Chapter 9

3 0 0
                                    

HERA'S POV

"Herapot! Bangon na dali! Samahan mo ako!" pang-apat na balik na ni Sam sa kwarto ko. Hindi ko talaga ma gets ang babaeng to. Kanina nya pa ako kinukulit para bumangon.

Hindi na naman mapakali. Tsss

"Ano ba Sam!" angil ko sabay talukbong muli ng kumot. Talagang antok na antok pa ako.

"Hindi kita titigilan kaya mabuti pa ay bumangon ka na!" sabay hila niya sa kumot na nakabalot sa akin. Malapit na akong mainis! Ang hilig kasing mang gising ng babaeng to!

"Ano ba Sam? Ang aga-aga pa oh! Patulugin mo ako! Tsk!" sabay hablot ko sa unan at itinakip ito sa mukha ko.

Medyo napuyat kasi ako kagabi. Madami akong iniisip. At sa dami non' ay hindi ko alam kung paano sila pagkakasyahin sa utak ko.

"Aba at talagang..." natigilan siya ng bigla akong bumangon. Wala akong nagawa dahil siguradong hindi sya titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto nya! Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hehe. Wag ka nang magalit! Tanghali na naman talaga oh!" sabay pakita nya ng oras sa suot nyang relo. Muli ko syang sinamaan ng tingin nang makita ko ang oras.

Alas siete pa lang ng umaga! Talagang! Ugh!! Malapit ko nang patulan ang isang to!

"Anong tanghali? Umaga pa lang!" hinambaan ko siya na kunwari ay susuntukin ko sya. Ngunit sadyang sanay na siguro sa akin ang kaibigan kong ito. Dahil sa halip na matakot ay dinilaan nya pa ako.

"Pasalamat ka at kaibigan ang turing ko sayo!" mahinang bulong ko sa sarili at saka tuluyang bumangon mula sa kama.

Dumeretso ako sa paglakad papunta sa pintuan ng kwarto habang sya ay nakasunod lang ang tingin sa akin. I opened the door and gave her a death glare samantalang sya naman ay ibinuka ang bibig at sinabi ang salitang "what?" without any sound coming from her mouth.

"Labas! Maliligo muna ako!" inis na sabi ko sa kanya. Padabog kunwari syang tumayo at lumakad palabas ng pinto. She rolled her eyes bago pa tuluyang makatalikod sa akin. "I saw that!" sita ko sa kanya. Muli ay dinilaan na naman nya ako.

"Bilisan mo ah! Hehe" at saka sya dumeretso at tuluyang lumabas ng kwarto.

Isinara ko ang pinto. Sya pa ang may ganang magalit! Tsss!

Dumeretso ako sa banyo at mabilis na naligo. Ano na naman kaya ang problema nya at ang aga nyang nagising? Malamang ay magyaya na naman yung magshopping.

Ganun si Sam. Parang sabik sa gala ang isang yon. Bantay sarado kasi sya sa kanila. Kaya naman nang payagan syang tumira kasama ko ay akala mo nakawala sa kuralan. She does everything she wants to do and I don't see any problem with that. Ang kinaiinis ko lang ay hindi siya makaalis na mag-isa. Hindi ko din naman sya papayagan kaya ako din ang lagi nyang sinasama.

Pagbaba ko ay nakaayos na ang pagkain sa mesa. Gaya ng dati ay hindi mawawala ang paborito kong daing at sawsawan na suka na may sili. Hindi nyo kasi naitatanong e kanin parati ang almusal ko.

"Kaen na mahal na reyna!" yaya niya habang ngumunguya pa. Nasa plato nya ang dalawang piraso ng french toast at scrambled egg.

"San mo na naman ba ako balak dalhin? Napakaaga pa para magshopping!" tanong ko habang nagsasandok ng kanin sa plato.

"Hindi naman tayo magshoshopping noh!" tumigil siya upang uminom ng gatas at saka dinampot ang tinapay "may pupuntahan tayo!" at muling kinagat ito.

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon