Natapos na rin ang hirap sa buhay ko. Ngayon, masasabi ko na rin na masaya na ako sa buhay ko. Masaya na ako sa oras na ito lalo't na kasama ko ang mahal ko.
Gusto ko lang ng simpleng buhay. Gusto ko lang yun okay lang, normal na buhay. Hindi komplikado. Walang nasasaktan.
Naglalakad ako sa dalampasigan, minamasdan ang kagandahan ng dagat.At iniisip na napakagwapo ko pala. Boom Jairus!
"Daddy!! Daddy, si mommy!"
Hindi niyo pala natatanong may anak na ako. Ilan taon na rin ang nakalipas pagkatapos ng nangyari masasakit sa buhay ko at masasabi kong masaya na ako sa buhay ko.
"Bakit?"
Tinuturo niya lang naman ang kanyang mommy. Papunta na rin dito si Alexa. Masaya na ang buhay ko, natuto na akong magpatawad at magtiwala at makalimot.
"Daddy!"
Hinila ako ng aking anak, papunta kay Alexa.
"Jairus,manganganak na si Sharlene!"
"Ano?!"
Kung ano-ano pinagsasabi ko sa dagat kanina manganganak na pala ang asawa ko. Manganganak na pala ang pinakamamahal ko.
Dali dali akong pumasok sa loob kung nasaan ang aking misis. Magiging tatay na naman ako. Sa wakas!
"Nash, manganganak na si Shar!"
Doctor nga pala si Nash. May 5 na silang anak ni Alexa. Hindi ko aakalain na magiging ganun kasipag si Nash pagdating sa pagkakaroon ng anak. Pero hindi siya ang magpapaanak kay Shar noh.
Si Sophia.
Hindi sila nagkatuluyan ni Kobi. Mas pinili ni kobi ang buhay niya sa states. Kaya eto si Sophia bitter. Kaya yun, pumayat. Nagpapayat at naging Doctor Sophia na.
Lumapit ako ngayon sa asawa na hindi na maipinta ang sakit na nararamdaman. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Kaya mo yan mahal, andito lang ako para sayo. Mahal kita!"
Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya. Ganito rin ako nung una papanganak niya kay Shone. Sinamahan ko siya sa loob.
"Sige, isa na lang Shar!"
Nakikita ko ang mga paghihirap niya. Pero andito ako sa tabi niya hindi ko hahayaan na mahirapan siya.
"I'll love you forever"
Bulong ko sakanya.
"WAHHHHHHHHH! JAI HINDI KO NA KAYA!! WAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!"
"Konting tiis na lang Shar!"
"AYOO- WOH WAH! JAI!"
"Eto na Shar! Yan na ayan na talaga!"
Panandalian nawalan ng malay si Shar. Kaya't napalapit ako sakanya. Tinapik tapik ko siya.
"Jai,it's a baby girl"
Tinignan ko ang bata. Kamukha ni Shar, yung pisngi, yung mata, yung ilong, yung labi. Parang masasabi ko ng Sharlene liit.
Kinuha ko ang anak ko at binuhat ito. Iba talaga ang feeling pag karga karga mo ang sarili mong anak.
Tumingin ako kay Shar, may malay na siya. Ngumiti siya sa akin. Kaya't lumapit ako sakanya bitbit ang bagong anak namin.
"Kamukha mo siya"
"Ang ganda niya, Ang ganda ganda niya"
Ngumiti ako sakanya. Hindi ko mapaliwanag kung gaano ako kasaya at kung gaano siya kasaya
Lumapit sa amin ang apat na taon namin anak na si Shone.
"Mommy ano ipapangalan natin sakanya?"
"Jaira Sharlee Aquino"
AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER
*Thank you for reading this non-sense story. Joke! Salamat sa supporta mga kapatid sana basahin niyo rin ang I KNOW WE COULD HAPPEN JAILENE and NLEX . At abangan niyo ang kung magkakaroon na ba talaga ng book 2 ang Kung ako ba siya
*God bless you all :)
BINABASA MO ANG
Thank you for the broken heart ☻
FanfictionMagpapakatanga ka ba sa taong mahal mo? Hihintayin mo bang mahalin ka niya? o magmamahal ka na ng iba?