I-PAJAMA

1.2K 40 25
                                    

Saplot.

Himas.

Tigas.

Tatlong salitang umalingawngaw sa utak ng birheng kamamatay lang. Nawindang si Emerzon dahil sa mga nakapaikot sa kaniyang kakaibang nilalang –ang isa'y hinihimas pa ang matigas niyang kalamnan. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin; sisigaw, tatakpan ang sarili o uungol. Masarap kasi ang pagdaplos ng kamay ng nilalang na iyon.

Luminga siya sa paligid. Gumapang ang kilabot sa katawan niya dahil sa nakita –karamihan ay may sungay ngunit iba-iba lang ang sukat; ang mga babae ay halos pinagkaitan ng tela sa katawan; ang mga lalaki nama'y may mga abs kaya siguro lahat ay walang suot pang itaas, may mga naka-short, pantalon at bahag. Napahawak siya sa tiyan. Buti na lamang ay mala-adonis din ang kaniyang katawan kung hindi ay nakakahiyang bumalandra siya ng hubad doon.

Hindi alam ni Emerzon kung nasaang lupalop siya at kung bakit wala pa ring siyang saplot. Hindi niya mawari kung paano siya napunta sa lugar na mukhang malawak na hardin ng apoy at tinik. May munting takot ang gumapang kay Emerzon ng unti-unti niyang napagtatanto kung nasaan siya. Slow-mo pa ang peg niyang kinapa ang pulso sa kamay ngunit nang wala siyang maramdaman ay doon nakumpirma ang hinala niya.

"Langya! Virgin pa ako, bakit ako nasa impyerno?" Napatayo si Emerzon dahil sa bugso ng damdamin. Humalakhak ang karamihan, maging ang humihimas sa kaniya'y humagalpak rin sa kakatawa at nabitawan ang pag-aari niya.

"At kailan pa naging ticket papuntang langit ang pagiging virgin?" anas ng isang babaeng may malamyos na tinig. Mapupula ang mata nito, may mahaba at makintab din na buntot. Ito na ata ang may pinakamalaking dibdib na nakita niya. Nagkaroon siya ng biglaang pangangailanagan na mahawakan ang mga ito.

Umiling-iling si Emerzon. Inaalis ang mga makamundong pag-iisip. Hindi muna siya dapat magpadala sa sariling katigangan. Ang dapat niyang unahin ay ang pagkakaroon ng damit para hindi na siya pagpyestahan ng mga ito. Kitang-kita niya ang pagnanasa na sumasalamin sa kanilang mga mata. Hindi niya gusto ang mga tinging iyon dahil pakiramdam niya ilang sandali lang ay kakainin siya ng buhay. Ayaw ni Emerzon maging double dead na kaluluwa.

'Putsa, patay na talaga ako?' Gulo ang isip niya. 'At talagang virgin pa akong namatay? Letseng buhay 'to!' Sobrang frustrated si Emerzon sa mga realisasyong tumatakbo sa utak niya. Dagdag kumpirmasyon na patay siya dahil sa butas sa kaniyang dibdib na may nakatarak na bakal. Hinawakan niya ito at dahan-dahang naging abo pwera sa sugat na naging peklat lang.

Iniisip ni Emerzon na sana pinaraos muna siya bago lumindol. Kahit sa ganoong paraan, magiging masaya siyang bawian ng buhay. Kaso hindi, bitin si Emerzon.

Sobrang nabitin. Kaya siguro hanggang kamatayan ay tinitigasan pa rin siya. At natuon ang pansin niya sa nilalang na muling humihimas sa matigas niyang alaga. Pamilyar sa kaniya ang mga nilalang na iyon –incubus at succubus. Ang mga kakaibang hitsurang nakapalibot sa kaniya ay nabasa na niya sa libro. Iba nga lang ang tunay na mukha ng mga ito dahil doon ay inilarawan sila bilang magagandang nilalang na may makinis na kutis. Ang nasa kaniyang harap ay may kaliskis ng dragon sa mukha ngunit nakakahalinang titigan.

Sa tanda ni Emerzon ay nangangain ng kaluluwa ang mga ito kaya't bigla siyang napayakap sa katawan. Hindi niya akalaing ganito ang babati sa kaniya sa kakaibang lugar na kaniyang napuntahan. Iba kasi ang inaasahan niya sa impyernong minulat noong siya'y buhay pa.

Marami pang katanungan ang gumugulo sa isip niya dahil shookt pa siya sa mga ganap nang biglang may humawi sa mga incubus at succubus na naroon. Pati ang nilalang sa kaniyang ibaba ay biglang lumuhod upang magbigay daan sa isang galing sa liwanag na hindi niya ma-gets kung ano dahil silhouette lang ito.

Tibok Galing IlalimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon