Sharlene's POV:
"Hoy akin kasi yan. Ako na una diyan!"
"Ako kaya nauna dito sa ferrerong ito, kaya akin ito!"
"Sa akin yan kasi nga A- Alexa, ikaw S-Sophia malayo ka pa,kaya akin na yaaaaaaannnn rawwwrrrrr!"
Ang ingay. Ang ingay talaga. Napaka ingay paano ba naman? Kasi itong dalawang kaibigan ko nag-aagawan sa chocolates na pinadala ng baby ko❤ Ang dami kasing pinadala 3 pieces nung tig 600 na ferrero tapos 3 pieces rin ng box ng malteseers at 3 packs reeses. Hay napaka sweet.
At partida, may letter pa. Swerte ko talaga sa baby ko
Baby ko ❤
Kainin mo yan huh? Pataba ka lalo para mas lalo kong pangigilan yang pisngi mo :* mwa love you
P*cha ka-sweet!!!!!!!
"Ano ba yan, nag-aaway pa kayo eh. Pwede niyo namang hatiin eh. Oh yung isang dozena kay Alexa tapos eto rin sayo isang dozena rin"
Para matahimik na yang dalawang yan -____-
"Eh ano sayo? Meron pa ba diyan?" Sophia
"Tignan mo kaya marami pang chocolates, tsaka bibigyan naman na siya ni Jai bukas panigurado" Alexa
"Ibigay mo na kasi yang iyo,maawa ka naman kay Shar" Sophia
"Ayoko nga!! Bakit hindi kaya yung iyo!! Eh ikaw nga biik ka na nga tapos isang dosena pa yang iyo gusto mo talaga maging inahing baboy!" Alexa
"Aba sumosobra ka na ah!" Sophia
Hala hala dahil lang sa chocolate mag-aaway na ang dalawang ito. Ano ito bulalord? che!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" TUMAWA YUNG DALAWA
Katulad ng lagi kong sinasabi noon na kahit anong mangyari di kami nag-aaway ng mga yan sadyang SADISTANG BESTFRIENDS lang kami =)))))))
Nagkwentuhan na lang kami,kumain nanood ng frozen. Si Sophia first time lang panoorin yan. Kami ni Alexa, ilang beses na. Kabisado na nga namin ata eh.
"Don't let them in..."
"Don't let them see.."
binatukan kami ni Sophia sabay nag tumahimik ka nga look. HAHAHAHA! Hyper na naman kami neto ni Alexa!
"LEEEEEEEET IIIIIIIITTTTTTTTT GOOOOOOOOOOOOOO!!!!! LET IIIIITTTTTT GOOOOOOOO WOOOOOHHHHHHH"
sigaw namin ni Alexa. HAHAHAHA! sabog buddies. Okay lang naman kahit mag-ingay kami nasa bahay naman kami ni Alexa.
Tumayo si Sophia sa kama at pinuntahan kami ni Alexa sa loob ng cabinet ni Alexa. Dito kasi kami pumasok ni Alexa pagkatapos kami batukan ni Sophia. Weirdos be like =))))))))
"Anoooo ba?! Nakakahiya naman kay Ela at Ana, kung kayo na lang kayang dalawa panoorin ko!"
Sinarado niya ulit yung cabinet at tumawa na lang kami ni Alexa. Pikon agad. Di kasi sumasabay samin pag nanonood kami.
..
..
..
May biglang pumasok sa kwarto ni Alexa pero nasa loob pa rin kami ng cabinet ni Alexa.....
"Cupcakeeeeeeee!"
nagtitigan kami ni Alexa. Meaning, wag kaming lalabas kasi nga andito sila Jai. Taguan namin kunwari.
BINABASA MO ANG
Thank you for the broken heart ☻
FanficMagpapakatanga ka ba sa taong mahal mo? Hihintayin mo bang mahalin ka niya? o magmamahal ka na ng iba?