II-ARMORNES AND GRAY DEAL

951 34 30
                                    

"Gusto mo ng blow job, pare?"

"Gago ka ba?"

"De joke lang. Pero gusto mo ba lumaki 'yang anes mo?"

"Ulol!"

"Seryoso nga!"

"Pakyu ka ba? Hmm, pero paano?"

Nakumbinsi si Emerzon ng isang lalaking kalbo, maliit, malaki ang panga, sarat ang ilong, halos luwa ang mga mata at makapal ang labi. Likas itong mukhang kriminal pero hindi niya alam kung bakit nagpadala pa rin siya sa offer nitong palakihin ang pag-aari niya.

Lasing siya noon at umiiyak sa loob ng isang cr sa bar, iniwan kasi siya nga babaeng nakilala niya doon. She insulted him for asking if he was castrated for she doesn't feel anything under his pants. There was nothing more painful than the disgust in her eyes. That night, Emerzon felt his feelings ruptured and flowed through his eyes. Rejection travelled in his veins like he was born to be unwanted by women. Even he had everything –money, looks and smart mind, he was still alone.

Marahil ay desperado siya ng oras na iyon na kahit lalaking mukhang mandirigma ang awrahan dahil sa suot nitong palaso at pana ay pinagkatiwalaan niya. Hindi naman niya inaakalang pagkagising niya pagkatapos ng deal nila ay malaki na ang organ niya. Para siyang nalingat lang at natupad na ang matagal niyang gusto. Nangingilid ang luha niya ng makita ito kaya't matinding selfie ang ginawa niya kasabay ang ilang kurot at sampal niya sa kaniyang sarili para makasiguradong totoo ito.

Ngayon nga ay kaharap niya ulit ang merchant matapos ang ilang araw na orientation niya sa palasyo ng nakilala niyang hari na si King Euphus. Binigyan siya nito ng matutuluyan bilang premyo sa pagiging high profile niya. Tinupad din ng hari ang hiling niyang iharap sa kaniya si Zoux.

Dinala si Emerzon ng merchant sa kaniyang tent kasama ang pinakilala niyang kaibigan na si Tads –matangkad ito at natatabunan ang mukha ng balbas at buhok. Palagi lang siyang nakasuot ng tuxedo kakahintay sa forever niya. Sa lahat ay hindi ma-gets ni Emerzon ang fashion sense ng mga taga-Duzakh, parang lahat may pinagdadaanan.

"Gusto mo?" Itinaas ni Tads ang isang pink na shell. Lumalantak ang magkaibigan ng isang kakaibang uri ng shell. Malaki ito sa karaniwang nakikita ni Emerzon noong buhay pa siya. Para itong kabibe kung titignan ngunit kapag binuka ay may maliit na butas para sipsipin ang laman sa loob.

Umupo siya sa tabi ng mga ito at tinanggap ang pagkain. "Zoux, iyo na lang kasi 'tong ano ko, punyeta wala namang kwenta. Ibalik mo na ang buhay ko." Sumipsip si Emerzon sa shell at nalasap niya ang kakaibang katas na ngayon niya lang natikman –maalat-alat ito ngunit humahalo ang tamis at talaga namang napakabango. Hindi niya mawari kung bakit siya napaungol nang dumulas ang munting laman sa kaniyang lalamunan.

Hindi naman manyak si Emerzon –green minded lang at tigang. Kaya naman nang matikman niya ang shell ay hindi niya naiwasan ang makasalanang imaheng pumasok sa kaniyang isip. Aminado siya sarili niyang kasalanan. Aba, sino ba naman ang walang pagnanasang nararamdaman? Lalo pa't iba't ibang babae ang nakikita niyang may hiya sa tela mula nang mamatay siya? Ang Duzakh ay tila isang paraiso sa kaniyang paningin kung wala lang sungay ang mga dilag na nakakasalamuha niya. Dagdag pa ang takot ng mga ito sa kaniya. After all he is, as King Euphus would nonchalantly say, Death, the taker of souls. No one dared to get near him. It's ironic for Emerzon because he sacrificed half of his life just to get laid, yet, now that he is in hell with gigantic organ, still nobody wanted him.

"Sarap na sarap, e?" humagalpak si Zoux. "Sabi nga sa'yo Emerzon 'no refund, no exchange', alam mo 'yun. Malinaw ko 'yung sinabi. Hirap sa'yo, hayok ka kasi," dagdag pa nito sa kaniya.

Tibok Galing IlalimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon