If Only Eyes Could Speak
Written by: Mona Nor Kalis
Short StoryChapter 1
Author's Note: Title pa lang ay halatang maka-Mayward na. Hehehe. If I'm not mistaken nagiging tagline pa nga ito diba?
Anyway, as one of their fan nabuo ko ang akdang ito. Hindi man ako ganoon kahusay sa larangan ng pagsusulat ay sisikapin kong magiging maganda at kapupulutan ng Aral. Nang dahil sa trabaho at Pbb ay natagalan ang paggawa ko nito. Hehehe.
Paalala po na may mga eksenang throwback at may background music. Kayo na bahalang sumabay sa maaari kong ilagay na mga musika. Marami-rami yata kaya ihanda ang mga sarili baka kasi kakailanganin niyo ng oxygen.hehehe
Anyway just enjoy reading guys.*********************************
Gabi na nung nakauwi si Marydale mula sa kaniyang trabaho. Tinapos niya pa ang photo shoot nito. Dahil sa pagsisikap at determinasyon at sa pagiging positibo ay unti-unti na nitong naaabot ang kaniyang pangarap. Isa na ito sa matanyag na modelo ng bansa at the same time mayroon din itong Boutique na pag-aari nila ng bestfriend niyang sina Kisses at Fenech.
Lulan ng kaniyang sasakyan ay nakarating ito ng ligtas sa Condo na kung saan silang tatlo ng kaniyang best friend ang nakatira. Nang makarating na ito ay agad niyang binuksan ang pinto at pumasok.
Agad din itong dumeretso sa kanilang silid at nadatnan nito ang kaibigang si Kisses na nasa harap ng salamin na nag-aayos ng sarili.
"Oh may lakad yata ang beauty queen!" Saad ni Marydale habang lumalapit sa kinaroonan ng kaibigan saka humalik sa pisngi nito.
"Ate May, nandiyan ka na pala! " aniyang tiningala ang nakangiting si Maymay. "Oo ate susunduin ako ni Marco".
"Ohh! Date? Kayo na talaga! "
"Parang gano'n na nga Ate May, "tipid niyang sagot sabay tayo at inakbayan ang kaibigan. "Kaya ikaw Ate maghanap ka na rin ng pwede mong jowain o kaya makipag-date ka, " payo ng dalaga sa kaibigan.
'Makipag-date? No! A big No!" Pasigaw nitong tugon na ikinailing lamang ni Kisses.
"Si Ate May oh! Ayaw daw pero parang may hinihintay lang yata e." Pang- aasar ni Kisses na ikinatahimik lamang ni Maymay habang napaisip sa binitawang salita ng kaibigan.
Talaga nga bang may hinihintay siya kaya magpahanggang ngayon ay wala pa din siyang boyfriend. Matapos nang dalawang beses nitong kabiguan dahil sa pag-ibig ay nagiging mailap na ito sa mga lalaking nais na makipag-date sa kanya o sa mga lalaking nagbabalak na manligaw.
"Sino naman aber? "
"Si Ed----" Hindi na naituloy ni Kisses ang sasabihin bang biglang tumunog ang cellphone nito. "Hello my king,"saad niya rito nang sagutin na nito ang naturang tawag.
"Hello my Queen, Are you ready? I'm on my way kaya dapat pagdating ko ay ready ka na," sagot naman ni Marco sa kasintahan.
"Oo na! Ready na nga e, "Aniya rito. "Oh siya bye na! Wait na lamang kita dito" nakangiti nitong saad bago binaba ang telepono.
"Hmmmm.. Saan na naman kaya kayo pupunta niyan? Napapadalas na yata iyang paglabas niyo ah!" Tanong ni Maymay habang nagpapalit ng damit.
"Wala pa akong ideya Ate, Hindi din kasi sinasabi ni Marco sa akin kung saan kami pupunta. Minsan nga nasosorpresa na lang ako o 'di kaya biglang mag-aya." Tugon naman ni Kisses sabay sipat sa sarili.
"Ahhh.. Oh siya Kisses, tama na iyan! Kanina ka pa nasa harap ng salamin. Huwag ka masyadong magpaganda baka maitanan ka ng jowa mong wala sa oras. Kawawa kaming maiiwan dito," sita naman ni Maymay sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
If Only Eyes Could Speak Written by Mona Nor Kalis
FanfictionIf Only Eyes Could Speak Written by: Mona Nor Kalis Teaser Paano kung sa isang di-inaasahang pagkakataon ay makakatagpo ka ng isang taong maaring pumawi ng sakit na dulot nang nakaraan, Ang taong magiging daan upang muling tumibok ang iyong puso at...