Chapter 10

830 13 1
                                    

Pabilis na ng pabilis ang mga oras. Matagal na rin may tampuhan ang dalawang magkaibigan. Ilang buwan na rin ang nakakalipas pero si Nash at Sharlene pa rin. Sila lang ba? Sino naman yung bagong babaeng dumaging sa buhay ni Nash?

Sharlene's POV:

Grabe ilang buwan na kaming hindi nag-uusap ni Jai..Sobrang namimiss ko na siya :( Namiss ko na yung bestfriend ko na papasok sa bahay ng walang pasabi na biglang pasok sa kusina na parang bahay niya ito. Kahit ganyan kakapal ang mukha niya namimiss ko na siya

  To: Jaironman ⚡

  Hi Jai! Musta ka na? Punta ka naman dito oh. Miss na kita. Usap tayo please :(

  Tinext ko si Jai, pero hindi siya nagreply. Grabe ganun na ba akong hindi kahalaga sakanya. :(

  Maya-maya eh may biglang pumasok sa pintuan namin. Dali-dali akong bumaba galing kwarto ko para tignan kung si Jai yun.Pero hindi pala, si Kuya Rhod pala.

Sayang effort ko bumaba, kung eto naman pala makikita ko. Walang kwenta.

"Oh hi baby sister!" sabi sa akin ng lasing kong kuya.

"Lasing ka naman!?"

"Don't tell me nakasama niyo si Nash maginuman!" Shar

  Tinititigan lang ako ni Kuya Rhod.

"Ano kasama niyo si Nash?!" Shar

"Sabi mo kanina don't tell to you, tapos ngayon tatanong tanong ka. Shunga lang?" Kuya Rhod

Napahawak ako sa bewang ko.

"Ugh!!! So kasama niyo nga?! Ano ba naman kuya.." Shar

Dali-dali kong tinawag si Manong Caloy para i-drive ako papunta sa bahay nila kuya CJ kung saan naginuman sila Nash.

Jairus' POV:

Tagal na pala namin hindi naguusap ni Shar. Pagkatapos nung nangyari dun sa clinic.

  *Te ne ten*

Uy may nagtext. Si Shar. Coke Sakto!! Wala akong load. At parang hindi ko pa kayang kausapin si Shar pagkatapos ng lahat ng nangyari sa clinic.

Iniikot ko buong subd. namin kakatapos lang namin magbasketball nila Tope laki, at Tope Liit.

Sa pag iikot ko na kita ko yung ex ni ate. Si CJ, nasa labas at nagsusuka. Siguro nakainom nanaman ito. Pagtadaan ko sa harap ng bahay nila eh nakita ko si Nash doon. Oo si Nash, yung boyfriend ng bestfriend ko. May kayakap siyang babae, si Mika. Yung bagong estudyante sa section namin. Nakita ko rin na magkaakbay ang dalawa.

Nakapang-gigil. Napakunot noo ako. Kahit may tampuhan kami ni Shar hindi ko kayang makitang nasasaktan siya.Gusto ko sanang pumasok sa loob kaya biglang sinarado ni kuya Igi ang pinto.

Gusto kong kausapin sana si Shar tungkol sa nakita ko pero paniniwalaan kaya ako nun?

Thank you for the broken heart ☻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon