V: ANKLET OF HER PAST

584 21 11
                                    

Isang tahol ng doggie na naman ang dumalaw kay Elrozy. Ito ay ang messenger ng Duzakh. Lahat halos ng mga nasa gobyerno at high profile ay mayroon nito.

"Excited kang mabasa 'yung sulat ni Emerzon." Mahadera ang mga doggie; Palagi pang naka-poker face.

"Oh, ano naman sa'yo?" saad ni Elrozy at hinablot ang itim na papel sa bibig ng doggie. Malaki ang bibig nito para sa hugis puso nilang mukha. Wala silang laway, ngipin, dila o gilagid dahil ang mga bunganga nila ang nagdadala ng liham. Maliit ang katawan nila at walang kasarian. Ang kabuuan nila'y parang katawan ng gingerbread, payat na version nga lang. Kulay dilaw ang katawan nila at umiilaw sa dilim.

"Pakipot ka pa kasi." Inirapan siya nito at ginantihan niya din.

SUCCUBUS ka ba?

Iyon lamang ang nakasulat sa papel. Napataas ang kilay ni Elrozy at dali-daling nagsulat gamit ang mahaba at matulis na bolpen ng doggie. Nakalagay ito sa may kaliwang hita at tinuturing na parte ng kanilang katawan.

Obvious ba?

Ni-rolyo niya ang papel at akmang ibibigay sa mensahero pero nagsalita ito.

"Ang arte-arte kasi, pa-doggie-doggie pa! 'Di na lang mag-usap sa personal." Sanay na si Elrozy sa pagrereklamo ng messenger. Palagi itong may say sa buhay.

Sinalaksak ng sukubo ang papel sa bunganga ng doggie. "Layas na nga."

"Tse," sabi ng nilalang at kumaripas ng takbo.

Ilang segundo lang ay hindi na doggie ang nasa harap niya kundi si Emerzon.

"Dapat 'bakit' ang sagot mo! Benemenyen." Bungad nito sabay kuha sa kamay niya at hinalikan. May kung anong kilabot siyang naramdaman, parang may gumapang na reaksyon ng kuryente sa mga nerves niya.

"Ha, Bakit?" maang na tanong ni Elrozy. Pilit di-ne-deadma ang naramdaman nang dumampi ang labi ni Kamatayan sa balat niya.

"Kasi sinu-SUCCU ko na nga ang puso ko sa iyo, pilit mo pa ring inuu-BUS ang lakas ko."

Urat face ang naging tugon ng maalindog na sukubo.

"BOOM!" Tumawa mag-isa si Emerzon.

Nang ilang segundong walang narinig na reaksyon ay pinindot niya ang tagiliran ni Elrozy.

"Hoy, kiligin ka naman!" Sinimulan ni Emerzon sundut-sundutin ang baywang ng sukubo. Noong una ay hindi siya natatawa pero hindi na niya napilgil dahil nakikiliti siya.

"Namimilit naman 'to." Humahagikgik siya. At biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Leiron. Nag-e-enjoy siya kay Emerzon pero may kirot pa rin kapag naaalala niya ang kasintahan. Miss na miss niya na kasi ito. Hindi niya na lang ipinahalata at kunwari ay nagmaldita si Elrozy para makalayo.

Sa ilang pagtatagpo nila ni Kamatayan ay panay pang-aakit ang kaniyang ginagawa na malugod na ginagantihan nito. Gusto niyang makatalik na si Emerzon para makuha ang kaluluwa nito pero nauunahan siya ng takot kaya hindi niya maituloy ang balak. Pakiramdam ni Elrozy ay naiilang siyang magkalapit ang katawan nilang dalawa. Hindi niya first time para maging ganito pero hindi niya maintindihan ang sarili. Ayaw ni Elrozy ang kawalan ng kontrol sa kaniyang emosyon at ang kuryenteng dulot ng pagdidikit ng kanilang balat.

Hindi rin niya mahulaan ang taktika ni Kamatayan dahil hilig din nito ang sakyan siya. Mas lalo pang naguluhan si Elrozy nang araw-araw ay pinapadalhan siya ng mga korning banat sa pamamagitan ng doggie ni Emerzon. Hindi siya sanay sa ganoon dahil kahit kailan ay 'di nauso iyon sa Duzakh.

Tibok Galing IlalimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon