Chapter 9

99 6 17
                                    

If Only Eyes Could Speak
Written by Mona Nor Kalis

Chapter 9

They're dancing together, with the background music Moving Closer by Never the strangers.

Halos magkadikit ang kanilang  mga katawan habang magkayakap na nagsasayaw. Saliw ng musika ay tanging puso lamang nila ang nangungusap. Hanggang sa biglang bumuhos ang ulan na dahilang kumalas ang dalaga sa pagkayakap at akmang aalis ngunit mabilis si Edward at napigilan niya ito na dahilang napasubsob si Maymay sa dibdib ni Edward. Bahagyang napatingala ang dalaga at halos magkasabay na nagtama ang kanilang mga mata.

Hindi man lang inalintana ang lamig at buhos ng ulan. Nanatiling ganoong posisyon na nagkakatitigan. Marahang hinawi ng binata ang buhok ni Maymay upang mapagmasdan niya ito ng maayos hanggang sa dahan-dahang inilapit niya ang mukha habang hindi kumukurap ang dalaga.

Habang yakap niya ito ay hindi niya  mapigilang hagkan ang mga labi ng nobya na siya namang tinugon ni Maymay nang buong pagmamahal..

Kusang kumikilos ang kanilang katawan gayon din ang mga kamay habang nanatiling magkayakap sa isa't-isa. Ninanamnam ang bawat tamis ng halik hanggang ito'y dumiin at sa pagdaiti ng kanilang mga katawan ay ramdam ang alab ng pagmamahal na naghatid ng kakaibang sensasyon sa kanila na sanhi na pareho na silang nadadala sa kanilang nararamdaman. Ngunit bigla na lamang kumalas ang binata.  Ayaw niyang mangyaring aabot sa kung saan ang kapusukan nila at maaaring mapagsisihan nila sa huli. Pinatitigan niya ang nobyang kanina pang nanahimik na tila binabasa ang sinasabi ng mga mata nito.

Hanggang sa napansin niya ang mumunting butil ng luha na pinipigilan ng dalaga. Walang pasabing niyakap niya ito ng mahigpit sabay bulong ng "I'm so sorry, " habang nanatiling tahimik ang dalaga.

"Gusto mo na bang umuwi na muna?" Tanong ni Edward habang hawak ang magkabilang pisngi ng nobya at tanging tango lamang ang dalaga.

Walang imik habang magkahawak kamay ang dalawang tinutungo ang kinaroroonan ng sasakyan. Pinagbuksan ni Edward ng pinto si Maymay at agad namang pumasok ang dalaga saka bumaling naman ang binata at tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Napatingin ito sa nobya habang tahimik lamang ang dalaga. Marahang hinawakan nito ang kamay at binuhay ang makina ng kotse.

Nanatiling walang kibuan ang magnobyo na tila nagpapakiramdaman. Hanggang sa biglang mayroong narinig ang dalawa na isang pamilyar na awitin.

Magkasabay silang dalawang natawa habang nagkatinginan.

"May naalala ka ba sa kanta?" Tanong ni Edward sa kanya.

"Oo naman!  Kung alam mo lang na kinilig ako no'n nung kinanta mo iyan sa harap ko,"  nakangiting sagot niya na ikinangiti naman ni Edward
sabay halik sa labi ni Maymay.

"I'm in love with you since the day I'm singing that song, " Aniyang nakangiti pa din sabay kindat sa nobya habang kinilig si Maymay.

"Waahhh..  Siguro sobra kang in love ano?  Kaya pala ayaw mong magkwento tungkol sa babaeng lihim mong minamahal kasi ako pala iyon," aniyang natatawa habang muling hinawakan ng binata ang kamay nito saka hinagkan niya ito.

"Pasensiya ka na,  Sa'yo naging torpe ako. Duwag! Ewan ko ba anong meron sa'yo at nilamon ako ng kaduwagan ko," Aniyang pangiti-ngiti pa ito habang sinasabayan ang naturang awitin.

Background music Tulad mo by TJ Monterde.

Makalipas nang ilang sandali nakarating na nga ang mga ito sa Bahay ni Maymay.  Naisipan niyang umuwi sa sariling bahay nito upang doon magpalipas ng gabi.  Gabi na nung nakaratimg ang dalawa.

If Only Eyes Could Speak Written by Mona Nor KalisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon