If Only Eyes Could Speak
Written by Mona Nor Kalis
Short StoryChapter 7
Isang oras na lang lilipad na ang eroplanong sasakyan ni Edward habang hindi pa tapos si Maymay sa ginagawa nito. Makalipas ang sampung minuto ay natapos rin ito. Agad itong umalis habang may oras pa at baka sakaling maabutan pa niya ang kaibigan. Ngunit sa kaniyang pag-alis ay naabutan siya ng matinding trapik.
"Sh*t! Bakit ngayon pa? Kung kailan ako nagmamadali." Asik niya habang kinukuha ang kaniyang telepono sa bag nito.
"Kisses! Pick up the phone please, " Aniyang tila nakikiusap ngunit hindi iyon napansin ni Kisses hanggang pinatay na nito at si Marco naman ang sinubukang tawagan ngunit tulad ni Kisses ay hindi din nito nasagot.
"Haisstttt... Ano kayang ginagawa ng dalawang ito? Ngayon pa talaga kung kailan may hinahabol ako," Bulong niya sa sarili habang dahan-dahang umuusad ang sasakyan. "Salamat naman umusad na,"
Samantala nakapagcheck-in na rin si Edward subalit tila hindi ito mapakali na parang may inaabangan na maaaring humabol at makita man lang niya bago tuluyang makaalis.
"Maymay please humabol ka! Gusto kitang makita ngayon," piping sambit niya sa sarili habang nakatingin sa labas.
Makalipas nang ilang minuto ay nakarating na din ang dalaga. Dali Dali itong lumabas sa kotse saka hinanap ang mga kaibigan.
"Hey Guys! Si Edward?" Tanong niya sa mga ito.
"Nasa loob na. Bakit ngayon ka lang?" Sagot at tanong naman ni Kisses sa kaniya.
"Kanina lang ako tumatawag. Hindi niyo naman sinasagot, "
"Naku! Sorry Ate, hindi ko napansin." Hinging paumanhin nito sa kaniya.
"Teka! Nakaalis na ba iyong eroplano?" Muling tanong nito.
"Ewan,"
Bigla na lamang itong naupo dala-dala ang isang stuff toy. Hanggang sa mayroong humawak sa kaniyang balikat at niyakap siya. Naaamoy niyang si Edward iyon.
"Edward!" Bulong niya sabay angat ng kaniyang ulo. Napangiti habang inalalayan siyang tumayo.
"Akala ko-- nakaalis ka na?" Aniyang hindi makapaniwalang nasa harap pa niya ito.
"Shhhhh... Yeah I'm still here, Delay ang flight namin for an hour kaya nagbakasakali ako," Aniyang nakatitig sa dalaga na tila may nais gawin hanggang sa dahan-dahan iyong inilapit ang mukha at marahang hinagkan ang labi nito. (What? Sa lips Edward?? Hahaha)
Nanlaki ang mata ni Maymay sa pagkagulat ngunit lihim din itong kinilig.
With background music Maghihintay Ako by Jona Viray.
"Bakit mo iyon ginawa?" Takang tanong ni Maymay sa kanya.
"Ang alin?" Maang-maangan niyang tanong sa dalaga.
"You kiss me,"
"Sorry! Gusto ko na iyon ang magiging baon ko pag-alis ko na kahit dampi lang, " hinging paumanhin nito.
"But Why?" Muli niyang tanong.
"Because I---" aniya nang biglang tinawag sila ng mga kaibigan.
Lumipas ang ilang minuto ay muling papasok si Edward sa Airport. Isang napakahigpit na yakap ang ginawa ng dalawa na animo wala nang bukas.
"For you! Ingatan mo iyan," Habilin ni Maymay sabay abot sa stuff toy.
"Sure! Basta galing sa'yo,"
BINABASA MO ANG
If Only Eyes Could Speak Written by Mona Nor Kalis
FanfictionIf Only Eyes Could Speak Written by: Mona Nor Kalis Teaser Paano kung sa isang di-inaasahang pagkakataon ay makakatagpo ka ng isang taong maaring pumawi ng sakit na dulot nang nakaraan, Ang taong magiging daan upang muling tumibok ang iyong puso at...