If Only Eyes Could Speak
Written by Mona Nor KalisChapter 4
******* Maraming salamat sa lahat at nagustuhan niyo ang gawa kong kuwento. Pasensiya na kung natagalan ang update nito, sadyang abala lang talaga ako dahil sa work.
Anyway, tulad sa isang pelikula. Ito na yata ang matatawag kong climax at abangan ang huling apat na kabanata. ******
©©©©©©©©©©©©©©©©©…
Balisang lumabas nang Banyo si Edward at napaupo sa kaniyang kama. Hindi niya maunawaan kung bakit gano'n na lamang ang panaginip niya.
"A girl, Yes a girl! Sino siya? Bakit siya nagpakita sa panaginip ko? A kind a weird, and that Key Chain?" Tanging nasambit ng binata.
Hindi na nakabalik sa pagtulog ang binata, Sadyang ginugulo na ang isip nito sa naturang panaginip.
Hanggang sa pagsikat nang araw ay walang ibang laman ang kaniyang isipan kundi ang naturang panaginip.
Matapos niyang maligo at ayusin ang sarili ay napagpasyahan niyang lumabas sa kaniyang silid. Bakasyon naman iyon at naroon siya sa isang Beach Resort.
Sa kaniyang paglalakad sa dalampasigan ay mayroon siyang namataang dalawang pares na magkahawak-kamay.
Isinawalang bahala na lamang niya ito nang makaramdam ng pagkalam ng kaniyang sikmura. Habang ang dalawang pares ay masayang naglalakad sa dalampasigan.
"Hon, Are you happy?" Biglang tanong ni Christian sa nobyang si Maymay.
"Of Course! Very happy, " nakangiti namang tugon nito.
"Nagugutom ka na ba?" Muling tanong nito. Isang tango na lamang ang naging tugon ni Maymay.
It was a long time na ang nakalipas ngunit para sa binata ay napakasariwa ito.
"Then What happen next? Sabi mo nakita mo siya at iyong key chain?" Tanong ni Aizan sa kaibigan.
"Actually tatlong beses ko siyang napanaginipan hanggang isang araw nakita ko iyong key chain sa lugar kung saan ko din siya nakita, "
"Kaya pala memorable place ang Park, maraming unexpected moments." Saad naman ni Kisses dito.
"Wait! Paano mo ba ginawa iyong pag-stalk mo sa kaniya?" Tanong ni Marco sa kaniya.
"Ganito kasi iyon, After the day that I saw her in the Park and I had a memorable picture. I already started my plan to stalk her." Kuwento niya sa mga kaibigan.
Habang nagkukuwento si Edward ay balikan natin ang kaganapan pitong taong nakalipas.
He's riding his bicycle way home when he remember the girl he saw in the Park.
"Marydale! Is that really you? The girl in my dream? " tanong niya sa sarili.
Napahinto siya saglit sa isang Fast food nang may namataan siyang dalawang pares na masayang kumakain.
Hanggang sa naisipan niyang pumasok nang bigla na lamang siyang nagutom. Oorder na sana siya nang biglang napansin niyang tumayo ang dalaga.
"She's beautiful, " pabulong sambit nito.
Doon siya umupo sa isang bakanteng mesa na katapat ng inupuan nina Maymay at Christian upang matanaw niya ito.
From that time he knows Marydale is with someone else and seems she looks happy with her boyfriend. Ngayon niya napagtantong kahawig talaga ito ng babaeng nasa kaniyang panaginip. It was also the day na ninais niyang malaman lahat ng detalye anh buong pagkatao nito.
BINABASA MO ANG
If Only Eyes Could Speak Written by Mona Nor Kalis
FanfictionIf Only Eyes Could Speak Written by: Mona Nor Kalis Teaser Paano kung sa isang di-inaasahang pagkakataon ay makakatagpo ka ng isang taong maaring pumawi ng sakit na dulot nang nakaraan, Ang taong magiging daan upang muling tumibok ang iyong puso at...