Chapter 13 - Blind Date

4 1 0
                                    

TOM'S POV

"Pabalik na daw." maiksi kong sabi habang isinisilid sa bulsa ang phone ko.

Kung makautos tong babaeng 'to akala mo girlfriend ko.

Teka? What?! Girlfriend??

"Hoy!" tawag nya sakin. "Anong kalokohan ang iniisip mo at pangisi-ngisi ka pa dyan?"

Ako? Pangisi-ngisi?

"Ugh! Bahala ka nga dyan!" pamaktol syang tumalikod at umupo sa bench habang panay ang tingin sa relo nya.

Teka? Anong oras na nga ba?

Agad kong chineck ang relo ko at nagulat nang makitang mag aalas sais na ng gabi.

Seriously? Ganun katagal ko na kasama ang babaeng 'to?

"Sorry pre medyo natagalan. Napunta kami sa kabilang building e." bungad ni Thunder sa likuran ko.

Agad na napatayo yung kasama kong Amazona at hinila palapit sa kanya ang kaibigan nya.

"Ano? Kabilang building? Pinatakbo mo ng ganung kalayo ang kaibigan ko?" mataray nyang sabi ngunit bakas ang pagaalala sa kaibigan.

"Hera, okay ka lang?" tanong nya sa kaibigan habang iniinspeksyon kung kumpleto ba ang body parts ng friend nya.

Akala mo naman mamamatay sya sa pagtakbo ng ganung kalayo. Mga baba nga naman!

"Okay lang ako." maiksing sagot ni Hera. "Pwede na ba akong umuwi?" tanong nya sa kaibigan.

"Hera naman e!" pagmamaktol ng amazona.

Lumapit ako kay Thunder upang kamustahin din sya. Baka nga sya pa ang may kulang na body parts e. Hehehe

"Kanina pa tayo hinahanap nila Tin, magwawala na naman yung sa galit."

Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa kapatid ko. Siguradong World War X na naman kami sa bahay paguwi nito. Haha

"O sya! Mauna na kami ha?" paalam ng amazona na akala mo ay may hinahabol na date sabay talikod at saka lumakad palayo.

"You're welcome!" sigaw ko sa mga itopero hindi naman nila pinansin.

"Kakaiba ang babaeng 'yon!" Sabay naming tugon ni Thunder, dahilan para magkalingunan kaming dalawa.

Hahahaha

"Tara na tol, may date ka pa diba?" yaya ni Thunder sa akin.

Pabalik na sana kami sa restaurant nang biglang mag ring ang phone ni Thunder.

"Ganun ba? Sige sabihin ko na lang kay Tom. Sorry pre ah! Ingat! Bye!" dinig oong tugon nya sa kabilang line.

Nakuha naman nya ang tingin ko, "nauna na daw silang umuwi sabi ni Stephen." malamang ay tinopak na naamn 'yon.

"Sasamahan mo ako sa blind date ko 'di ba?" tanong ko kay thunder with matching puffy eyes pa. Baka iwan kasi ako ng lokong 'to. Nabanggit pa naman ng blind date ko na may kasama syang friend.

Don't misunderstood me ah, alam kong gusto ng kakambal ko si Thunder at gusto ko si Thunder para sa kapatid ko. Pero hindi ako tulad ng iba na ipagpipilitan ang gusto kahit hindi na masaya ang iba. I wasn't sure if Thunder likes my twin sister the way she likes him, bahala na silang dalawa doon. hehe


"Tsk! Puro ka talaga chics!" angal nito.


"Pre, sa maniwala ka at sa hindi, nagbago na ako. Itong ka blind date ko, I can feel na she's different." pagmamagaling ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon