Jairus'
Hindi ako mapakale, hindi talaga ako mapakali. Kagabi kasi nagka-LQ kami ni Shar. Ang kulit niya kasi eh, ayaw niyang sumama sa outing namin nila mama next month. Eh legal naman na kami, ayun pinilit ko siya kaso may dalaw ata siya napikon. Nagalit! -_____-
To: Babe ❤
Nasaan ka? Let's talk. I miss you, I'm sorry. I love you forever
Ayan, unang text ko sakanya. Pero hindi pa rin siya nagrereply. After 10 mins,i checked my phone pero wala pa rin siyang reply. Ano ba yan, nagtatampo pa ba siya?!
To: Babe ❤
Babe, i miss you. I'm so sorry. Puntahan na lang kita.
Pupuntahan ko na lang siya sakanila. Baka kasi wala siyang load, or tulog,or kumakain or ayaw niya lang talaga akong replyan.
Bago ako pumunta doon eh, dumaan muna sa ako sa Milk Tea at umorder ng dalawang Wintermelon. Dumaan rin ako sa Mcdo para bumili ng foods namin ni Shar. Dumaan rin ako sa isang ice cream parlor para bilhan ng ice cream si Shar. Dumaan rin ako sa flower shop para bilhan ng bulaklak si Shar. Dumaan rin ako sa HyperMarket para bilhan ng chocolates si Shar. Dami ko bang dinaanan? Wala eh ganyan ko siya ka mahal eh.
Sumakay na ako sa sasakyan kong BMW joke HAHAHAHA. Pagkasakay ko, agad akong nagpatugtog. Hay namimiss ko na talaga si Shar, isang araw palang kaming hindi nagkikita namimiss ko na siya.
Nandito na ako! I'm here baby! Kumatok ako sa gate nila at lumabas yung maid nila si Manang Jessa
"iho pasok ka!"
"Yun na nga po yung gagawin ko eh hehehehe"
Pinapasok ako ni Manang Jessa. Umupo ako sa sala nila Shar. Nasaan kaya yun, baka nasa kwarto lang niya. Bumalik na si Manang Jessa may dalang mango juice at cake.
"Si Shar ba.. Ay lumabas siya kakaalis lang, pero malay mo dumating agad"
A-ano wala si Shar dito? Nasaan ba siya?
"Nasaan po siya?"
"Nasa park, may katagpo raw siya doon"
Sa park, katagpo?! Teka, bakit kinakabahan ako iba itong feeling ko ngayon. Agad akong tumayo para puntahan si Shar doon.
"Manang dito po muna ito, babalikan ko po yan"
Tumakbo na ako papunta sa park. Ayun! Kinakabahan kasi ako, bakit ganito? Iba yung feeling sa akin eh. Bakit parang may something sa puso ko na hindi ko maintindihan.
Nandito na ako, malaki kasi ang park rito kaya hindi ko kaagad makita si Shar. At saka, itetx ko muna siya.
To: babe ❤
Nasaan ka?!
Nilibot ko ang mga mata ko sa park. Hangad sa mayroon akong nakita. Parang dinaganan ng malaking bato ang puso ko sa nakita ko.
Si Shar at Nash magkasama?! Ba-bakit?! Akala ko ba kay Alexa na siya?! Bakit parang nasa may okasyon?! Bakit parang naka-organise ang kinaroroonan nila?! Bakit may mga bulaklak sa gilid?!
Hindi ko na dapat sila pupuntahan pero hindi ko alam kung bakit dinala ako ng laa ko roon. Pinipigilan kong lumuha, bakit wala ba akong karapatan lumuha? Shar nag LQ lang tayo kagabi, hindi tayo naghiwalay.
Bang!
"Jairus!"
"Omg! Babyyyyyy!'"
Sinuntok ko si Nash ng nakapunta ako doon, pero bakit nakangisi parin ang gago, ano kulang pa ba yan, gusto niya ba ng isa pa. Tinignan ko naman si Shar, nakahawak siya sa braso ni Nash. At ayan pa ba amg kakampihan mo?! At teka, bakit nandito si Alexa. Baby?! Baby niya si Nash,.eh bakit magkasama si Shar at Nash?! Ano bang lokohan ito?!
Lumapit sa akin si Alexa, at itinangal ni Shar ang hawak niya sa braso ni Nash.. Ay salamat naman.
"Shar... Shar ano to? Bakit kasama mo yan?!" Sabay turo ko kay Nash
"Mas pipiliin mo pa ba yan kesa akin, Bumalik lang siya sasama ka na ulit?!"
Bakit nakatingin pa rin siya sa akin ng nakangiti?! Ano ba?! Ginagago ba ako ng mga tao dito?!
"ANO?!" tanong ko sabay hawak sa buhok ko.
"Gash! Jai sinira mo plano ni Shar!!" sigaw sa akin ni Alexa. Plano?! Planong iwan niya na ako.
Tinignan ko sila isa-isa. Ano bang gaguhan ito?! Tinignan ko Nash, ayun naka ngisi ang gago, Si Shar ayun nakangiti rin si Alexa naman ayun nagulat na may hawak na cake na may nakalagay na Happy Monthsary Jairus! ♡
Sht! Suprise sa akin ito ni Shar?! Tinignan ko ang likod, nakita ko ang likod na may lobo dun na nakalagay na Happy Monthsary. Monthsary nga pala namin ngayon... Tapos inaway ko pa si Nash?! Eh ano ba kasing ginagawa niyan rito..
Hinila ko si Shar papalapit sa akin at hinawakan siya sa bewang tinignan ko siya, pero umiwas siya ng tingin sa akin ng nakangiti kinikilig siguro.
"I'm sorry!" bulong ko sakanya
"It's okay.. Kay Nash ka magsorry." sabay pout niyang sinabi sa akin. Ay oo nga pala, sinuntok ko nga pala ito.
Nilapitan ko si Nash, nakangiti siya sa akin.
"Pre, sorry!'
"Okay lang pre, napatunayan mo rin na mahal mo si Shar, na ayaw mong maagaw ko siya sayo"
Lumapit si Shar kay Nash.
"Seloso ka kasi eh, nag thank you lang ako kay Nash. Nag thank you ako kasi kung hindi niya ako sinaktan, kung hindi ako na-broken hearted sa kanya, hindi ko malalaman at nararamdaman na ang puso ko ay para sa isang Jairus Aquino lamang" sabay lapit sa akin at tinuro yung puso ko
BINABASA MO ANG
Thank you for the broken heart ☻
FanfictionMagpapakatanga ka ba sa taong mahal mo? Hihintayin mo bang mahalin ka niya? o magmamahal ka na ng iba?