok ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman sya mahilig doon.

"Haay!" inis syang bumaling at kinuha ang kanyang bag.

Nasa gitna kasi kami ng subdivision nila at subdivision namin. Papunta sa kanila sa kanan at sa amin naman sa kaliwa. Madalas ko syang kasabay sa pagpasok at paguwi dahil ayaw daw nyang kasabay ang kapatid nya dahil kung sinu-sino pang dinadaanan nito.

"Dito na lang ako! Manong Albert! Bababa na ho ako." baling nito kay Manong Albert at naghihintay na pagbuksan sya ng pinto.

"Ihahatid ko na po kayo sa inyo Mam Tin." sagot ni Manong Albert at pinatakbo ang sasakyan papunta sa bahay nila.

Tumahimik na lamang ako at hindi na sya kinulit pa. Sigurado naman akong tatawagan nya ako kapag humupa na ang init ng ulo nya. Pabagsak nyang isinara ang pinto matapos nitong bumaba at hindi man lang ako nilingon para magpaalam.

"Ang mga babae talaga. Tsk tsk tsk." sambit ko nang magsimula muling magmaneho si Mang Albert.

"Hehehe. Ganyan talaga ang mga babae hijo. Gusto nila iyong nilalambing sila. Lalo na si Mam Tin. Natitiyak kong gusto ka ng isang iyon."

"Ho? We're just f..friends manong! Kaibigan ko lang po yun. Hehehe" Napapahiya kong sagot. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni manong ngunit sa tingin ko ay wala naman akong nararamdamang espesyal kay Tin. Well, I'm not sure about that yet. Hehe

"Nako hijo! Ligawan mo na kasi. Isang halik mo lang doon mapapaoo mo na iyon."

"Si manong talaga puro kalokohan! Hehe" ano bang pinagsasasabi nitong si Manong Albert. Naimagine ko tuloy na hahalikan ko nga si Tin.

Umiling-iling ako at pilit inalis iyon sa isip ko. Pati ba naman si Manong e gusto ding magka girlfriend ako? Hanggang sa pagtulog tuloy ay iyon pa din ang iniisip ko.

****KINABUKASAN****

"Baby bangon na! Ready na ang breakfast." ginising ako ni mommy. Ganito na sya mula nang umuwi kami sa Pinas. Mas lalo syang naging sweet at mas lalo nya akong itinurong na bata. Tsk!

"Ten more minutes mom please." Sabay talukbong ng kumot na agad din namang inalis ni mommy.

"No no! You're gonna be late if I let you stay for ten more minutes. Isang oras ang ten minutes mo anak e."

Antok na antok akong bumangon. Tinignan ko si mommy. Nakangiti siya habang nakatingin lang din sa akin. "Mom! I'm just on my boxer's shorts." Nagkunwaring tinakpan ko ang aking sarili. "Maliligo muna ako mommy. Just wait for me downstairs." dagdag ko nang hindi pa din kumikilos si mommy.

"Binata na talaga ang anak ko. Kailan ka ba sasagutin ni Tin?" ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ewan ko sayo mom!" Padabog kong isinara ang pinto. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago tuluyang iwan ang kwarto ko.

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon