If Only Eyes Could Speak
Written by Mona Nor KalisChapter 6
Napabangon bigla si Maymay dahil sa panaginip niya habang kapapasok lang ng dalawang sina Kisses at Fenech sa kuwarto.
"Ate May! Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo?" Takang tanong ni Fenech habang papalapit ito sa kaniya.
"Ahhh e--- Napanaginipan ko si Edward," sagot niya rito.
"What? si Edward?" Gulat na tanong naman ni Kisses.
"Oo nga! Si Edward iyong nasa panaginip ko, "
"Kuwento mo na daliiii!"
"Ayoko nga! Sa akin na lang iyon. Isa pa madaling araw na at magsitulog na kayo." Aniyang parang ipinagdadamot nito sa mga kaibigan pero ang totoo ay nahihiya lang siya sapagkat panigurado ay tutuksuin siya ng mga ito.
"Ang daya talaga ni Ate May oh!" Reklamo ni Fenech.
"Baka naman kasi napakaganda iyong panaginip na iyon kaya ayaw niyang ibahagi sa atin," saad naman ni Kisses.
"Tingnan mo nga tinulugan na tayo," Si Fenech.
"Hayaan mo na baka nabitin sa panaginip niya," natatawang saad naman ni Kisses.
*****************
Kinabukasan ay tinanghali nang gising si Maymay. Rest day niya ngayon kaya wala siyang balak lumabas at mas naising sa bahay lamang ito. Tila tinatamad pa itong bumangon hanggang sa biglang naalala niya iyong panaginip kagabi. Parang totoo lang at natatawa pa itong isiping na ang crush niyang si Quen ay nobyo niya at ang matindi pa ay nagtapat si Edward sa kaniya.
"Teka! Kumusta na kaya si Edward? Matagal na akong walang balita sa kaniya, Iniiwasan kong tanungin si Marco dahil paniguradong aasarin lang ako no'n, " Napaisip niyang tanong sa sarili.
Makalipas nang ilang sandali ay tuluyan na itong bumangon. Biglang kumalam ang kaniyang sikmura. Agad itong lumabas sa kuwarto.
Mag-isa lamang ito kaya malaya niyang gawin anumang naisin niya. Naghahanda na ito ng kaniyang almusal hanggang sa may bigla itong naalala nang nagsimula na itong kumain.
Throwback Time
Kagigising lang ni Maymay at agad siyang naligo at pagkatapos makapag-ayos ng sarili ay lumabas na ito sa kuwarto at dumeretso sa kusina nang biglang---
"Good Morning!" Nakangiting bati ni Edward sa kaniya. Napahawak siya bigla sa kaniyang dibdib sa pagkagulat nang mabungaran ang binata.
"Edward! Paano?" Gulat niyang sambit.
"Yes! Oh, Parang gulat na gulat ka?" Aniyang nakangiti pa rin sa kaniya.
"Sino bang hindi magugulat? E akala ko kung sinong guwapong nakita ng mga mata ko."
"Sinong guwapo? Ako ba iyon?" Tanong niya na hindi maitagong kinikilig.
"Sino pa ba? Tayo lang naman dito. " napangiting tugon ni Maymay sa kanya.
"Talaga lang ah!"
"Oh Bakit hindi ba? Marami ngang nagka-crush sa'yo e, "
"Weeeee... 'Di nga?"
"Ewan ko sa'yo! Oh ikaw ba nagluto?" Tanong nito nang mapansin ang nakahanda sa mesa.
" Oo ako, Pasensiya na pala nangialam ako sa kusina niyo, Breakfast is ready," Aniyang nilapitan ang kanina pang nakatayong si Maymay.
"Teka! Paano ka nakapasok? I mean Sinong nagpapasok sa'yo?" Tanong ni Maymay kay Edward.
"Kasama ko si Marco kanina. Sinundo niya si Kisses at may lakad sila. Then naisip kong magpaiwan dahil sabi ni Kisses tulog ka pa daw,"
BINABASA MO ANG
If Only Eyes Could Speak Written by Mona Nor Kalis
FanfictionIf Only Eyes Could Speak Written by: Mona Nor Kalis Teaser Paano kung sa isang di-inaasahang pagkakataon ay makakatagpo ka ng isang taong maaring pumawi ng sakit na dulot nang nakaraan, Ang taong magiging daan upang muling tumibok ang iyong puso at...