Jairus' POV:
Sabi ni Shar, hindi niya type si Nash. Pero bakit ganun? Bakit sinagot niya si Nash? Malay mo hindi na siya nagbago,pinapaikot niya lang si Shar? Bakit ba kasi ang manhid mo Shar?! Bakit?!
--DUGH!
Malakas na suntok ni Jai sa pader nila
"Jai, ano ba? Anong problema mo?!" - Ate Miles
Nangigil pa rin si Jai, naka-kunot yung noo at dugong dugo pa rin ang kamay niya as in FULL BLOOD MGA GANUN
Kawawa naman ang babe ko okay epal si Ms. Author Aquino Aguas - yaan tawag niyo sa akin o kaya Ms. A na lang! pleaseee! ✌
"Ate kasi si Shar.. si Shar.. Sila na ni Nash.. Simula't sa una sabi niya ayaw niya tapos mababalitaan ko na lang na sila na ni Nash. Grabe ate. Halos isumpa niya noon si Nash tapos ngayon malalaman ko sila pala.." Jai
Lumapit sa akin si ate at niyakap ako.
"Alam mo Jai, ganyan talaga ang pag-ibig kailangan mong masaktan. Hindi naman ibig sabihin ng pag-ibig ay yung magmamahal ka, ibig sabihin din nun pwede ka rin magsakripisyo.. Mahal ka naman ni Shar, Jai pero hangang bilang kaibigan lang. Hindi mo pwedeng isumbat sakanya na Manhid siya?! Kasi sinabi mo ba? Ganito na lang halika na at dadalhin na kita sa clinic kasi lilinisin pa naten yang sugat mo.. Si ate love naman kita eh" AteMiles
4 years old pa lang ng naghiwalay ang magulabg ko. 2 lang kaming magkapated, si mommy na lang kasama namin. Nagtatrabaho si mommy sa Japan. Bestfriends sila nung mommy ni Shar, parang kami rin pero mukhang hindi na dahil sila na ni Nash
@ CLINIC
"JAI! labas lang ako tumatawag kasi si mommy.." Ate Miles
pagkalabas ni Ate Miles ay pumasok naman si Shar sa clinic..
"Oh Jai?! ano naman pumasok sa isip mo at sinuntok mo ang pader?!" Shar
Tinignan ko siya ng masama pero di muna ako nagsalita...
"Kayo na pala ni Nash?! di ka man lang nagsabi!" Jai
"Oo nga pala, Jai kami na ni Nash.. " Shar
" Wow huh! Sinabi mo pa?! Eh alam ko na.. Alam mo Shar, yan ang hirap sayo eh.. Nung una halos isumpa mo si Nash parang kinasusuklaman mo siya, keso feelibg gwapo, malandi, makati, caladryl tapos mababalitaan ko na labg na kayo na?! Ano kinain mo lang lahat ng sinabi mo?! Ano?! Malandi ka na rin?!" Jai
Napaluha si Shar sa sinabi ko,
"Malandi?! Thank you Jairus huh! Akala ko ba kaibigan kita?! Pero bakit ganyan ka?! bakit parang ayaw mo na magmamahal ako?! Sabagay wala kang alam sa pagmamahal.." Shar
"Wala akong alam?! Sharlene, now and for all ikaw.. Ikaw ang minamahal ko.. IKAW ANG MAHAL KO... pero hindi ko alam nung nagpaulan ng kamanhidan e nasalo mo pala lahat, kaya di mo napapansin.. Yung mga i love you baby, pakiss, baby ko sayo TOTOO YUN!! Totoo yun galing yun sa puso ko.. Galing yun sa puso kasi mahal kita.. MAHAL NA MAHAL.. Ako laging andiyan para sayo.. Nung sinaktan ka ni Luke,di mo ba alam hinamon ko siya ng suntukan para sayo para masabi ko sa sarili ko na ipagtatangol kita kasi MAHAL KITA,tapos ako pa hindi marunong magmahal ako pa Shar.. Ako pa..!" Jai
Dali-dali akong lumabas ng pinto at umuwi sa bahay. Naiwan ko dun si Shar na umiiyak. Pero tama ba yung ginawa ko?! Hindi ko na talagang kaya itago yung nararamdaman ko. Sobra na sobrang sibra na
BINABASA MO ANG
Thank you for the broken heart ☻
ФанфикMagpapakatanga ka ba sa taong mahal mo? Hihintayin mo bang mahalin ka niya? o magmamahal ka na ng iba?