If Only Eyes Could Speak
Written by Mona Nor Kalis
Short StoryChapter 3
******Ito yata ang isa sa favorite chapter ko wherein my expertise goes into something good. Hindi ako expert sa iba like erotic scene but sa ganitong mga eksena, Oh my! My favorite ang magpakilig lang. Sadyang lukaret lang talaga utak ko.
Enjoy Reading.
"Oh Bakit Marydale? Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Edward habang nakatingin na ito sa labas.
"Sa lahat pa namang lugar, Bakit dito pa? " naiinis niyang sambit habang tuluyang nakapasok na ang dalawang sina Christian at Heaven.
"Huwag mo na silang isipin at pansinin, alam mo bang naging syota ko iyan dati ang kasama niya, "
"What? Tama bang dinig ko? That girl is your ex girlfriend?" Gulat na tanong ni Marydale habang hindi mapakali sa kinauupuan nito.
"Yes! Actually hindi naman gano'n kaseryoso ang relasyon namin. Katunayan ako ang nakipagkalas sa kanya. " tugon naman ni Edward na ikinabigla ng dalaga.
"Oh really! Bakit?"
"Just like what happen sa inyo ng nobyo mo, "
"So after you, sila na ng ex ko?"
"No! Another guy,"
"Oh talaga? Naks naman! Iba din talaga kamandag ng babaeng iyan to the highest level," aniyang natatawa pa ito sa mga nabitawang salita.
"Hahahaha.. Ikaw naman! Pero alam mo sa tingin ko ay parang tama ka naman e, " natatawa na ring tugon ni Edward dito.
Habang naging masarap at nagtatawanang nag-uusap ang dalawa ay ang paglapit Nina Christian at Heaven sa mismong kinaroroonan nila. Nagkataong walang umuukopa sa mismong tabi nang inuupuan ng mga ito.
"Christian Is that Marydale?" Tanong ni Heaven sa ngayong nobyo niya.
"Oo nga! Anong ginagawa niya dito?" Gulat na sagot at tanong din nito.
"Malamang kakain, Fast food ito diba? " mukhang naiinis na tugon nito.
"Oh Bakit nagtataray ka na naman?" Biglang tanong ng binata .
"Nagtanong ka pa! Naiinis ako sa pagmumukha ng ex mo, " naiinis niyang turan.
Naupo sila sa tabi ng mga ito. Habang pasimpleng napasulyap ang dalawa.
"Sa ex ko ba talaga nainis o sa kasama niya? I mean naiinis ka, dahil iyong dati mong nobyo ang ngayon kasama niya. "
"Oo silang dalawa, okay na?"
'Wait! I wanna talk to her,"
"What? For What na kailangan mo siyang kausapin? " pasigaw na turan ng dalaga.
"Basta! This is between the two of us, just please lower your voice,"
"Wow! May gano'n?"
"I have to go,"
"Wait! Siguraduhin mo lang na sa akin ka pa rin babalik at hindi sa kanya," pagbabanta nito sa nobyo.
"Okay, just relax!"
Habang ang dalawa ay nanatiling kalmado at nag-eenjoy na nagkukuwentuhan habang kumakain.
"May napansin ka ba sa dalawa?" Biglang tanong Maymay sa binata.
"Huh? Parang may pinagtatalunan yata," naging tugon naman ni Edward sabay lingon sa kinaroroonan ng dalawa.
"Oo nga! Sa tingin ko tayo iyong pinag-uusapan nila?"
BINABASA MO ANG
If Only Eyes Could Speak Written by Mona Nor Kalis
FanfictionIf Only Eyes Could Speak Written by: Mona Nor Kalis Teaser Paano kung sa isang di-inaasahang pagkakataon ay makakatagpo ka ng isang taong maaring pumawi ng sakit na dulot nang nakaraan, Ang taong magiging daan upang muling tumibok ang iyong puso at...