Chapter 5

135 9 12
                                    

If Only Eyes Could Speak
Written by Mona Nor Kalis
Short Story

Chapter 5

**** I just wanna warn those MAYWARD fans na ang mababasa niyong mga eksena ay sobra pa sa hindi niyo inaakala. Maraming tumatakbo sa utak ko basta I'm so excited*******

Halos isang dangkal na lang ang pagitan nilang dalawa. Kulang ay maglapat na ang kanilang mga labi hanggang sa biglang may kumagat sa bandang paa ni Maymay.

"Arayyyy" sigaw niya.

"Oh! Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Edward habang yakap ang dalaga.

"May kumagat sa paa ko," Aniya rito.

"Teka! Patingin nga, " aniyang sabay tingin sa paa ng dalaga. "Naku! Langgam lang pala, " Aniya rito. ( Ayan ang sweet niyo kasi kaya pati langgam umeksena.)

"Ano? Langgam? Bakit nagkaroon ng langgam sa ganitong umuulan," gulat niyang tugon.

"Halika nga! Umupo muna tayo do'n, Isa pa pareho na tayong basa sa ulan kaya let just enjoy this moment," aya ni Edward habang hawak nito ang kamay ni Maymay.

With background music Sukob na by Neocolors.

Magkahawak kamay na tinungo ng dalawa ang dalampasigan. Pareho na silang basang basa sa ulan, Hindi na nila iyon inalintana bagkus animo mayroong sarili i musikang sila lamang ang nakakarinig.

Marahang hinawi ng binata ang buhok ni Maymay na nakatakip sa mukha nito habang pasimpleng nakatitig ang dalaga.

"Why Edward? Bakit ka ganyan? Tuwimg nakatitig ako ay parang may iba akong nararamdaman. Hindi! Hindi maaari ito!" saad ng isip niya hanggang sa biglang napatalikod at akmang aalis ngunit mabilis pa sa alas kuwatro ang binata at nahawakan niya ang kamay ng dalaga.

Ngunit sa paglingon ni Maymay ay hindi sinasadyang nagdampi ang kanilang mga labi. Sa nangyari ay biglang nanlaki ang mata ni Marydale sabay kalas nung yakap siya ni Edward.

Ngunit muli siyang nahawakan ng binata habang titig na titig ito sa kaniya. Animo nakikiramdam hanggang kusang inilagay nito ang mga kamay ng dalaga sa batik niya habang ang mga kamay nito ay nasa beywang ni Maymay.

They're dancing, Yes they're dancing like real couple. Saliw ng musika na sila lamang ang nakakarinig. With background music How Will I Know by Sam Smith.

Nanatiling nakatitig ang binata na animo pinag-aralan ang bawat parte ng mukha ng dalaga. Halata sa mga titig nito na mayroong lihim iyong nararamdaman kay Maymay.

Sa bawat pagdaiti ng kanilang mga balat ay hatid nito ay tila nakukuryente. ( Spark ba iyan? Hahaha)

Sa murang edad nila ay nagawa nilang kontrolin ang mga sarili. Sa isip ni Edward ay gustong-gusto na niyang iparamdam sa dalaga ang tunay nitong nararamdaman ngunit tila may pumipigil, nais niya iyong hagkan ngunit umiral pa din ang respeto niya dito.

Mahal man niya ito ngunit ayaw niyang madaliin ang lahat. Palaging sinasabi ni Maymay sa kanya na ayaw na muna nitong tumanggap ng manliligaw at ayaw pang makipagnobyo.

Kaya iyon ang pinanindigan niyang rason na kung bakit nagiging kontento sa kung anong meron sa kanila ng kaibigan.

Muli ay sadyang mga mata at puso na lamang ang nga nangungusap. Ramdam ang matinding lamig sa katawan.

"Feeling cold?" Pabulong na tanong ni Edward sa dalaga habang yakap niya ito. Isang tango lamang ang tugon ni Maymay rito. "Tara nang makapagpalit tayo,"

"Wait! Wala pala akong dalang damit, Paano ito?" Nag-aalang sabi ni Maymay.

"Don't worry, May extra clothes ako diyan, Hindi ko pala nasabing dito tayo pupunta." Aniyang sabay kuha ng tuwalya at pinunasan si Maymay.

If Only Eyes Could Speak Written by Mona Nor KalisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon