Sharlene's POV:
"Bebe, andiyan na siya sa baba!" sigaw sa akin ni Kuya.
Parang bingi naman ako kung makasigaw naman ito, hay nako porket puma-pag-ibig na ito. Yie hart hart.
"Sabihin mo sa kanya wait lang. Matuto naman mag-antay, tinuro naman siguro sa kanya yan nung teacher niya sa GMRC"
HAHAHAHA! Eh ganun talaga mga babae matagal mag-ayos, alam ko naman na maganda ako eh. Gulat kayo no, naka move on na ako kay Nash? HAHAHA well 1 year na ang nakakalipas. Bilis no? Ewan ko kay Author siya sisihin niyo akala niya naman madaling mag-move on siya kaya lokohin ni Nash joke. Balik na ulit tayo, sa isang taon na process na pag mo-move on ko eh laging nasa tabi ko ang.... MULTO! joke si Jairus, oo si Jairus. Hindi niya ako iniwan sa sakuna. Kahit na mas malala pa yung pinsala na nangyari sa tacloban eh mas tinulungan niya pa rin ako, Anong connect? HAHAHA. Kaya nga ayan, nanliligaw na siya HAHAHA. Tagal ko bang sagutin well? Kasalanan ito ni Author eh, ayaw pang gawin kami ni Jai. Eh paano crush niya suitor ko. Mainggit ka dejoke! :)
"Marunong ako mag-antay no?! Kita mo hangang ngayon nanliligaw pa rin ako!!" sigaw nung kabayo sa baba. Heheheh
Pababa na ako ng hagdan. Syempre binabagalan ko muna para yung kunyari sa teleserye yung mga baba ng hagdan si girl tapos tulala si boy tapos may tugtog. Isn't AMAZING?
"Bilisan mo nga! Nagbabagal-bagal pa feeling mo naman na matutulala si Jai sayo!" pagtataray ni Kuya.
Nakababa na ako. Epal talaga itong kuya ko, hindi kita ilakad kay Ate Miles. Sige ka ikaw din!
"Alam mo PAMPAM ka talaga kuya! Alam mo yun? Baka gusto mong ipalam ko kay Ate Miles na natae ka shorts mo nung bata pa tayo kasi ang tagal tagal ko sa CR tapos di mo na mapigilan pabalik balik ka tapos ayun tumutulo na yung tae mo! Ano ha?! Sige ka!"
Spell blackmail?!
Natatawa naman si Jai kaya nagtatakip siya ng mukha. Gwapo niya no? Well, mapapasakin na siya. Malapit ko na siyan- Malapit na kami umalis ni Jai kasi hinahabol kami ni kuya ng tsinelas.
Pikon masyado si Marco este kuya Marco
"Babe..."
Bakit nagbe-babe sa akin ito? Assuming masyado? Ganun? Di maka-antay grabe naman Jai. Atat!
"Babe ka diyan!"
"Tagal naman kasi eh!"
Luh nagrereklamong matagal? Aba okay toh ah. Siya na nga nanliligaw siya pa magrereklamo baka gusto niyang ikalakad ko siya palabas ng kotse... niya :)
"Anong matagal?" pagtataray ko with matching taas kilay ko.
"Matagal.. ah - eh yung pagbaba mo kanina ang tagal po"
Pa-cute na naman itong si babe, ay este baby, ay este Jai. Ano ba yan Shar? Sagutin mo na kasi!!
"Good!"
Habang inaayos ko yung seat belt ko.
Habang nasa biyahe kami, ang AWKWARD. Bakit? Bakit awkward?
"Bakit tahimik?" reklamo ko.
Eh tahimik naman talaga eh. Jusko maririnig mo lang makina ng kotse. Siguro pati paghinga ng bubuyog maririnig mo. Bakit di nagsasalita itong si Jairus, anong nangyari. Ingay-ingay nito, tuwing lalabas kami.
..
..
..
Wala pa rin! Ta-me-me! Nagda-drive pa rin ang mokong! Super duper mega manhid talaga neto.

BINABASA MO ANG
Thank you for the broken heart ☻
FanfictionMagpapakatanga ka ba sa taong mahal mo? Hihintayin mo bang mahalin ka niya? o magmamahal ka na ng iba?