Chapter 13

810 15 0
                                    

3 araw ng naka-confine si Jairus pero sa tatlong araw na yun hindi pa rin dumadalaw si Shar. Siguro dahil sa sagutan na nangyari sakanila noong gabing iyon.

"Tama ba ginagawa ko?" Jai

Napatigil si Alexa, sa pag handa ng sopas kay Jai. Si Alexa, oo. matagal ng kaibigan ni Jai. Siya yung ex ni Nash.

"Kung nakakatulog ka gabi-gabi, kung feeling mo comfortable ka sa ginawa mo eh tama ka." Alexa

"Feeling ko kasi, pinagdadamot ko si Shar.. Wala naman akong karapatan. Kaibigan lang naman niya ako diba? Anong karapatan ko?" Jai

"Jai. Hindi mo pinagdadamot si Shar no. Sinabi mo lang kasi yun dahil mahalaga siya sayo,kasi ayaw mong masaktan siya" Alexa

  "...Kasi mahal ko siya,mahal na mahal.. " Jai

Napayuko si Alexa sa sinabi ni Jai. Matagal ng may lihim na pagtingin si Alexa kay Jai. Hindi naman niya masabi ito dahil simula't sa una alam naman niyang si Sharlene na ang gusto ng binata.

Inaakala ni Jairus na hindi pupunta si Shar para visitahin siya pero hindi siya nagkakamali. Lalabas na siya ng hospital pero hindi pa rin siya dinalaw ng dalaga.

Habang nasa tapat sila ng hospital si Jai, Miles at Alexa habang inaantay nila ang sasakyan ni Marco, syota ni ate Miles. Hindi alam ni Jairus na sa parking lot lang si Sharlene, tinitignan lang siya.

"Ang sama sama kong tao. Ang sama sama kong tao kay Jai. Parang wala kaming pinagsamahan." naiiyak nitong sinabi.

Agad naman silang umalis ng driver niya sa parking lot nagyaya siya sa SnR para mag-grocery para sa darating nilang monthsary ni Nash.

Wala siyang kasamang yaya dahil naka-day off ito. Ang kanyang driver naman ay nasa parking lot lang inaantay ang kanyang amo.

Habang naglalakad si Sharlene eh parang nakita niya si Nash. Dumawalang tingin siya pero hindi siya nagkakamali. May kasama itong babae, kaakbay nga niya. Natulala siya at tumulo ang isang patak ng luha sa kanyang mata.

Iniwan na lang niya cart. At dali-daling pumunta sa parking lot sumakay ng sasakyan.

"Ma'am nasaan na po ang binamili niyo?" kuya Caloy

  Hindi na lang umimik si Sharlene at dali-dali na lang sila umuwi.

Thank you for the broken heart ☻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon