When do you felt alive?
Emerzon asked himself that question like a mantra flowed in his mind. Kung dati, ang sagot para sa kaniya ay simple lang –iyon ay ang dahil humihinga siya at tumitibok ang puso niya. Was that all cost of life? Na-realize niyang ang babaw niya pala mag-isip noon. Now, he doesn't have a heartbeat and don't need an air to fill his lungs yet he never felt this alive. Elrozy changed what he believed in – the way he saw world, the way he felt about living and even the way he thought about his death... everything. Like the succubus made it all fell in the right places.
When do you felt alive?
Emerzon would gladly answer, 'when I'm with her.'
All became clear –he wanted her, badly. Nakumpirma niya iyon sa sarili nang malaman ang katotohanan sa nakaraan ni Elrozy. Pakiramdam niya, match made in hell sila – may kung anong koneksyong nagdudugtong sa kanilang dalawa. Hindi akalain ni Emerzon na si Elrozy lang pala ang hinihintay niyang makakapagparamdam sa kaniya ng ganito katinding emosyon. Hindi niya inaasahan na kahit sa impyerno ay mahuhulog ang loob niya at magmamahal ulit ng totoo.
Kapag kasi kasama niya ang sukubo ay nakakalimutan niyang patay na siya. Tila lahat ay makulay at may silbi kapag si Elrozy ang usapan. Unti-unti nililigawan niya na ito para mapa-ibig talaga at maging 'sila'. Totoong relasyon at wala na siyang pakialam sa deal nila ni Zoux. Masaya na siya dito sa Duzakh at buong puso na niyang tinatanggap na siya si Kamatayan. Basta kasama niya ang sukubo ay kuntento na siyang manirahan sa impyerno.
Patalon-talon pa siya sa saya ng araw na iyon. Magaan ang pakiramdam na bibisitahin niya si Elrozy. Dahil sanay na si Emerzon sa bahay nito ay tuloy-tuloy siyang pumasok hanggang sa pinto ng silid ng sukubo. Napatigil nga lang siya sa narinig.
"Mahal ko si Leiron at gagawin ko lahat para sa kaniya." Biglang nanigas si Kamatayan sa kinatatayuan niya.
"Alam ko..." Kitang-kita niya ang creepy na ngiti ni Zoux na nakatayo sa harap ng sukubo. "Kaya lang, nagtataka ako... kasi kung atat kang makasama si Leiron, e bakit hanggang ngayon 'di mo pa rin bina-barter sa akin ang kaluluwa ni Emerzon? 'Di kaya, nag-e-enjoy ka masyado sa kaniya at nakalimutan mo na ang incubus na 'yon?" Bawat salita sa silid na iyon ay nagiging kutsilyong binabato sa kaniya.
"Ang hirap kasi..." Yumuko ang sukubo sa merchant.
"Ikaw pa nga 'tong minamadali akong ibalik sa'yo ang kaluluwa ng boyfriend mo."
"Makukuha ko rin 'yan sa'yo. 'Wag kang mag-alala, makukuha mo rin ang kaluluwa ni Emerzon. Alam ko rin namang marami nang gustong bumili n'un," kaswal na sabi ni Elrozy. Sinasampal siya ng katotohanang nasa impyerno nga pala siya.
Gusto niyang lumabas sa pader at ipakita ang sarili. Gusto niyang magwala at sumigaw para mailabas ang sakit na nararamdaman. Kahit pala kaluluwa, may feelings pa rin. Kahit high profile siya sa Duzakh ay walang siyang ligtas ganitong emosyon. Pero pinigilan ni Emerzon ang sarili. Nagmamadali siyang lumayo sa lugar na iyon upang damhin ang kabiguan.
Biglang naglaho ang lahat sa isang iglap. Akala niya'y may patutunguhan na ang kaniyang kaluluwa pero mas lalo ata s'yang naligaw ng landas. Si Zoux, ang inaakala niyang kaibigan na gumabay at umalalay sa kaniya ay mukhang hindi siya itinuring na ganoon. Merchant ito sa Duzakh at nakalimutan niyang barter lang ang alam nito. Hinulog sila parehas ni Elrozy sa bitag ng isang deal.
Isa pang masakit na katotohanan ay may mahal na iba si Elrozy. At handa itong isakripisyo siya para maibalik ang buhay ng kasintahan. Pakiramdam ni Emerzon ay ang tanga-tanga niya para isiping may tyansang mahulog rin ang loob nito sa kaniya.